50.TOP

1.5K 63 2
                                    

Diamond hotel,7pm.

Maaga pa lang,nagpareserve na ako ng magandang pwesto kung saan matatanaw ko ng mas malinaw ang mesa na ipinareserve ni ZOEY para sa dinner nila ni Dess.Gandang ganda ako sa simpleng ayos ng buhok at make up ni Dess pagpasok nya pa lang mula sa entrance ng resto.Naka dress syang kulay light blue at saka may heels na sapatos.Kahit simple, elegante at angat sa lahat ng babaeng naandun ang itsura ng fiance ko.

"Im glad you came.Akala ko biglang nagbago ang isip mo at hindi moko sisiputin ngayon.Salamat._Zoey.Sabay silang umupo sa mesa at saka kaagad nilapitan ng waiter para sa order nilang pagkain.

"Bakit naman di kita sisiputin eh naging boss kita.Napaka walang utang na loob ko namang empleyado kung basta ko na lang babalewalain ang imbitasyon mo._Dess.Napangisi ako.Napaka prangka talaga ng gf ko.

"Hahahhaa.Syanga naman pala.Pasalamat na lang ako at boss ako ng publishing kaya eto kasabay kitang kakain ngayon.Mabuti at pinayagan ka ni Top na makipag dinner sa akin?_Zoey.Saka naman isinerve ang pagkain na inorder nilang dalawa.

"Oo naman sympre pinayagan nya ako.Alam naman nyang boss kita kaya alam nyang wala ako sa posisyon para tumanggi.At saka isa pa,malaki ang tiwala nya sa akin gaya din ng laki ng tiwala ko sa kanya._Dess.Napansin kong napasimangot sya sa sinabi ni Dess pero agad ding ngumiti ng mapansin nyang nakatingin ito sa kanya.

"Hahahhha.Parang di lang ako makapaniwalang ganun ganun ka lang nya pinayagan na ako ang kasama mo.Im sure meron din syang monkey business na pinuntahan kaya pinayagan ka nya.Knowing her,Im sure na meron syang..Ohhh i mean masaya akong makasama ka ngayon sa isang masayang hapunan._Zoey.Nakita nya kasi sa mukha ni Dess ang pagkairita sa mga sinasabi nya about me kaya agad nyang iniba ang usapan nila.

"I just wanna make it clear...Pumayag akong makipag dinner sayo para makabawi sa naging tulong mo sa akin at sa pinapasukan ko pero sana naman wag mong paratangan ng kung ano ano ang fiance ko.Higit kaninoman,Mas ako ang nakaka alam sa totoong sya kaysa sa mga kwento at paninira ng iba.Ngayon,kung hindi kapa din titigil sa paninira mo sa kanya aalis na lang ako._Dess.Akmang tatayo na sya pero pinigilan sya sa kamay ni Zoey kaya bumalik na lang sya sa pag upo.Gusto ko man silang lapitan pero hindi ako pwedeng magpakita kay Dess.Ayokong isipin nya na wala akong tiwala sa kanya kaya ko sya binabantayan.

"Im sorry Dess,Promise hindi na ko magsasalita ng kahit anong di maganda tungkol kay TOP.Please stay,kahit na ilang minuto lang.
Gusto ko lang sabihin sayo ang laman ng puso at isip ko._Zoey.Kundi ko lang kilala si Zoey,hahangaan ko sya sa sobrang pagmamahal nya kay Dess.To the point na kulang na lang lumuhod sya at magmakaawang mahalin din sya ng fiance ko.

"Just forget it Zoey.Hindi ko na kailangan pang madinig ang nasa isip at puso mo.Mas makabubuting hindi na lang din tayo magkita at mag usap pa para sa ikakapanatag ng lahat.Ayoko din namang bigyan pa ng maling empresyon ang mga taong nakapalibot kay TOP kapag makita nilang magkausap tayo.Sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo pero wala akong magagawa.Mas mahalaga ang samahan naming dalawa ni TOP at ayokong bigyan din sya ng ikakasama nya ng loob.Im sorry._Dess.Agad syang tumayo at saka tuluyan ng lumabas ng restaurant.Naiwan si Zoey na tahimik at nakatulala lang.Agad naman akong tumayo na din para sundan si Dess.

"Kamusta naman ang dinner nyo ni Zoey kanina,Nabusog ka naman ba?_AKO.Kunwaring wala akong alam sa mga naganap kanina.Sa bahay na nila kaagad dumiretso si Dess habang kasunod ako sa taxing sinakyan nya.

"Okey naman,Kaunting kwentuhan tapos maya maya nagpaalam na ko.
Alam mo namang jologs ako,hindi sanay sa pang mayayamang restaurant kaya kaunti lang ang nakain ko._Dess.Nakangiti sya sa akin habang nagkukwento.Agad ko naman syang niyakap papunta sa akin at saka ko sya hinalikan sa nuo.

"Hayaan mo,palagi kitang dadalhin sa pang mayayamang resto para masanay ka.Hindi naman pwedeng palagi ka lang sa turo turo kakain.
Alam mo namang negosyante ang fiance mo,madalas na mga ka negosyo kong mayayaman ang nakakahalubilo ko kaya dapat sanayin mo na ding makipag sosyalan sa kanila._AKO.Pero ang totoo nun,wala namang kinalaman ang pagkain sa sosyal na kainan ang pakikipag negosyo.Nasa galing yun ng pakikisama mo at wala sa mamahaling resto.

"Di hamak naman kasing mas masarap pang kumain sa Happybee kaysa dun sa mga resto na pang mayayaman eh.Puro dahon lang naman at tag iisang maliliit na karne ang nakalagay dun sa plato kapag oorder ka,haaaist.Di kaya nakakabusog yun tapos ang mamahal pa._Dess.Napangiti naman ako sa sinabi nya,totoo naman yun talaga.

"Hahahaha.Ikaw na loyal sa Happybee.Ikaw talaga,puro ka kalokohan.
Kailangan mo nga kasing masanay,kasi kapag kailangan ko ng ka date sa mga gatherings na pinupuntahan ko with the clients and business partners,puro mga sosyal at sa pang mayayamang hotel talaga ang venue ng mga meeting at meet up._AKO.

"Oh eh ano naman,para mayayamang businessman lang matatakot na kong harapin sila?Kung sosyal sila,e di sila na.Basta ako gagawin ko kung saan ako mas komportable na hindi kita ipapahiya noh.Kahit naman jologs ako at maingay,marunong naman akong lumugar at kumilos ng naaayon sa kaharap at makakasalamuha ko._Dess.Mas lalo akong humahanga sa kanya habang mas lalo ko syang nakikilala.Hindi si Dess ang klase ng taong basta basta na lang mananahimik sa isang tabi at mag aalangan sa mga kaharap,that's why i like her.Kaya nyang dalhin ang sarili nya at hindi sya takot sa sasabihin ng iba.

"That's a great idea!Kaya nga isasama kita  sa darating na Birthday party ng mommy ni Terry sa Alabang country club.Dun mo makikita ang lahat ng mayayamang tao sa bansa.Kahit pa ang mga pinaka sikat na mga celebrities naandun din._AKO. Alam ko namang kayang kaya magdala ni Dess ng sarili nya,Ang gusto ko lang sanang mangyari,maging komportable at pamilyar na syang makihalubilo sa mga taong madalas kong nakakasalamuha.Para sa hinaharap,Alam na alam nya na ang dapat gawin sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya.

Whew...Saka ako napaisip.Bakit nga ba need na ni Dess masanay sa mundong ginagalawan ko?Naghahanda na nga ba ako para sa future nya na kasama ako at sa bubuuin naming pamilya?

"Aba,at gusto mo talagang subukan ang charm ni Dess Nakpil sa larangan ng business world ha...Well,Ipapakita ko sayo na hinding hindi ka nagkamali sa pagpili mo sa future wife mo at hindi lang basta ganda ang meron ako,kundi abilidad din sa pagnenegosyo!_Dess.Wala na akong nasabi pa at tumango tango na lang ng nakangiti sa kanya.No doubt,Mahal talaga ako ng babaeng nasa harapan ko.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon