Nandito ako ngayon sa harapan niya habang nakaupo. Pang apat na araw na niyang burol ngayon.
"Anak, umuwi ka na muna upang makapagpahinga at kumain ka naman kahit konti lang, Please..."
Halos hindi na ako makakain at makatulog, parati na lang din akong tulala at parang wala sa sarili. Pahirapan pa bago nila ako mapapayag na umuwi.
"B-bakit siya pa? wala naman akong ginawang m-masama para pahirapan ako ng g-ganito. For all of the people, bakit siya pa ang kinuha? s-sana a-a-ako na lang..." naramdaman ko nanaman na umiinit ang sulok ng mga mata ko. Alam ko anytime ay babagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan
Umiling-iling si Dad "alam mo anak, may mga mangyayari talaga na hindi natin kayang pigilan, may mga bagay talagang pinapahiram lang sa atin at pwede din kunin iyon anytime. All we need is to accept and let go. Accept the things that may happened and let go of what hurts us..." Niyakap ako ni dad at sa pagkakataong iyon hindi ko na napigilang humagulgok ng iyak.
Wala na akong pakealam kung anong isipin ng ibang tao dito. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit sa dibdib ko.
Why life's so Unfair? una kinuha sa amin si Mommy nung bata pa ako, at simula nun si Ayumi na ang laging nagpapasaya sa akin. Tapos ngayon, siya naman ang kinuha? wala na ba akong karapatang maging masaya?
Ayumi change everything in my life. Nang dahil sa kanya natuto akong magmahal at bigyang halaga lahat ng bagay. She's my everything, my life, my other half. But now she's gone, how? how can I live without her?
Alam kong iisipin ng iba na masyado akong oa. bakit? nararamdaman ba nila ang sakit na nararamdaman ko? wala na akong pakealam sa mga iisipin at sasabihin nila. Now my life is completely miserable and shattered of her lost. How i wish i could bring back the time and change the destiny.
-RaessyPark
