Agad akong umuwi matapos malaman ang mga nangyari.
It's just I'm still very confused sa mga nangyayari.How? why? is it possible? 'yan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.
Nagdadrive ako papunta sa lugar na sinabi sa kin ni Tita. sa isang memorial chapel. Nagpark agad ako ng makarating ako.
pagbaba ko, bumungad sa akin ang isang malawak na garden, mga nakatanim na halaman at bulaklak. Humaplos sa mukha ko ang ihip ng hanging pang gabi.
Nagsimula na akong maglakad. Pakiramdam ko mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko.
Habang papalapit ako, natatanaw ko ang napakadaming bulaklak na nakapalibot sa isang light purple na coffin.Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, sumisikip ang dibdib ko, kinakapos na ako ng hininga habang papalapit sa kabaong.
Parang ayoko ng tumuloy, I want to run and wake up from this nightmare. Para akong naestatwa nang makita ang isang anghel sa loob na parang mahimbing lang na natutulog.I-i-is t-thi--s r-r-r-e-a--l--??
Nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Parang hindi ko na kayang tumayo, sobrang nanginginig ang buong katawan ko. Naramdaman ko na lang na umaagos na ang mga luha sa mga mata ko.
"I-iho, K-k-yle..." naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni tita habang nakaluhod pa rin ako.
"T-t-this i-isn't r-rea-l..." halos mag crack na ang boses ko
"I-i'm sorry, p-pero talagang iniwan na niya t-tayo..."
Iniwan? kung totoo nga ang mga ito, kung talagang wala na nga siya, bakit kasa-kasama ko pa siya kahapon? how? can someone please explain what is really happening?
-RaessyPark
