55.TOP

1.3K 55 1
                                    

Nag aaral si Dess sa gabi sa kursong Computer Science.May mga ka klase nga syang nagpaparamdam sa kanya nuon pa pero kaagad nyang sinabihan na enggage na sya at hindi na pwedeng ligawan.Tungkol naman sa guy na naghatid sa kanya,kaklase nya yung dalawang bagets at alam din nila na taken na sya kaya friendship lang ang relasyong kaya nyang ibigay sa kanila.Kinausap ko sina Sally at Joyce para mabigyang linaw ang lahat.

"Alam mo bang mula ng maging kayo ni Dess,Wala na syang ibang inisip kundi mag aral at magtrabaho lang...Para naman daw kahit papano hindi sya maging alangan sayo at sa pamilya mo.Ganun sya kapursigidong may marating para daw hindi maging kahiya hiya sa pamilya mo at mga ka negosyo mo._Sally.Ilang araw pagkatapos ng pag aaway namin ni Dess,Kinontak ko silang dalawa at kinausap.

"Hindi si Dess yung tipo ng babae na makikipag flirt pa sa iba lalo at may karelasyon na sya.Kahit kikay at palabiro yun,Alam nya papaano umiwas kapag may mga gusto ng pumorma sa kanya.Ayaw nyang bigyan ka ng alalahanin kaya sya na mismo ang nagsasabi na taken na sya dun sa mga nagkakagusto sa kanya._Joyce.

"Bakit naman kasi kailangan nya pang maglihim sa akin na nag aaral pala sya.Kung alam ko yun,di sana hinahatid sundo ko pa sya para di sya mahirapan.haaaaist!_AKO.Kasama na ang guilt,awa,hiya at pag aalala hindi ko maiwasang di maging teary eyed.Kaagad ko namang pinunasan ang mga mata ko ng panyo para hindi nila mahalata.Ako na yung may ginawang masama,ako pa yung nambintang sa kanya ng di tama.

"Hayaan mo na lang muna si Dess.Nagpapalipas lang ng sama ng loob yun.
Sobra kasi syang nasaktan sa mga sinabi mo.Kapag kalma na ang sitwasyon,saka mo sya kausapin.Sa ngayon,ayaw nya daw munang makausap at makaharap ka._Joyce.Ilang araw na din kasi kaming di nagkikita at tinitiis nya din talagang di ako kausapin.

"Pero ngayong alam ko na ang totoo,Kailangan ko syang makausap.Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa mga nasabi ko.Please naman,Sabihin nyo sa akin kung saan ko sya pwedeng makita._AKO.Ang alam ko lang,Nasa isang retreat sya kasama ng mga kaklase nya sa college pero ayaw namang sabihin nina Sally at Joyce kung saan yun.

"Sorry talaga Top,Ayaw ni Dess ipasabi kung saan yun eh.Hintayin mo na lang na makauwi sya at saka kayo mag usap.Isa pa,bawal din ang hindi estudyante dun,hindi ka din makakapasok kung wala kang id at hindi ka naka register._Sally.After naming mag usap,nagpasya akong mag drive muna.Nagbabakasakali ako na makikita ko si Dess.Pero sa kasamaang palad, hindi si Dess ang natagpuan ko kundi si..

"TOP! Ikaw nga..Hahahahha.Small world ah._Johana.Dito ako napadpad sa University na pinapasukan ni Dess.Balak ko kasing mag tanong sana dun sa department nila Dess kung saan sila nag retreat para mapuntahan ko sya.

"He...Hello din.I didnt expect to see you here._AKO.Bakit ba sa dinami dami ng University,dito din ang punta nya.

"Well,dito kasi ako grumaduate.Dito din nag aaral yung brother ko.
Tumawag kasi sya kanina at nagpapasundo.Kaya lang napaga yata ang dating ko kaya wala pa sila ng mga ka klase nya._Johana.Naka tube blouse sya pero may blazer.Naka mini skirt at saka steletto with matching handbag,daring at nagmumura sa galit ang dibdib dahil sa laki.

"Ganun ba,Sige Ill go ahead na kasi may pupuntahan pa ako._AKO.Pero kaagad nya akong hinawakan sa kamay at saka nya ako pinigilang umalis.

"Teka lang,sasamahan na kita.Wala pa naman yung brother ko eh.
Ano nga pala ang sadya mo dito,Mag eenroll kaba or meron kang ka business meeting dito?_Johana.Yung naka angkla na sya sa braso mo para hindi ka na makawala pa.Ramdam ko din na idiniikit nyang masyado yung braso ko sa dibdib nya,pero this time hindi na talaga ako padadarang.

"Kasi ano,Kakausapin ko pa yung dean nung fiance ko.Itatanong ko lang kung saan sila nag retreat para masundo ko._AKO.Nilakasan ko na yung pagkakasabi ng "FIANCE" para naman alam nyang taken na ko.

"Wow,Hindi ko alam na may FIANCE kana pala.Hahahahha.Kunsabagay, sa estado mong yan hindi naman malayong may ka partner kana in life.
Pero curious lang ako ha,Hindi siguro sya kasing galing ko kaya naghanap kapa ng ligaya sa iba kahit taken kana._Johana.Kaagad nag init ang tainga ko dahil sa pabulong nyang sabi sa akin na tila nang aakit.

"Im sorry Johana pero pwede bang kalimutan na natin yung nangyari nuon.Saka pwede bang lumayo ka sa akin,Baka mamaya may makakita pa sa atin dito at kung ano ang isipin.Pasensya na pero kailangan ko ng mauna..._Ako.Hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla nya akong hatakin sa braso at saka halikan sa labi.

"Ate Johana,What the hell are you doing?_Boses ng guy mula sa likod namin.Kaagad naman kaming napalingon sa nagsasalita at kitang kita ko ang pagka gulat sa mukha ni DESS kasama ang mga ka klase nya na shock sa nasaksihang paghalik ni Johana sa akin.

"Lyndon?Ohhh,Im sorry.Namiss ko lang tong jowa ko kaya bigla ko syang hinalikan.Pasensya na guys._Johana.Kaagad naman akong bumitiw sa kanya at saka ko hinabol ang papa alis na si Dess.Caught in the act ako na nakikipaghalikan sa ibang babae,saksi ang buong klase nya...Ano pa bang inaasahan ko kundi ang kamuhian nya.

"Dess please listen to me..Mali ang iniiisip mo.Wala kaming relasyon ng babaeng yun.Please pakinggan mo naman ako._AKO.Patawid na sya ng kalsada nun kaya malakas ang pagtawag ko sa kanya.

"Get lost!I hate you...Ayaw na kitang makita pa.Wag na wag mo kong lalapitan kung ayaw mong mapahiya sa maraming tao!_Dess.Kahit puno ng luha ang mga mata nya,Nilingon nya pa din ako.Pero hindi ako tumigil sa paghabol sa kanya kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan at kaagad akong tumilapon.

"TOP?Toooooppp...Tooop.Tulungan nyo kami.Tumawag kayo ng ambulansya.Please naman po.._Dess.
Umiiyak syang lumapit sa akin.Kitang kita ko sa mga mata nya ang takot.Ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa mga mata nya.Puno ng pagmamahal,Nang Pag suyo.Bakit ba nagagawa ko pa syang pagtaksilan sa kabila ng pagmamahal na pinadarama nya sa akin sa araw araw.

Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng may itinusok sa akin.
May doktor at nurse na nag aasikaso sa akin habang sina MOM at Dad naman ay nakaupo lang sa isang tabi na bakas sa mukha ang pag aalala.

"Mommmy...Dad.Anong nangyari,Nasaan si Dess?Nasaan ako?_AKO.
Saka naman sabay na tumayo sina Mom and dad at lumapit sa akin sa kama ko.

"Wag kang mag alala,Your out of danger na.Hindi naman malala ang pagkaka bangga sayo pero kailangan mo pa din ng mahabang pahinga.
_Doctor.Ngumiti sya sa akin at saka nag paalam na sila ng nurse matapos akong ma injectionan.
Kami na lang nila Mommy at Daddy ang naiwan sa loob ng private room.

"Wag na muna nating pag usapan ang mga nangyari.Sa bahay na lang natin pag usapan.Ang mahalaga ngayon,magpahinga ka lang muna at magpagaling._Daddy.Hinawakan ni mommy ang kamay ko at saka ako hinaplos sa nuo.Maya maya pa,nakaramdam na naman ako ng antok at saka ako muling nakatulog.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon