8.TOP

2.1K 75 1
                                    

                 Hindi pa man kami nag kikita ni Leslie pero may mga pasabog na syang ganap.Kakagising ko pa lang at halos hindi pa nakakapag tanggal ng muta sa mata ng pagbukas ko ng bintana sa kwarto ko,may isang foodtruck ng nakahinto sa labas ng bahay namin.
May malaking banner sa taas ng truck na may nakalagay na pangalan ko
"Have a nice day TOP.Enjoy your food with your family and friends"

"Naks naman TOP,may pa foodtruck pa si gf to be sayo ha.Ibang klase din si girl,effort kung effort.Ano nga kayang itsura nya?Na curious tuloy ako bigla?_Terry.
Tinawagan ko sila ni GD na pumunta dito para dito kami mag inum since rd namin pare pareho.

"Actually,Nakaka intriga naman talaga si girl.Ngayon lang ako nakadinig ng ipinagkasundong parehong babae ng mga magulang at si girl pa mismo ang umi effort para sa pinagkasundo sa kanya.That's amazing!_GD.
Saka umapir kay Terry na tawa naman ng tawa.

"Tigilan nyo nga ko ng kaka alaska dyan.Hindi naman porke pumayag si girl sa gusto ng parents namin e payag na din ako.Hindi yun mangyayari.
Pero syempre kailangan ko na muna syang makita at makaharap...
Hindi pa ko nakaka try ng probinsyanang heredera eh,baka iba din ang galawan ng mga galing sa province.hehehe._AKO. Dinadaan ko lang sa biro pero ang totoo malapit na akong sumabog.

Isang text sa di kilalang numero naman ang agad kong naresib.

*Nagustuhan mo ba yung ipinadala kong mga pagkain?Ang sabi ng mommy mo,Restday mo daw ngayon.Gusto mo bang makipag kita sa akin?

"Wow naman,may patxt txt pang nalalaman si girl.Mukhang desidido talagang mapa OO ang binata natin.hehehe._Terry.
Umupo sila sa malambot na sofa at saka nagbukas ulit ng beer in can.

"Ano daw ang sabi dude,Gusto na daw bang makipagkita? Mas mabuti pa kitain mo na kaagad para magkaalaman kayo kung may atraksyon o wala.
Kung ngayon sya nag aaya,Pwede naman kaming umuwi na ni Terry.Dadalawin ko din naman kasi si Sally sa kanila mamayang uwian.
_GD.Dahil nasa Makati kami,siguradong magsisisuwian na muna silang dalawa sa mga bahay ng magulang nila.

"Okey lang ba sa inyo?Paminsan minsan na nga lang tayo magkasabay sabay ng RD hindi pa natin na enjoy.Lalo na tong si Terry,Alam ko namang ayaw na ayaw nitong nag i stay sa bahay nila._AKO.Muli na namang tumunog ang fone ko dahil may nagtext.Agad kong binasa at unknown number na naman nga ang lumabas sa screen.

*Kung gusto mo talagang makipagkita sa akin,Magkita na lang tayo ng 5pm sa SKYDECK ng BlueSky hotel.

"Okey lang naman sa akin.May kausap din akong bagong ka deal sa bagong studio na ipinagagawa ko.Balak ko na kasing magtayo ng sariling opisina para naman may lugar kaming pinag i stayan habang nagpa plano.
_Terry.

"Ayos ah!May studio na.Tama naman yun dude,kesa naman kung saan saang restaurant at venue kayo nag i stay para lang mag meeting.
Dapat talaga may sarili ka ng building._AKO. Parang gusto ko na tuloy mag alas singko na para magka alaman na.

"Isang round na lang tayo tapos ayawan na muna.Para makondisyon ka naman TOP sa unang date nyo ng wife to be mo.hehehe_Terry.
Matapos ang isang round,sabay na ngang umalis sina Terry at GD habang nagbabad na muna ako sa jakuzzi pagkatapos.

SKYDECK: MNLA PH


Naka pang office attire,may salamin sa mata at nakapusod ang buhok na babae ang dahan dahang lumapit sa mesa kung saan ako nakapwesto.Napa angat ako ng ulo dahil mas matangkad pala sya sa malapitan.Umupo sya sa harapan ko at saka isa isang inalis ang suot nyang blazer,salamin sa mata at inilugay ang buhok.
Nagtransform si ineng mula sa pagiging oldmaid to goddess.

"Hello Top,Nice to finally meet you.Im LESLIE,your soon to be...WIFE!
_Confidence na sabi nya with matching sway ng buhok nyang tuwid.

"Ah...Well nice to meet yuo too...Would you like to order anything?_AKO.
Shiit.Bakit bigla akong nautal pagkakita ko sa kanya.

"Hahahha.Mag relax ka lang dyan.Hindi tayo nagmamadali.
Sa baba lang ang suite ko kaya kahit hanggang magdamag tayo dito.
_Leslie.Bakit ba kahit malamig dito,pinagpapawisan ako At Bakit naman kasi ganun ka revealing ang damit na suot nya.

"Okey.So regarding dun sa plans ng parents natin...Ano naman ang masasabi mo dito?_AKO. Mas mabuti na yung diretsahan na para tapos ang usapan.

"Masasabi? Well,Para sa akin naman walang problema eh.Actually,Napa background check na kita at sa pagkaka alam ko naman swak yung personality nating dalawa._Leslie.Wow naman,talagang complete research pa ang ginawa nya.

"Hahahaha.I guess madami ka ding nalaman sa nakaraan ko.Hindi ka man lang ba nag aalala na baka matulad ka lang sa ibang mga babeng dumaan sa buhay ko?_AKO.Napatingin ako sa papalubog ng araw sa kaliwa ko.
Bakit pakiramdam ko,malapit na ding magdilim ang kinabukasan ko sa ginagawa ko ngayon.

"Wala naman akong pakialam sa nakaraan mo.Nakaraan na sya kaya hindi ako kailangang mag alala.Kapag ikinasal na tayo,Hinding hindi mo na nanaisin pang lumingon sa iba.I'll make sure na sa akin lang ang buong atensyon at panahon mo._Leslie.Yung salita nyang akala mo pag aari nya ako ang nagpataas ng kilay ko.

"Hahahha.Sa palagay mo kaya mapapasunod mo ako?What if sabihin ko sayo na meron talaga akong gf at hinding hindi ako magpapakasal sayo,Anong gagawin mo?_AKO.Sa lahat pa naman ng ayaw ko yung ako ang minamanduhan at pinangungunahan.

"Like I said earlier...Alam ko na lahat ng tungkol sayo,Maging lahat ng naka fling mo at naging girlfriends mo.Kahit pa yung mga naka live in at mga naka onenight stand mo sa Canada,Australia at Hawaii alam ko na din.
Wala ka ding girlfriend ngayon at matagal na kayong wala nung manager mo sa Happybee na sya mong last na nakarelasyon._Leslie. Woooh! Ibang klase.Halos kalahati yata ng talambuhay ko alam na alam na nga nya.

"How can you be so sure na wala nga akong girlfriend?hahahha.
Alam mo kasi,hindi lahat ng nalalaman mo totoo.May mga ilan din akong sikreto na iilan lang ang talagang nakaka alam.I love my secret girlfriend at hinding hindi ako papayag na hindi sya ang babaeng ihaharap ko sa altar._AKO.Wag naman sanang i request nyang makilala ang girlfriend na sinasabi ko dahil tyak na malaki yung problema pagnagkataon.

"Hindi ako naniniwala!Sinasabi mo lang yan para hindi ako pakasalan!
I'll do everything para matuloy ang kasal natin.I'll make sure na mapapa sa akin ka kahit na ano ang mangyari.At kung sino man ang hahadlang sa pagpapakasal natin,Hindi ko sya titigilan hanggat hindi sya ang kusang bibitiw sayo!_Leslie.Nagulat ako sa malakas na pagsigaw nya.
This girl is insane!Pati yung mga nasa mesang katabi lang namin ay nakatingin sa aming dalawa.

"Hey!Teka lang naman...Wag kang mag eskandalo dito.Nakakahiya.
Will you please calm down?Gaya nga ng sinabi ko,Im sorry kung inilihim ko kahit sa parents ko na may girlfriend na ako,Sorry but I cannot marry someone na hindi ko naman mahal at hindi ko naman gusto._AKO.
Agad syang tumayo at saka ako sinampal.Bago pa ako naka react binuhos nya sa akin yung laman ng baso at saka sya umalis.

That crazy bitch!..._Madiin pero mahinang sabi ko sa sarili at saka ako umalis na din sa lugar na yun after ko magbayad.






DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon