5 years had passed...
I am walking while carrying a basket of fresh flowers... It's been five years since she left me.
In that long years, there's a lot of things that changed.Ako na ang may ari ng kumpanya
Dad is just visiting in the company sometimes. Mas naging close kami ni Dad sa mga panahong iyon, sabagay kami lang naman dalawa ang magkasama sa buhay.Ipinatong ko ang mga bulaklak sa harapan ng lapida niya.
'Ayumi Dianne A. Fortalejo'
Iyan ang nakasulat sa lapida. Ang pangalan ng babaeng minahal ko, at hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin.
"Hi baby! kamusta ka na diyan? kung nasan ka man ngayon sana nasa maayos kang kalagayan. Thank you because you came into my life. Thanks for always making me happy, for being understanding, for caring and for loving me. I'm glad dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ka, dumating ang isang pinaka maganda at pinaka mabuting babae sa buhay ko. No one can ever replace you in my heart..." tumingala ako sa langit at ngumiti " baby, nakikita mo ba ako dito mula diyan? alam mo, sobrang miss na miss na kita. Tandaan mo lagi na ikaw lang ang pinakamamahal ko... You are my first, and probably..... My last"
"Daddy!" napalingon ako sa tumawag at napangiti.
"Oh? Dianne, ba't ka ba tumatakbo? baka madapa ka"
"Eh, kashi daddy ang tagal-tagal mo. I'm sho hungry na, Hayi ka na let's eat na kasi the dragons in my tummy ish already fighting.."
"He-he. Oo na po princess, sorry kung natagalan si Daddy hali ka na po mahal na kamahalan"
Napangiti ako sa scene na nakita ko. "Nakakatuwa naman silang pagmasdan baby, kapangalan mo pa yung bata. Siguro ganyan na sana tayo kasaya ngayon at meron na din tayong anak. Natupad na din sana yung mga plano natin noon. Hanggang sana na lang siguro ako, but i'm already okay now. Tanggap ko na rin ang lahat ng nangyari. may mga bagay talaga na gusto mo pero hindi pwede, kung pwede na ayaw mo na rin. pero para sa akin, kung ang isang bagay ay para sayo magiging sayo talaga. At kung pinahiram lang naman kailangang matuto kang ibalik ito.... Baby, ng dahil sa'yo na realize ko ang mga bagay-bagay. Thank you dahil sa ikli ng panahon na nakilala kita, marami kang mga bagay na pinaintindi sa akin. At marami din akong natutunan sa iyo."
