13.DESS.

1.9K 77 1
                                    

Kinakabahan ako sa gagawin kong pagrampa maya maya lang.
Halos lahat na yata ng mayayaman at mga sosyal na tao sa Pilipinas nandito para manuod.Napansin ko din na nasa harapan si Madam CK at ang anak nyang si Miss Sydney.Meron pa silang dalawang kasamang babae na halos kaedad din ni Madam.Mukhang mga mayayamang negosyante din base sa porma at bihis nila.

"Guys,Magsipag handa na kayo.Magsisimula na ang rampahan!_Gay na floor director ng show.May mga foreigner din kaming kasama na mula naman sa Gucci International.

"Miss Dess Nakpil,Be ready...Ikaw ang unang rarampa.Dapat simula pa lang pasabog na okey?Wag mong ipahiya ang CK GROUP._Lala.Sya yung naghahandle sa lahat ng model from CKG.

"Opo ma'm._AKO.Muli akong niretouch ng baklang make up artist at saka muling chineck ng wardrobe assistant ang suot kong damit.
Naka gucci white short ako(P29.067K)at saka gucci black loved vintage tshirt(P49.258K) with gucci gold sensual romanticism sunglasses(P21.518K)
Sa umpisa kasi,casual wear muna ang suot namin.Maging ang medyas at sapatos ko ay gucci din.

"Gucci ready to wear summer collection"

"Ang ganda ganda mo naman Dess! Parang hindi ikaw yung naglalakad kanina sa rampa.Infairness ha,hindi ka talaga nagpahuli dun sa mga datihang mga model,para ngang professional kana eh!_Sally.
Sinalubong nila ako sa likod ng stage para i-congratulate.Saka ko napansing wala yata si TOP dahil walang nang aasar sa akin.

"Congrats Dess! You nailed it! Ang galing mo.Hindi ako magtataka kung may mga talent scout dyan na mag alok sayo magpatuloy sa modeling, para kasing natural na natural sayo eh._Terry. Inabutan nya ako ng bouquet of flowers na galing daw sa kanilang lahat.

"Salamat sa support guys.Kung wala kayo dito,baka hindi ko talaga alam ang gagawin ko.Sa totoo lang sobrang nerbyos ko kanina...Pero nung nakita ko kayo na nagchi cheer sa akin dun sa harap,lumakas ang loob ko talaga eh._AKO. May iba pang nagpaabot din sa akin ng bulaklak at ang bukod tanging kakaiba sa lahat ay yung sing laki ko halos na bouquet of red roses.

"Miss Nakpil,Pinabibigay po ito ng CHAIRMAN of the board ng GUCCI PH na si Mr.Arnaldo MARFIL.Kung maaari din daw kayong makausap.
_guy na naka suit.Sabay turo sa isang lalaki na medyo may edad na sa akin.

"Guys,Sandali lang ha.Magpapasalamat lang ako dun sa Chairman.
_AKO.Saka ako lumapit dun sa sinasabing chairman nga daw ng Gucci PH

"Hello Miss Nakpil.Now I finally meet you ng malapitan.Mas lalo ka nga talagang maganda kapag sa malapit titignan.Hindi ako nagkamali sa pinili ko._Mr.Chairman.Medyo nag alangan ako kung makikipag kamay ba o makikipag beso sa kanya.Sa totoo lang,parang kinabahan ako sa klase ng pagtitig nya sa akin.

"My pleasure to meet you too Sir.Salamat po ng marami sa pagpili sa akin para mapasali sa napakalaking even na ito Sir.Malaking karangalan po para sa isang karaniwang saleslady lang na gaya ko na mapasali sa mga ganitong karangyang okasyon._AKO.Medyo mahirap din talaga kapag di masyadong nakapag aral,hirap ako sa engles.

"Walang anuman.Btw,hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Miss Nakpil.
Alam mo naman na busy akong tao hindi ba,Kaya hindi ako maaari pang magtagal dito kaya need ko ng umalis kaagad.Maari ba kitang ma invite na samahan ako para mag dinner?_Mr.Marfil. Kinilabutan ako ng hindi mawari ng basta nya na lang akong akbayan sa balikat at saka isinabay sa kanya papalabas ng venue.

"Pe...Pero Sir.May mga nag aantay po kasi akong mga kaibigan sa loob.
Hindi pa po kasi ako nakakapag paalam.Baka po maghintay sila sa akin.
Pwede po bang magpaalam muna ako sa kanila?_AKO. Sanay akong nakikipag usap sa kahit na kaninong tao,pero hindi naman ganito ang pakiramdam.Masyado syang madikit sa akin na parang any moment basta nya na lang akong susunggaban.

"Don't worry,Ang sekretarya ko na ang bahalang magsabi sa kanila.
Sila yung kausap mo kanina hindi ba?Ang isa duon ay bunsong anak ni Madam CK at ang isa naman ay ang nag iisang anak ng mga Guillermo...
_Sir Chairman.Napansin ko na medyo napapanot na ang ulo nya  at amoy na amoy ko ang amoy ng sigarilyo mula sa kanyang pagsasalita.

"Pasensya na po talaga Sir,Hindi po kasi ako pinapayagan ng lola at tita ko na magpagabi.Nagsabi po kasi ako sa kanila na uuwi kaagad pagtapos ng show.Pasensya na po._AKO.Saka ako mabilis na nagbukas ng pinto ng kotse nya at lalabas na sana pero hinawakan nya ako sa kamay para pigilan.

"Masyado ka namang pakipot.Kanina pa ako nagpapasensya sayo eh.
Sino kaba sa akala mo ha?Sa palagay mo ba,makukuha kang modelo sa kalagayan mong yan kundi dahil sa akin ha?Sabihin na nating maganda ka,pero mahirap ka lang.Kaya hindi kapa din mapapansin kundi dahil sa akin!_Mr.Chairman.Mas mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko ngayon.Pinilit kong magpumiglas pero ayaw nya akong bitiwan.

"Bitiwan mo ko!Nasasaktan ako ano ba?Hindi ko naman ipinilit ang sarili ko na ako ang piliin nyo ah!Ayoko naman talagang sumali pero wala akong choice dahil sa trabaho ko.Pero hindi nyo ako kailangang bastusin at insultuhin ng ganito!_AKO.Kinagat ko ang kamay nyang nakahawak sa akin at agad akong nakalabas ng kotse nya.Tumakbo ako palabas ng parking lot dahil nakita kong hinahabol ako ng dalawang tauhan nya.

"Dess!Come over here!_Mula sa gilid ng isang kotse nakita ko si TOP na tinatawag ako.
Nagmadali akong sumakay sa kotse nya at saka nya mabilis na pinatakbo ang sasakyan nya.

"Natatakot ako...Bakit nangyayari sa akin ito?_AKO.Saka ako napahagulgol na lang sa pinaghalong takot,kaba at pagod na din.

"Ssssshhhh...Calm down Dess.Wag kang matakot.Andito na ako.Hinding hindi na ulit mangyayari pa sayo ang ganun.Pangako yan._TOP.
Saka nya ako tinapik sa balikat habang patuloy sya sa pagda drive.

"Papano mong nalaman kung nasaan ako?Hindi naman kita nakita kanina sa front seat habang rumarampa ako ah._AKO.Akala ko kasi wala sya talaga sa venue kaya hindi ko inaasahang maililigtas nya ako.

"Nanunuod ako,wala nga lang sa harapan.Andun kasi si Mommy eh kaya hindi ako tumabi kina GD.May iniiwasan din kasi akong makatabi duon.
Lalapitan na sana kita sa likod ng mapansin kong isinama ka nung lalaking naka suit kay Mr.Marfil._TOP. Naka focus ang mata nya sa pagmamaneho habang nag sasalita.Napatingin naman ako sa kanya ng di ko sinasadya.

"Salamat.Palagi mo na lang akong nililigtas kapag nasa alanganing sitwasyon ako.Para kang Super hero na kapag may nangangailangan bigla na lang sumusulpot._AKO.Nasa kalsada kaming pamilyar sa akin.
Parang kelan lang andito din kaming dalawa.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?Hindi kana ba kinakabahan gaya kanina?Dito na muna kita dinala para makapag relax ka.Im sure na trauma ka sa nangyari sayo kanina.Wag kang mag alala,may CCTV sa parking lot na yun at sila Terry at GD na ang bahalang umayos sa lahat.Mananagot si Marfil ang ginawa nya sayo._TOP.Inalalayan nya akong bumaba sa sasakyan nya at saka kami umupo sa bench duon sa ilalim ng malaking puno.

"Pero malaking tao si Mr.Marfil.Papano na lang kapag binaliktad nya ako at sabihin nyang kusa akong sumama sa kanya?_AKO. Ngayon pa lang siguradong malaking gulo na ang kakaharapin ko.

"Gaya nga ng sabi ko sayo...Wag kang mag isip ng kung ano ano.I relax mo lang yang isipan mo.Kayang kaya na nila GD at Terry yun.Sigurado akong pagbalik mo bukas sa trabaho,Parang walang nangyari at balik sa normal ang buhay mo._TOP.Saka ako napahilig ng ulo sa kanya.Sana nga ganun lang kadali ang lahat.Yung ipipikit ko lang ang mga mata ko at pag dilat ko, balik na sa normal ang lahat.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon