32.DESS

1.5K 62 2
                                    

Mabuti na lang at naunang dumating si TOP para sunduin ako.Kasi naman hindi ko alam ang idadahilan kay Zoey kapag inaya na naman nya akong ihatid sa amin.Naiilang talaga ako sa kanya lalo pa't kaming dalawa lang sa kotse ang magkasama.Unlike kapag si TOP,Sanay na akong kausap at kasama sya.Saka kilala na din sya nila Lola at Tita kaya kampante sila kapag sya ang kasama ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo,May problema ba?_TOP.As usual,hindi papayag si TOP na hindi kami dadaan sa kainan bago umuwi kaya bumaba muna kami sa Hollycafe.

"Wala naman,Ayos lang ako.Iniisip ko lang kung ano na naman sana ang idadahilan ko kay Zoey kung mas nauna syang sunduin ako._AKO.May sarili silang area dito nila Terry at GD kapag kakain.Exclusive na para lang talaga sa kanila kaya dun kami pumasok at naupo.

"Uhmmm...Gusto mo bang ako na lang palagi ang susundo sayo para hindi kana nag aalala na baka ma offend mo sya sa kakaiwas sa kanya?_TOP.
Napatingin ako sa kanya,papano nyang nabasa ang iniisip ko.Hindi kasi ako sanay na nagsisinungaling,pero nauubusan na ako ng dahilan para lang maiwasan si Zoey.

"Talaga,Susunduin moko palagi?Seryoso ka ba dyan?Baka naman sa umpisa lang yan tapos sa susunod manawa ka din?_AKO.Hindi na muna sya umorder ng drinks at nagkwentuhan na muna kami.

"Oo nga.Seryoso ako.Mukha ba akong Joker?Ang ganda ko namang Joker diba?_TOP.Saka nya ipinatong ang mukha nya sa dalawang kamay nyang nasa mesa at saka tumingin sa akin.Gosssh!Ang gwapo..este ang ganda talaga nitong babaeng toh..

"Pero papano kapag may meeting ka,o di kaya naman may date ka sa iba...
Tapos sakto namang naka antabay si Zoey sa akin,Wala akong choice kundi sumama sa kanya._AKO.Umiwas ako ng tingin,grabe na kasi ang kakyutan nya eh.Dun ako tumingin sa labas ng coffeshop.

"E di ipapasundo kita sa driver ko ng mas maaga!Ewan ko na lang kung maunahan nya pa yung sundo mo diba?Pwede ding si Terry or si GD ang pagsunduin ko sayo.Mas okey na yun para sure din akong safe ka._TOP.

"Teka,bakit naman may safetyness pang kasama?Hindi naman siguro ako ganun ka dyosa para maghabol si Zoey sa akin ng ganun.Mabait naman sya sa akin,Hindi nga lang talaga ako komportable sa kanya dahil di ko naman sya ganun kakilala talaga._AKO.Sumenyas na lang si TOP sa crew para kunin ang order namin.Dalawang frapp at saka dalawang slice ng blueberry cheesecake ang inorder nya na pareho naming paborito.

"Kaya nga,Para din safe ka sa mga taong di mo kilala.Tama yan,wag na wag kang basta magtitiwala sa mga taong lalapit sayo tapos yun pala ang intensyon lang para makaisa._TOP.

"Hahahaha.Parang alam ko na yang pinupunto mo eh.Papano,ganun ka din kaya alam na alam mo ang galawan ng kagaya ni Zoey.Kayo talagang mga babaero,iisa ang mga diskarte nyo,kakaibiganin kunwari tapos liligawan pero iiwanan din pagtapos matikman._AKO.Saka ako napatakip sa bibig ko.Medyo foul words na yung nasabi ko kasi naman.

"Hhahahha.Grabeh ka sa akin!Di naman ako ganun noh!Saka dati pa yun, di na ko ganun ngayon.Nagbago na ko._TOP.Napansin ko na medyo namula sya habang nagpapaliwanag.Guilty lang for sure.

"Eh kasi nga,Warfreak yung fiance mo.Baka kapag nalamang may ibang chicks kang dinidiskartehan,bigla nalang ipa salvage nung tatay nyang nutoryus._AKO.Saka ako napatakip ulit ng bibig ko.Haaaist.Bakit ba napaka taklesa ko kahit kelan.

"Well,Let change the topic na lang.Wag na natin syang pag usapan.
Btw,gusto nga din pala kitang imbitahan sa Anniversary party na dadaluhan ko.Wala kasi akong kasama kaya ikaw ang naisipan ko._TOP.

"Annivesary party ng ano naman yan?Nakakahiya naman...Sigurado pang mayayaman yang party na yan noh?_AKO.Para kasing may trauma na ako sa party mula ng sugudin ako ni Crazy leslie.

"Hindi naman pang mayayaman yun.Anniversary yun ng store nung kakilala ko.Hindi naman mayayaman lang ako dadalo duon kasi lahat ng mga empleyado nila anduon din._TOP.Sa totoo lang,bakit ba di ko kayang hindian si TOP kapag nakikiusap sya sa akin.

"Saan naman yan gaganapin?Ano bang isusuot dun,gown ba or casual attire lang?_AKO.Ngumiti naman sya sa akin ng madinig nya ang tanong ko.

"Wag ka ng mag worry sa isusuot,ako ng bahala dun.Sa Antipolo gaganapin ang party kaya ako na din ang bahalang sunduin ka.Wala kang aalalahanin dahil mahigpit ang security sa lugar na yun at walang pwedeng makapasok na kahit pa sinong gatecrasher._TOP.Saka sya ngumiti sa akin at sinamahan nya pa ng kindat.Juskolord,ano ba namang puso ito,bakit ambilis naman ng pagkabog.Para akong malalaglag dito sa upuan ko.

"Ahhh...Ganun ba.Si...sige papayag na ako.Basta ikaw ang bahala sa akin dun ha.Alam mo namang mahilig ako sa party pero wag moko paiinumin ng hard,baka kasi magwala ako dun nakakahiya._AKO.Saka ako namula bigla.

"Hahahahha.Ikaw talaga! Dont worry,Hindi na kita paiinumin ng madaming tequila para hindi ka malasing.Baka kasi bigla mo na naman akong hilahin at saka halikan ng bongga dun eh._TOP.Alam ko namang inaasar nya lang ako pero hindi ko maiwasang di mamula.

"Alam mo kahit kelan bully ka!Hindi ko na nga iniisip yun pinaaalala mo pa.haaaaist! Pag ako nainis,di kita sasamahan sige ka._AKO.Kunwari akong tumayo para mag walkout pero maagap nya akong hinawakan sa kamay.

Another kuryente na naman habang hawak nya ang kamay ko.Then babalik na sana ako sa upuan ng bigla din syang tumayo at saka biglang nagkasalubong ang mga mukha namin.Hanggang sa namalayan ko na lang na ilang segundo din kaming magkalapit ng mga mukha at napatingin ako bigla sa mapupula nyang labi.Dahan dahan namang inilapit ni TOP ang labi nya sa labi ko ...

"Ayan na yung order natin,mamaya kana mag cr._TOP.Since nakatalikod kasi ako sa papalapit na service crew at sya ang dun naka tingin.

"O...okey.Mamaya na nga lang bago tayo umuwi._AKO.Saka ako nagsimulang inumin na yung frappe ko.Bahagya kasi akong pinagpawisan kanina.Ano ba naman,bakit ako pawisan samantalang aircon itong cafe.

"Gamitin mo na muna itong tissue,pinagpapawisan ka yata.Mahina kasi ang aircon dito sa bandang dulo talaga.Nag smoke kasi si Terry paminsan minsan kaya dito kami lagi nakapwesto._TOP.Minsan ko na ding nakita si Terry na nagsisigarilyo,yung e-cigarette or vape na tinatawag.

"Magsi CR na muna ako sandali tapos pwede na siguro tayong umuwi._AKO.Gusto ko na din talagang umuwi kasi iba na talaga itong nararamdaman ko kay TOP.

Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay at mag isa na lang dito sa kwarto ko,hindi ko pa din makalimutan yung eksena kanina kung papano akong pigil sa paglunok habang nakatingin sa mga labi ni TOP...Minsan ko ng natikman ang mga labing yun,pero bakit ba parang may magnet na humihigop sa akin para muli ko na naman syang halikan...Kahit hindi ako lasing.


*ohhhlalaaa...Kiss on FIRE.👄👄👄

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon