19.DESS

1.7K 81 2
                                    

Nakakalula sa yaman naman pala talaga ng pamilya nila Aycee.Ininvite nya kasi kami nila Miyata at Jane na umattend sa birthday party nya.
Iba't ibang klase ng alak ang kaagad bumungad sa amin pagpasok pa lang namin sa entrance ng mansyon.Madaming tao at malakas ang tunog ng banda na nagmumula sa pinaka stage ng venue.Nang makita kami ni Aycee ay kaagad nyang kinawayan si Jane kaya agad kaming lumapit sa mesa nya.May mga kausap kasi sya na mukhang kamag anak nya.

"Happy Birthday Aycee!_Bati ni Jane at saka bumeso sa kanya.Kami din ni Miyaka ay humalik pagtapos naming bumati sa kanya.

"Thanks guys sa pag punta at saka sa mga gift na din.Btw,This is my mom and my tita's..._Aycee.So mommy nya pala at mga tita ang kaharap namin ngayon.Mukha talaga silang mayayaman lalo na yung nasa gitna na halos kaedad lang ni Tita Sarah ay puro diamonds ang suot na alahas sa katawan.

"Ohhh,Sya na ba si Jane iha?Naku,Muntik na kitang di makilala Jane.Matagal tagal na din yung last time na nagpunta ako ng bangko at ipinaayos ko sayo yung account ng anak ko hindi ba?_Mrs.Diamond. Sya yung kahit na nakangiti,medyo nakakatakot pa ding lapitan at kausapin. Nakaka intimidate sa madaling salita.

"Yes po Madam.Ako nga po iyon.Its nice meeting you po again Madam._Jane.Saka kumamay sa kanya.Yung isang babae naman ay mom naman daw ni Nixx sabi ni Miya.Saka ko biglang naalala na si Madam diamond ay isa din sa mga VIP guest nung Gucci fashion show nuon.Small world talaga.

"Mom,Tita dun na po muna kami sa kabilang mesa.Ihahatid ko lang sila. Enjoy lang po muna kayo dyan._Aycee.Saka kami lumipat sa mesang naka reserve talaga para sa amin.Medyo nakahinga ako ng maluwag luwag.
Bakit ba parang bigla akong kinabahan at nanliit after kong makaharap si Madam Diamond.haaaaist.Napainum tuloy kaagad ako ng wine para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Hey!Relax lang,hinay hinay sa pag inum...Baka mamaya nyan hindi ka na naman makauwi nyan sa kalasingan.hahahah._TOP. Kadarating nya lang pero himalang wala syang karay karay na babae ngayon.

"Uu nga eh,Bigla kasi akong ninerbyos pagkakita ko dun sa tita ni Aycee.
Naalala ko kasi yung nangyari sa akin nuon sa fashion show ng Gucci,Nakita ko kasi sya duon sa harapan.Isa sya sa mga VIP guest._AKO.
Napasulyap naman si TOP dun sa itinuro kong babae.Saka ko naalala, kamag anak din siguro nya iyon dahil magpinsan sila ni Aycee.

"You mean the lady in black dress?_TOP.Saka ako tumango sa kanya.Busy din kasi sa pagkukwentuhan sila Jane at Aycee habang si Miyata naman ay kausap din si Nixx na kadarating lang kasabay ni TOP.

"Yup!Pero wag kang mag alala,hindi ako maglalasing now.Kaya hindi ako magkakaroon ng pagkakataon para mapatrobol.As in mag bi behave lang ako._AKO.Lagi na lang kasing kapag tungkol sa alak o may alak na involve, napapahamak ako at palaging nadadamay si TOP.

"Hahahahhaa.As if naman alak lang ang dahilan kaya ka napapahamak?
Papano naman yung tungkol sa fashion show,wala namang alak na involve duon pero nilalapitan kapa din ng malas?Sa palagay ko,may balat ka sa pwet kaya ganun._TOP.Sabay kagat ng labi nya para pigilin ang pagtawa.

"Excuse me,Wala kaya akong balat sa pwet noh!Baka kamo ikaw ang malas sa akin,Dahil sa tuwing napapahamak ako palagi ka kasing andyan.
Hindi na ako magtataka kung kahit ngayong gabi may mangyari na namang kamalasan sa akin dahil andito ka na naman._AKO.Saka ko sya inirapan.Nakakarami na ito sa akin si TOP eh,Porke pala nya akong nasi SAVE sa trobol kaya malakas din ang loob nyang pagmalakihan ako.

"Hahahaha.Alam mo ang kyut mo kapag napipikon ka.Para kang batang inagawan ng kendi.Kaya naman gustong gusto kitang inaasar eh! Nakahanap kaba ng katapat ha?Kasi mahilig kang mang asar pero bumabalik din sayo yang pang aasar mo!_TOP.Sya naman ang nagsimula ng tumikim ng alak at saka bumulong kay Nixx pagtapos.

"Let's dance na lang para mawala yang kaba mo.Kita mo,nung ininis kita nawala na yung pag aalala mo tungkol dun sa nangyari before.Sabi naman sayo diba,Kalimutan mo na yung nangyari sayo at mag move on.
Enjoy lang tayo.Let's party!_TOP.Saka nya ako inaya sa dance floor kasama sila Nixx at Miyata.Kaya pala umalis sandali si Nixx matapos bulungan ni TOP dahil nagpapalit ng kanta na pang party si TOP sa DJ.

"Malandi kang babae kaaaa!Harooot!Mang aagaaaw!Lumayo ka sa tabi ni TOOOPPPP!_Babaeng parang sinapian na kaagad hinila ang buhok ko at saka hinablot ang damit kong suot.
Sa gulat ko at sa kaba,hindi ako nakapag balance ng katawan ko at napaupo ako bigla sa sahig.Pero hindi pa din nya ako tinigilan at kaagad nya akong hinatak patayo.

"Heeey  LESSLIEE...STOP IT! YOU CRAZY GIRL! I said  Stoooppp iiit!_TOP.
Saka lang huminto sa pag hila sa buhok ko yung babae at saka ako itinayo ni TOP.Napatingin ako sa mga tao na lahat sa amin nakatingin at may iba pang natatawa sa itsura ko.Sabog kasi ang buhok ko at saka may punit yung dress na suot ko.

"Kung sa tingin mo papayag ako na maagaw ka sa akin ng hayoop na babaeng yan nagkakamali ka TOP!Hinding hindi ako papayag na may ibang umagaw sayo!_Crazy girl.Saka muling tumingin sa akin ng masama.

"Your crazy! Are you out of your mind leslie?Pumunta ka dito sa party ng pinsan ko para mang gulo?Wala ka na ba talagang natitirang kahihiyan at respeto dyan sa sarili mo?_TOP.Saka ko lang ngayon naintindihan kung bakit nagalit sa akin yung babae,Nagsiselos sya at ang akala nya may relasyon kami ni TOP.

"Pero Miss,WALA NAMAN KAMING RE..._AKO.Naputol ang pagsasalita ko dahil lumapit na sa amin ang mommy ni Aycee pati na din si Madam Diamond para pumagitna sa kaguluhan.Habang sina Ayce naman at Nixx ay sinabihan ang mga tao sa party na bumalik na kani kanilang mga mesa.

"Leslie?...What are you doing here?Anong nangyayari dito at bakit parang nag aaway away yata kayo?Bakit kailangang dito pa kayo sa party gumawa ng eskandalo?_Madam diamond.Parang hindi sya makapaniwalang magagawa ni girl mang gulo sa party at pati sa akin ay masama ang tingin nya.

"Tita!Im so sorry po sa ginawa ko.Hindi ko lang naman po kasi napigilan wag magalit,Ito kasing babaeng malandi na ito inaakit si TOP kahit na ikakasal na eh!She is flirting with TOP!_Crazy girl sabay turo sa akin.Napalaki tuloy ako ng mata.
Teka,si TOP ikakasal sa babaeng baliw?Kelan pa?At saka parang wala namang akong nabalitaang ganun.

"Will you stop calling her Malandi coz she's not!Matinong babae si Dess at hindi sya flirt.Pwede ba Leslie,tantanan mo na ko!Hindi kana nakakatuwa.
_TOP.First time ko lang makita si TOP na magalit ng ganun at sa babae pa.

"See that Tita?Ipinagtatanggol nya pa yang babaeng yan...Nahuli ko silang nagsasayaw tapos inaakit nya si TOP at nilalandi nya.Mang aagaw sya tita, at pati si TOP nabi brainwash nya na para layuan ako._Crazygirl.Saka lumapit kay Madam diamond na parang batang nagsusumbong at saka umiyak.

"Naku wag ka namang umiyak iha,Madaming tao dito na pinagtitinginan tayo.Mabuti pa dun na lang natin sa loob pag usapan ito.Ate Ava,Mabuti pa siguro dun na kayo muna para makapag relax ka na din bago ka umuwi._Mommy ni Aycee.Agad namang sumunod si Crazygirl sa kanila papasok sa loob ng mansyon pero hinawakan ako ni Top sa kamay para wag sumunod sa loob.

"Tita,Mommy Im sorry pero we have to go na.Wala namang dapat pang pag usapan dahil unang una,Yang babaeng yan ang nagsimula ng gulo.
Sya ang nanakit at gumawa ng eksena kaya sya ang dapat KASTIGUHIN nyo.Sa sususnod na saktan mo pa ang "BABAENG MAHAL KO".....Hinding hindi na kita mapapatawad pa LESLIE._TOP.Saka nya ako hinatak,hawak pa din ang kamay ko at saka kami sumakay sa kotse nya.





Tama ba yung nabasa ko?...As in babaeng mahal daw nya?hahaha 😃😃😃

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon