41.DESS

1.5K 69 6
                                    

Kahapon lang ay nagpaalam si TOP sa akin na pupunta ng Hawaii dahil sa property na inaalok sa kanya ng isang kaibigan.Kaya naman hindi na ko nagulat ng sunduin nya ako ngayon para sabay kaming mananghalian.
Nakatingin tuloy sa amin lahat ng mga katrabaho ko.Ang iba ay nakangiti sa pagdaan namin,at meron ding mga nagbubulungan.

"Bakit hindi nalang tayo dito sa CK mall maglunch kasi,Sa Terry's grill pa talaga?Malayo layo yun dito,baka hindi na tayo makabalik agad nyan._AKO.Sakay kami ng Dark blue na PORSCHE 911GT2 RSMT na so far isa sa pinaka bagong labas na model ng Porshe.($19.5K).Alam ko dahil mula pa sa US galing itong kotse at na shock ako sa laki ng tax na binayaran ni TOP para lang madeliver itong kotse dito.

"Ohh,well si Terry ang nagrequest ng lunch na to para na din daw pasasalamat sa bagong project na gagawin nya.Alam mo naman yun kapag may mga dumarating na blessing,gusto sini share sa lahat._TOP.
Ganun nga talaga ka generous na tao si Terry,kaya hindi na ako magtataka kung bakit palagi din syang dinadagsa ng mga projects.

"Ganun ba,kaya pala hindi ko napansin sa pwesto nya si SALLY,Im sure nauna na syang sinundo ni GD papuntang Terry's._AKO.Wala din kasi kaming usapan ngayon na magsasabay kumain.Mula kasi ng lumipat si TOP sa CK mall,kami na ang madalas magkasabay maglunch.

"Nakita ko din kanina sa parking lot sina JOYCE at TERRY.Sabi ko sunod na lang tayo kasi may papers pa akong pinirmahan sa store.Mga ilang araw din kasi akong mawawala kaya inayos ko na muna ang mga kailangang pirmahan._TOP.Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang nagsasalita.May mga gumugulo kasi sa isip ko na hindi ko alam kung tama nga ba o mali.

"Hey babe,Are you okey?Parang ang tahimik mo yata bigla,May problema ba?Tell me,kung ano ba ang gumugulo dyan sa isip mo._TOP.Hinawakan nya ang kamay ko habang yung isang kamay nya kang ang nasa manibela.

"Wala naman,sa pagda drive ka mag focus at wag mokong intindihin.May iniisip lang ako pero hindi naman masyadong mabigat._AKO.Gusto kong pilitin nya ako na mag open para maitanong ko ang gusto ko sanang kanina pa itanong.

"Hahahha.Come on,tell me.Iniiisip mo ba na kaya ako pupunta ng Hawaii dahil mambababae lang ako dun?Yan ba ang inaalala mo?_TOP.Bingo!
Sya na din ang nagbukas ng topic.Ayoko kasing magmukhang posessive girlfriend ang dating,pero hindi ko maiwasan.

"Sayo nang galing yan at hindi sa akin.Pero hindi ko lang talaga maiwasang mag isip na ganun nga...Kahit kasama mo si GD,hindi ibig sabihin na hindi ka gagawa ng bagay na alam kong nakasanayan mo na._AKO.Openminded akong tao pero hindi ko naman yata kayang may kasalo sa mahal ko.

"Babe,Just trust me okey?Kung gusto kong mambabae,kahit dito sa Pilipinas magagawa ko yun ng hindi mo malalaman.Anytime,anywhere.
Basta magtiwala ka lang.Hindi ako perpekto,pero hanggang kaya ko pipigilan ko.Para sayo._TOP. Saka ako medyo nakahinga ng maluwag.
Totoo nga naman na kahit nasaan sya kaya nyang mambabae talaga.
Nature nya na yun kahit nuon pa.Kaya kailangan kong maging handa sa mga mangyayari kung gusto kong mag stay sya.

"Ang tagal nyo naman,Kanina pa kami dito.Naka dalawang bote na nga kami ng beer ni GD eh._Terry.Napansin ko na di masyado nag iimikan sina GD at Sally.May LQ siguro.Habang si Terry naman ay bakas ang saya sa mukha dahil kasama nya ngayon si Joyce.

"Alam mo naman na may mga papers akong pinirmahan.Ilang branch manager ko ang inantay ko pang dumating para makapirma dun sa mga iiwanan kong trabaho.Kung bakit naman kasi,nasabay pa sa renewal ng business licence ko ang pag alis ko._TOP.Sinimulan na din nyang uminum ng beer bago pa dumating ang pagkain na inorder nila.Saka kami nagsalo salo na sa ibat ibang pagkain na nakahain sa mesa.

"Guys,kayo na muna ang bahala dito sa hon ko ha.Ilang araw lang naman.
Alam nyo namang hindi ako sanay na di kami magkasama nito kahit isang araw lang.Baka mamaya,may mga asungot ng umaligid dito habang wala ako eh._GD.Tahimik pa din si Sally,Parang seryoso na ata ang pinagtalunan nila dahil ngayon lang naging ganun ang reaksyon nya.Si Sally yung tipong mapagpatawad sa mga pagkakamali at pagkukulang ni GD.

"Wag kang mag alala GD,kaming bahala dyan kay Sally.Ni lamok hindi makakadapo dyan sa higpit ng pagbabantay namin,diba DESS?_Joyce.
Ramdam nya ding may tensyon kaya nagbibiro sya para gumaan ang atmosphere.

"Hahahhaha.Thats right.Pati ako tutulong din sa pagbabantay.Saka si Dess na din babantayan natin para kay TOP sympre._Terry.Saka naman ako ngumiti kay Terry.

"Naku,walang makakalapit dito sa babe ko habang wala ako for sure...
Ipahahatid sundo ko kasi sya sa driver ko araw araw habang wala ako.
Hahahahha._TOP.Ayun,kapag ako bantay sarado.Pero kapag sya libreng libre dun sa pupuntahan nya.Hindi kaya ganun din ang nasa isip ni Sally kaya hindi maganda ang vibes nya sa pag alis ni GD?

"Kaya naman pala kampante,may tagahatid sundo.Magandang idea yan, bakit di mo din gawin yun kay Sally ha GD?_Terry.Siniko naman sya ni Joyce kaya bigla syang nanahimik.

"Okey lang ako,hindi ko kailangan ng taga hatid sundo.Wag nyo kong alalahanin,kaya ko ang sarili ko.Pero salamat pa din at may mga kaibigan akong kagaya nyo._SALLY.Wala na kaming lahat nasabi,at saka kami nagpatuloy na lang sa pagkain.Pakiramdaman at kanya kanyang kwentuhan.

"Hello there guys,Mukhang nagkakasayahan kayo ah.May okasyon ba?_
Zoey.Nagulat na lang ako ng makita ko syang papalapit sa mesa namin.

"Zoey!Long time no see.Hindi ko alam na nandito ka pala.Come on,join us!
_Terry.Kampante nyang inaya si Zoey dahil hindi naman sya aware na may something between us.

"Actually,meron din akong mga kasamang kaibigan.Nakita ko kasing andito kayo kasama si Dess kaya gusto ko lang sana mag HI sa kanya.
_Zoey.Saka sya ngumiti sa akin.

"Ahhh,Kakilala mo pala si Dess? Fiance sya ni TOP...For sure nabalitaan mo naman yun._Terry.Lahat naman sila napalingon kay TOP habang inanatay nilang iabot ang kamay kay Zoey na binati sya ng Congratulation.

"Sa palagay ko inaantay kana nung mga kasama mo sa kabilang mesa Zoey.Next time bakit di tayo uminum para makapag kwentuhan at makapag kamustahan._GD.Hindi kasi inabot ni TOP ang kamay nya at saka sya tinignan lang ng masama ni TOP na parang any moment masasapak na lang sya.

"Sa palagay ko nga,hinahanap na nila ako.Sige guys,nice to see you all.
Aasahan ko yang invitation mo GD...Gusto ko ding maka inuman kayo ulit gaya nung dati.Sige na,mauuna na ko._Zoey.Saka sya sa akin tumingin at bahagya akong tinapik sa balikat.

"Pasikat ang gago,Kundi ko pa alam nagpapapansin lang._TOP.Saka sya tumayo at nagpaalam na pupunta lang ng CR.

Nang umalis sya,saka lang nalinawan ni Terry ang lahat.Wala daw talaga syang ka aydi idea na niligawan pala ako ni Zoey kaya nya ako nilapitan.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon