Chapter 12

9 1 0
                                        

Pinantayan ako ng upo ni Mike at umiling iling "You're not weak, you're brave enough para makaya ang mga nangyari sa buhay mo. Talagang mahirap lang tanggapin ang pagkawala niya. Lahat naman tayo mawawala sa mundong ito, yun nga lang maaga siyang kinuha sa atin."



"Ano ng gagawin ko ngayon Mike? paano na ako magsisimula nang wala siya?"


"Andito kami Kyle, mga taong nagmamahal sa'yo. Kami ang tutulong para magsimula ka ulit. Ang kailangan mo muna ay acceptance. You know, everything's happen for a reason. Kailangan mo ng mag move on..."



" I wish i knew what the reason was..." huminga ako ng malalim bago magsalita ulit " hindi ko naman kailangan mag move on dahil hindi naman kami nag break, Mike." ngumiti ako ng mapakla sa sinabi ko




"Yeah. iyan ang Kyle na kilala ko, should we celebrate an acceptance party?" sarcastic niyang sabi.



"G*go ka talaga kahit kailan Mike!" napailing iling na lang ako sa kanya. At natawa naman ang loko.


























"A-ayumi? baby? ikaw ba yan?" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin sabay ngiti



"Baby..." agad ko naman siyang niyakap



"Totoo ka nga. Akala ko hindi na kita makikita pa, miss na miss na kita. Ba't mo ba ako iniwan? diba sabi mo sa akin walang iwanan bakit bumitaw ka na?" naluluha kong sabi sa kanya





"Shhh.. I'm sorry baby, sorry kung hindi ako tumupad sa usapan natin. Sorry kung iniwan kita at sorry kung dahil sa akin ay nasira ang buhay mo. Hindi na kasi ako pwedeng manatili pa dahil ito ang itinadhanang mangyari, i'm so sorry kung hindi mo na ako makakasama pa sa mga pangarap nating dalawa. But please... Ayusin mo na ang buhay mo, bumalik ka na sa dating Kyle na nakilala ko. Ang masayin at palabirong Kyle, ang lalaking minahal at mamahalin ko habang buhay." naluluha niyang sabi





"Paano na ako magiging masaya kung wala ka na..." pinunasan niya muna ang luha niya at nagsalita



"Paano ako mawawala kung lagi akong nandiyan *sabay turo sa puso ko* tsaka sa isip mo. Diba madami tayong mga pictures? magsasawa ka kakatingin nun"





agad akong may naalala kaya natigilan ako at nagtanong sa kanya"T-teka! paanong nagkasama tayo sa tagaytay kung naaksidente ka na ng mga oras na yun? panaginip lang ba yun?"




Umiling-iling siya at nagsalita




"hindi iyon panaginip, totoo ang lahat ng yun baby. Ako talaga ang kasama mo ng mga oras na yun..."




"So ibig sabihin... Ang-----" tumango siya at ngumiti.
"Pe--pero... Pa-a-n-o?"




"Humiling ako na kahit sa huling pagkakataon ay kung pwede sana ay makasama kita. Masabi ko sayo lahat ng gusto kong sabihin at ipadama kung gano kita kamahal for the last time. That's probably my.... Last wish"



Sa sinabi niya, naliwanagan na ako kahit paano. Kahit sa huling sandali ng buhay niya ako pa rin pala ang iniisip niya.

The Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon