23.DESS

1.7K 58 2
                                    

First time ko lang mai experience ang ganitong klase ng out of town.
Island hoping ang tawag dito at kahit na kasagsagan ng gabi,talagang go pa din kaming anim.Mas mainam daw kasi talaga bumyahe ng gabi para sa umaga,makikita mo ang pagbukang liwayway.

"Maigi na din yang hindi kana muna makauwi Dess,Para hindi makita ng Lola at Tita Sarah mo yang mga kalmot mo.Mas mag aalala pa sila sayo kapag nakita nila yan for sure._Joyce.Sa totoo lang,ito din ang maghapon kong inaalala sa mall.Hindi naman kasi sya kaagad mawawala kasi mamula mula pa.

"Haaaaist!Grabe talaga yang babaeng yan sa ginawa sayo Dess.
Nakaka trauma talaga.Kahit siguro sa akin gawin yan,hindi ko din alam kung anong mararamdaman.Pero sana naman hindi na nya ulitin._Sally.
Pero papano nga pala kapag nalaman nyang magkasama na naman kami ngayon sa Isla,hindi kaya sugudin kami nun dito at mag eskandalo na naman?

"Don't worry guys,Walang nakaka alam ng lugar na ito.Kahit parents ko hindi alam ang lugar na ito kaya for sure walang magiging problema.
At saka if ever man na sugudin tayo dito ni crazy girl,Andito naman kaming tatlo para ipagtanggol ka._Terry.Saka ako tinapik sa balikat at saka kami sumakay na sa bangkang de motor na syang maghahatid sa amin sa Isla.

"I'll carry na lang your things muna para hindi ka mahirapan sa pagpanhik sa bangka._TOP.Kaming dalawa na lang kasi ang nasa huli at saka nya iniabot ang kamay ko para tulungang sumampa.May mga nag aassist naman sa aming mga tao duon pero hindi ako kampante na magpa alalay sa iba.

"Salamat.Kahit ako na lang ang magbitbit ng bag ko,ito na lang mga pinamili natin ang buhatin mo mamaya._AKO.Natawa naman sya at saka napatingin dun sa mga plastic bag.Sa dami kasi ng mga kailangan namin sa isla,tigda dalawang plastic bag kami na bitbit.After daw kasing makababa ng Island,may lalakarin pa kami bago makarating dun sa pinaka resthouse.

"Okey,Walang problema.Sana lang kayanin ng mga muscles ko ang magbitbit ng apat na plasticbag._TOP.Saka kami parehas na natawa.
Payat nga kasi sya at wala namang muscle.Pero nalaman ko kay Sally na nag gi gym naman na daw silang tatlo kapag di sila busy sa negosyo.

"Ang payat payat mo kaya,Papano ka naman magkaka muscle aber?
Kay manong ko na lang ipabibitbit yang mga dala dala ko._AKO.
May dalawa kaming kasamang guide na may mga bitbit ding gamit para sa resthouse.Tapos si manong bangkero na may alalay naman na isang binatilyo.

"Nag gi gym na kaya ako.Look at GD and Terry...Diba may mga laman na kahit papaano?Ako lang talaga ang matagal mag gain ng muscle kasi payat talaga ang mga buto ko.Kahit naman sina Aycee at Nixx ang papayat din hindi ba?_TOP.Talagang kami kami din ang magkakausap sa bangka dahil kami ang magkakatabi.Kahit sila Terry at Joyce ay nakita ko ding nag uusap habang nakasakay kami sa bangka.

"Guys,okey lang ba kayo?Medyo malayo layo pa daw tayo sabi ni Manong guide.Pwede kayong maidlip muna kung naiinip kayo at inaantok._Terry.
Since sila kasi ang nasa uanahan ng bangka,sila ang kausap nung tourguide namin.Kami naman ni TOP ang nasa huli.

"Pwede kang umidlip muna.Sumandal ka lang sa balikat ko kung gusto mo.Wala ka din namang makikita sa paligid dahil madilim naman.
Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayong bumaba._TOP.
Sila Sally at GD kasi ay nasa harapan naming kampanteng magkayakap at naiidlip na nga dahil hindi na sila parehong kumikilos.
May ilaw kami sa bangka.Rechargable lamp iyon kaya maliwanag.

"Ayos lang ako,hindi naman ako inaantok.Ikaw,baka want mo ng mag rest muna,ikaw na lang ang sumandig sa balikat ko._AKO.Saka ko naalalang dapat ko na nga palang iwasan si TOP.Pero hindi muna sa ngayon,dahil hindi maiiwasang magkasabay kami palagi dahil kaming dalawa lang naman ang magkakausap palagi habang nasa Isla.May isyu pa kasing dapat pag usapan sila Joyce at TERRY.

"Are you sure,Pwede akong sumandal sayo?Actually,kanina pa talaga ako inaantok eh.Kung ayos lang sayo na makisandal ako kakapalan ko na mukha ko._TOP.Saka sya agad lumapit sa akin at saka sumandal nga sa balikat ko.Natawa nalang ako sa bilis ng galawan nya.

May isa't kalahating oras din kaming nakalutang sa dagat bago namin narating ang Isla.Isa isa kaming bumaba na sa bangka at ngayon nga ay nakatapak na din kami sa buhanginan.Kahit madilim sa paligid,makikitang kulay puti ang pinong pinong mga buhangin.
Matatanaw din kaagad ang Resthouse mula sa kinaroroonan namin na hindi kalakihan pero halatang bagong bago pa lang dahil maliwanag ang paligid ng bahay.

"Magandang gabi po sa inyong lahat.Welcome po sa HOLLY ISLAND.
_Isang ginang at isang dalagita ang sumalubong sa amin pagpasok sa loob.
Napansin ko na kaagad naka agaw ng pansin sa dalagita ang presensya ni TOP na wala namang kamalay malay.Iba din talaga ang lakas ng sex appeal nya pagdating sa mga babae.Agad naman akong nairita sa nakita ko pero hindi ako nagpahalata.

"Salamat po Manang.Nasabi nga po sa amin ni Holly na kayo daw po ang caretaker nitong Isla.Kamusta naman po ang panahon ngayon,hindi po ba maulan?_Terry.Kanya kanya naman kami ng pwesto ng upo sa pinaka reception area para makapagpahinga.Nakakapagod din ang byahe since galing pa din kaming lahat sa trabaho.

"Naku Senyorita,Maayos naman po ang panahon ngayon.Mainit po sa umaga pero malamig naman kapag gabi.Hindi na nga kami nag bubukas ng aircon minsan dahil presko ang hangin._Manang Hilda.Nakangiti sya sa aming lahat at mukha namang mabait sya.Liban sa anak nya daw na si Helga,na masama talaga ang tama kay Top at naka ismid sa akin.Akala siguro may relasyon kami ni TOP.


"Ilan po ba ang kwarto nyo dito Manang?Pwede na po ba kaming umakyat para makapagpahinga,medyo masakit na po kasi ang mga binti namin sa maghapong byahe eh._TOP.Nag stretching pa sya kaya lalong nanlaki ang mga mata nung dalagitang hindi na sya hiniwalayan ng tingin mula pa kanina.Napailing na lang ako.

"Naku,Tayo na pong pumanhik Ma'm Trishia.Inihanda ko na po ang mga silid nyo.Ang sabi po kasi sa akin ni Boss Holly,Magkakaibigan naman po kayong lahat kaya tamang tama po kayo sa iisang kwarto na magkakatabi.
Dalawa lang po ang kwarto dito pero ang isa po ay kami ng anak ko ang umuukupa._Manang Hilda.Saka kami nagkatinginan lahat.Iisa pala ang kwarto naming lahat,papano kami magkakasya?

"Wag po kayong mag alala,may tatlong kama naman ang isang kwarto.
Malaki po kasi talaga ang isang room dahil pinasadya po iyon ni Boss Holly.Tayo na pong umakyat para makita nyo ang tutulugan nyo._Manang Hilda.Saka kami lahat tahimik na pumanhik sa hagdan.

Elegante at maganda ang loob ng silid.Mamahalin ang mga kama at mga aparador.May malaking aircondition unit din at saka isang malaking telebisyon.Meron ding WIFI at saka maliit na ref.Makakapal na mamahaling bed cover at saka ternong kumot at mga unan.

Kami ni Joyce ang magkatabi sa kama habang sina Terry at Top naman sa kabila.Sina Sally at GD kasi ay matik ng magkatabi since magkasintahan naman sila.Sa gitna kami ni Joyce nakapwesto at sa kabilang gilid naman sila.

Agad pumasok si TOP sa shower room para maligo.Sumunod si Joyce at saka ako.Maya maya pa,tinawag na kami ni Manang Hilda para maghapunan kaya sabay sabay kaming nagsipagbabaan.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon