"Baby, sorry kung minsan hindi ako nakakadalaw sa 'yo dito uh? hindi ibig sabihi nun ay nakakalimutan kita. Sadyang nagiging busy ako minsan sa company. Alam ko namang hindi ka nagtatampo sa mga maliliit na bagay, napaka understanding mo kaya. Hehe, mas matured ka pa nga mag isip kaysa sa akin kahit mas matanda ako sa'yo ng isang taon. Para nga kitang Ate kung seryoso kang magsalita, at parang Mommy din kita kung makapangaral ka sa akin. Kaya ka ata kinuha agad dahil sobrang bait mo, while ako sobrang pasaway. Haha! naaalala mo nun para akong bata kung magtampo at kung maglambing sa 'yo? sa iyo ko lang nga naipapakita yung side kong ganun eh..."I can't help but to laugh while reminiscing our memories together. I don't care kung para akong baliw dito na nagsasalita mag isa, basta para sa taong mahal ko binabalewala ko ang mga sinasabi ng ibang tao.
Tumingin ako sa wrist watch para makita ang oras. Oops! may meeting pa pala akong pupuntahan.
"Paano ba 'yan baby? Kailangan ko ng umalis. Babalik na lang ako ulit in a day 2 or 3, Okay? I love you. Byeee! .."
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Kinuha ko ang phone ko para mag text sa secretary ko na on the way na ako at iprepare na ang mga papeles.
Natigilan ako sa paglalakad ng may napansin akong babaeng nakatalikod at nakatayo sa isang puno di kalayuan dito. Wait! she looks familiar, saan ko nga ba nakita ang babaeng iyan?
Naglakad na siya paalis at nakakailang hakbang pa lamang siya ay bigla siyang natigilan at tumingin sa direksyon ko ng nakangiti.
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko at awtomatikong nanlamig ang buong katawan ko, Kasabay nun ang pag ihip ng malakas na hangin.
Kumaway siya sa akin at tumakbo na palayo. Gusto ko sana siyang sundan pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Totoo ba ang nakita ko? o nagmamalik mata lamang ako?
"A-ayumi..."
Siya nga ba talaga ang babaeng nakita ko kanina?
-RaessyPark
