62.DESS

1.3K 55 1
                                    

Ilang araw pagkatapos kong magpaalam sa pamilya ko na magsasama na nga kami ni TOP ay sa pamilya naman nya kami nagsabi at nagpaalam
.Kahit ang kuya Tom ni TOP ay kasama din namin sa video chat habang nagsasalo salo kami sa isang hapunan.

"Bunso,Basta kapag umuwi kami sa Pinas ha dun kami sa palasyo nyo mag i stay.Nakwento ko kasi sa mga pamangkin mo na parang palasyo ang disenyo ng bahay mo kaya excited na silang makita._Kuya TOM.
Sa totoo lang,Napaka perfect ng pamilya nina TOP kumpara sa family nina GD at Terry.Walang kontrabidang mga biyanan at mga kapatid.Maswerte din talaga si TOP sa buhay,At iisa lang talaga ang kahinaan nya...
Sexy at magagandang mga babae.

"No problem kuya,Welcome na welcome kayo duon.Infact,May kanya kanyang silid talaga kayong pinahanda namin duon.Pati family ni Dess,Meron ding room na para sa kanila._TOP.

"Papano naman kami ng daddy mo,Meron din ba kaming kwarto duon ha Trishia?_Mommy Ava.Trishia kung tawagin ng mommy nya si TOP.
Wala syang choice dahil ayaw nito na tinatawag syang TOP,Wala daw kasi syang anak na TOP.

"Sympre naman mom meron din kayo.Kayo paba ang mawawalan?
Special nga yung room nyo dun ni dad,Parang sa mga hari at reyna._TOP.
Tumingin sya sa akin at saka kumindat.Ang totoo kasi nyan,Karaniwang estilo lang ang itsura ng room ng parent nya duon,Ang parang sa hari at reyna ay yung kwarto talaga namin.Habang sa mga magiging anak naman namin ay parang sa pinsipe at prinsesa ang mga design.

"Ang gusto kong makita ay yung kwarto ng mga magiging apo natin Mommy,Aba'y walang bukambibig itong anak mo kundi ang pag kukwento sa mala fairytale daw na itsura nung loob ng kwarto nung mga bata.Masyadong exxage sa paglalarawan itong anak mo eh._Daddy Vic
Natawa naman ako sa itsura ng daddy ni TOP habang nagkukwento.
Kahit kasi sya,halata yung excitement sa pagkaka bigkas ng salitang APO.

"Apo kaagad yang pinag uusapan nyo.Hindi nyo ba balak na magpakasal muna bago kayo mag anak?Ayoko namang lumabas na walang nanay o tatay yung bata kung sakali.Mas mainam siguro na magpakasal muna at saka mag anak._Mommy Ava.Nakita ko ang biglang pagbabago ng itsura ng mukha ni TOP.Basta kasalan talaga kasi ang topic,allergy si TOP na pag usapan.

"Mommy,Hayaan nyo na muna sila.Wag natin silang pangunahan.Matatanda na ang mga yan at alam na nila ang dapat gawin.
Darating din sila dyan,Hindi natin sila kailangang i pressured.Tama ba ko hipag?_Kuya TOM.Isang kiming ngiti naman ang tinugon ko sa kanya.
Sa totoo lang naman,Mahirap din ang magpakasal kaagad.Baka hindi nga kami kompatibol ni TOP tapos magka problema pa pagdating ng araw kaya maigi na ding wag na muna akong umasa sa kasal.

"Mommy,Napag usapan na natin to diba?Saka kahit naman ang pamilya ni Dess,Aprubado ang paglilive in namin eh.Sa ngayon,hindi na muna namin priority ang pagpapakasal,Ini enjoy na muna namin ang buhay na ganito.
Walang kontrata,Malayang magagawa ang gusto at walang pilitan._TOP.
Ewan ko ba,Bakit sa kaibuturan ng isip ko...May malaki akong takot.Pero sa puso ko naman,Tama lang ang ginawa ko.

"Sa ganang sa amin naman ng mommy nyo mga anak,Masaya kami at mag sasama na kayong dalawa ngayon.Pero hindi nyo din masisi ang mommy nyo na maghanap ng kasal bilang legal na mag asawa.Pero naiintindihan namin na gusto nyo na munang kilalanin ang isat isa bago kayo pumasok sa ganung lebel.Kaya naman,Andito lang kami ng mommy nyo para gabayan at basbasan kayo na sana ay maging masaya at panghabambuhay ang maging pagsasama nyong dalawa._Daddy Vic.Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni TOP sa daddy nya at saka halik naman sa mommy nya.

"Babe,Bukas nga pala ng umaga...Ipahahatid at pasusundo muna kita sa driver ko.Hindi na muna kita masusundo dahil may problema daw sa Subic branch.Medyo malayo din ang byahe kaya dun na muna ako mag i stay ng isang gabi._TOP.Bahagya akong napaisip.Nuon kasing hindi pa kami mag nobya,May nakapagkwento sa akin ng mga kalokohan ni TOP.Kapag daw kasi nagpupunta yun sa branch nya,dahilan nya lang yun at ang totoo,meron syang babaeng isinasama.

"Okey,Ikaw ang bahala.Mag iingat ka sa byahe.Tawagan mo na lang ako kapag nandun kana._AKO.Para tuloy bigla akong nawalan ng gana.Masaya kami kanina habang nagsasalo salo kasama ang pamilya nya.Ngayon naman,nasa kotse kami at ihahatid nya akong pauwi sa bahay.

"Para ka namang nalugi dyan sa reaksyon mo...Alam ko yang inaalala mo.
Iniìsip mong mambababae lang ako duon tama?Babe,Like i said to you...
Nagbago na ko.Mula ng maging tayo hindi na ko yung dating TOP na kung sino sino ang kasa kasamang babae kapag nasa ibang lugar.Maniwala ka, Pure business lang talaga yun at walang halong kalokohan._TOP.
Tahimik na lang ako sa sasakyan at hindi na lang muna nagsalita.Hanggang sa maalala kong hindi pala ako dapat magpakita ng kawalang tiwala sa kanya.Lalo pat magsasama na kami sa iisang bubong, dapat matutunan kong ibigay ang buong tiwala ko sa kanya para sa ikaka aayos ng magiging pagsasama naming dalawa.

"Well,Sympre hindi ko maiwasang mag isip ng di maganda.Pero gaya nga ng sabi mo,kailangan ko lang magtiwala.Kaya naman ibinibigay ko ang buong tiwala ko sayo.Basta tawagan mo kaagad ako pagdating mo ha._AKO.

"Opo madam! Magrereport kaagad ako pagkatapak na pagkatapak ko palang sa SUBIC._TOP.Na sumaludo pa sa akin at saka ako biglang ninakawan ng halik.Hinampas ko naman sya sa braso dahil sa pagka gulat.

"Luko luko ka talaga!Ang dami kayang nakatingin sa atin.Nakakahiya._AKO.Tumawa lang sya ng malakas at saka muling pinaandar ang sasakyan nya.Sinadya nya kasing buksan ang bubungan ng kotse nya habang nasa kahabaan kami ng traffic sa Edsa.Kaya naman lahat ng mga katabi naming mga commuters ay sa amin nakatingin.

"Hayaan mo silang mamatay sa inggit sa sobrang kilig.hahahha.Actually,sinadya ko talagang gawin yun sa harap ng madaming tao.Ganun ako ka proud sayo at kayabang sa mga tao dun na napaka ganda at sexy ng girlfriend ko.Kung ganyan ba naman kaganda ang kasama mo sa kotse,Itatago mo?_TOP.

"Haay naku ikaw talaga,Ang dami mong pa kiyeme!Alam ko naman na maganda ako at sexy,Pero hindi mo na kailangang ipangalandakan.
Hahahha.Kapal ko din noh! Pero seriously,Nagulat talaga ako sa ginawa mo.Ang dami kayang nakatingin sa atin.Baka mamaya,may nag upload pa sa video natin nyan eh._AKO.Sa dami ba naman ng tao sa Edsa,hindi na ko magtataka kung bukas nasa headline kami at trending ang paghahalikan namin sa Convertible na kotse ni TOP na red BMW Z4.

Sa dami ba naman ng tao sa Edsa,hindi na ko magtataka kung bukas nasa headline kami at trending ang paghahalikan namin sa Convertible na kotse ni TOP na red BMW Z4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon