49.DESS

1.4K 61 2
                                    

Nagsimula na ang mga meeting at briefings para sa gagawin kong trabaho sa publishing ni Zoey.Hindi naman ako nahirapan sa mga pinagagawa sa akin dahil mas pinag focus ako ng manager ko sa kontrata kaysa sa pagtao sa boutique.Pakiramdam ko nga,hindi na ako basta saleslady lang kundi para na ding modelo ng store.Isang malaking poster ko kasi ang ilalagay sa loob ng store kapag natapos na ang pictorial ko sa magazine.

"Hindi naman ba nagagalit ang fiance mo dahil wala ka na halos time sa kanya?Mabuti at hindi sya nagtatanong kapag ginagabi kana sa pag uwi mo?_Zoey.Madalas nya kasi akong kausapin kapag breaktime ko.
Feeling ko nga,wala na yata syang nagagawa sa trabaho nya dahil sa akin sya palagi nakabantay.

"Hindi naman,Alam nyang trabaho ito kaya hinahayaan nya lang ako.Isa pa,ilang days lang naman itong ginagawa ko kaya makakabawi din ako sa time na hindi kami nakakapag bonding masyado._AKO.Kapag nag uusap kami,nakabukas ang pinto ng opisina nya para nakikita kami ng staff nya

"Sabagay.Pero regarding dun sa article na sisimulan mo,kinakailangan mo pa ding bumisita dito sa opisina ng madalas para mag submit ng article mo at the same time dapat nalalaman mo din i check ang status ng performance rating ng segment mo._Zoey.Sya yung tipong gagawa at gagawa ng dahilan para magkita kami.Sad to say mas lalo lang akong napapalayo ang loob sa kanya sa ginagawa nya.

"Ganun ba,Ang alam ko kasi pwede ko namang ipasa yung article tru email hindi ba?Regarding naman sa pagcheck ng status,meron naman sigurong secretary na pwedeng magsend sa akin ng balita mula dito sa company mo hindi ba?Pero since ini insist mo na need ko pa ding magreport,pasabihan mo lang ako at darating ako._AKO.
Hindi na din naman sya nakasagot pa sa pagiging prangka ko.Pagkatapos ng meeting at kaunting rehearsal,agad na akong nagpaalam para makauwi na ng bahay.

Hippie Fashion Magazine:

Mahirap palang pagsabayin ang trabaho at pag aaral.Lalo pa't kinailangan ko itong ipaglihim kay TOP.Gusto sana nya akong sunduin pagkagaling sa photoshoot at sa opisina ni Zoey pero minabuti kong wag na lang para malaya akong maka diretso sa eskwela.

"Congratulations Dess! Salamat.Unang linggo pa lang ng article mo sa hippie's nagtrending na kaagad.Madami talagang mga kababaihang interesado sa mga bagong ilalabas na Gucci bags mula sa Italia at malakas din ang hatak ng poster mo sa boutique._Zoey.Pinatawag nya ako para daw i congratulate at the same time may pa dinner daw sya para sa success ng unang labas ng article ko.

"Naku,Ako nga ang dapat Magpasalamat sayo.Pati yung Boss ko sa boutique tuwang tuwa din dahil lumakas daw ang benta ng store nya dahil sa ipinabulished mong article about sa store nya.Salamat ng marami sa tulong._AKO.Masayang masaya talaga ang boss ko kaya agad nya akong binigyan ng bonus at may kasama pang bag at sapatos.

"Im so happy for you Dess.Unti unti mo ng naabot ang mga pangarap mo para sa kapatid at pamilya mo.Sana ay magpatuloy din ang pagdami ng mga sumusubaybay sa article mo para naman tuluyan ka ng mapermanente dito sa publishing ko._Zoey.

"Salamat sa tulong Ma'm pero hanggang 6 months contract lang talaga ang kaya kong gawin at wala na akong balak i renew pa.Pasensya na ha.
Magiging busy na din kasi ako dahil may iba pa akong priority na dapat pagtuunan ng pansin at unahin._AKO.Huling buwan na din kasi ng semester ko kaya need ko mag focus para sa exam.Hindi naman kasi ako ganun katalino gaya ng kapatid ko.

"Sayang naman ang oportunidad.Mas okey naman ang pagiging manunulat kaysa mag saleslady ka lang.Hindi ka maghapong naka tayo at nakangiti para mag abang ng costumer.Ayaw mo ba ng mas magaan at mas maayos na trabaho?_Zoey.

"Sanay na naman akong nakatayo maghapon sa trabaho.Hindi naman ako nahihirapan dahil gusto ko ang trabahong pinasukan ko kahit hindi ganun kalaki ang sahod.Ang mahalaga,malaya akong nakakakilos ng ayon sa gusto ko na walang pumipilit sa akin sa gagawin ko._AKO.Gusto ko sanang idagdag na hindi ako masayang palaging may nakabantay sa aking gaya nya pero minabuti ko na lang na manahimik.

"Kung ganun wala naman akong magagawa kung talagang ayaw mo mag stay dito sa kumpanya ko.Pero meron lang sana akong hihilingin,sana mapagbigyan mo bago ka umalis._Zoey.Since papa alis na naman din ako, ayoko namang masabihang walang utang na loob sa naging amo ko for six months kaya pumayag ako sa hiling nyang dinner.

"Dinner for two sa Diamond hotel na kayong dalawa lang?Ang kapal din talaga ng mukha ng taong yun eh,As if papayagan naman kitang makipag dinner date sa kanya._TOP.Alam kong magagalit na naman sya pero wala naman akong magagawa kaya dapat akong tumupad sa napagkasunduan.

"Babe,Hindi bat nakapag usap na tayo...Ang sabi ko magtiwala ka lang.
Walang wala sa akin ang lahat ng ginagawa ni Zoey para magustuhan ko sya.Kung pumayag man akong makipag dinner sa kanya, yun ay para sa  pasasalamat sa anim na buwang pagbibigay nya ang trabaho sa akin.Pero hindi nangangahulugan yun na binibigyan ko sya ng chance para ligawan ako._AKO.Hindi ako sigurado pero ramdam ko na nakikinig sa akin si TOP dahil hindi na sya galit gaya kanina.

"Im sorry babe,Napraning lang ako bigla kanina.Naiintindihan ko.May usapan nga pala tayo at isa pa buo ang tiwala ko sayong hinding hindi ka magkaka interes sa taong yun.Pero ipangako mo na after ng dinner nyo uuwi ka kaagad.I check mo din yung ipinapainum sayo baka lagyan ng pampatulog.Saka wag kang magsuot ng masikip at maiksing damit._TOP.
Natawa naman ako bigla sa mga sinasabi ni TOP.Para syang tatay na madaming bilin sa first time makikipag date nyang anak kung umasta.

"Opo tatay.Wag po kayong mag alala.Magbi behave po ako dun at hindi magpapagabi sa pag uwi._AKO.Saka ako tumawa ng malakas kaya pati sya ay natawa na lang din.

"Luko luko ka talaga,tatay ka dyan.Mas matanda ka kaya sa akin.Pinagtatawanan mo ko ha...Subukan lang talaga ng Zoey na yun na hawakan ka kahit dulo ng daliri mo makakatikim sya sa akin._TOP.
Napailing na lang ako.Ganun ba talaga katakot ang playboy sa kapwa playboy nya kaya hindi maiwasan ni TOP ang mag alala?

"Haaay naku,Palibhasa alam na alam mo ang mga galawan ng mga kagaya mo kaya ganyan na lang ang reaksyon mo.Alam mo kasi babe,Hindi lahat ng babae madaling ma fall sa gandang lalaki at sa yaman lang kaya BASTA MAGTIWALA KA LANG na hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit sino pa man._AKO.Hindi ko lang kasi ma imagine na bukod kay TOP meron pa akong ibang lalandiin.Masaya at kuntento na ako sa piling nya kaya naman alam kong never akong magkakaroon ng gusto kay Zoey kahit na ano pang gawin nya.






DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon