24.TOP

1.5K 63 1
                                    

Napansin ko na kaagad ang malagkit na pagtitig sa akin ng anak ni Manang Hilda na si Helga pagdating pa lang namin sa Isla.Habang naka ismid sya kay Dess at halatang nagsiselos dahil kaming dalawa ang palaging magkasabay at magkatabi.Naisip ko lang,Ako talaga ang naghahatak kay Dess sa kapahamakan kahit wala naman syang ginagawa at walang kamalay malay.

"Top,Napansin mo ba yung anak ni Manang Hilda...Mukhang may tama sayo.Ingat ka,baka si Dess na naman ang mapagbalingan nyan._GD. Napansin nya din pala,masyado naman kasing obvious makatingin yung dalagita.Napasimangot tuloy ako.Mukhang di ko din mai enjoy itong bakasyon kung may ganyang mga nakamasid sa akin.

"Oo nga eh,Napansin ko din kaagad pagdating pa lang.Wag kang mag alala TOP,Nabulungan ko na si Holly na sabihan si Manang Hilda kaya for sure pagsasabihan nya ung anak nya.Mas mahirap kasing sa atin pa mang galing,baka sabihin napaka feelingera naman natin lalo si TOP._Terry.
Nauna kasi kaming bumaba at tumambay dito sa terrace habang nag hahanda sa mesa yung mga girls at tinutulungan si Manang Hilda.

"Ako na naman.Wala na ba akong kalayaan para kumilos ng normal?Ano ba tong nangyayari sa akin,sumpa ba ito?_AKO.Yung kalahati ay biro pero kalahati din naman ay katotohanan.

"Alam mo kasi TOP,Ang tawag dyan KARMA!Sa dami ba naman kasi ng mga babaeng pinaiyak mo,ngayon ka binabalikan ng SUMPA.Ang problema lang,hindi sila sayo gumaganti kundi sa walang kamalay malay na si Dess._GD.Sinamaan ko sya ng tingin at saka umupo sa kahoy na upuan dun sa labas.Pero napailing na lang ako dahil totoo naman kasi ang sinasabi nya.

"Kaya nga hanggang maaga,tantanan mo na yang si Dess bago pa mahuli ang lahat.Kawawa naman yung tao eh.Kahit nga si Joyce sinabihan din ako na pakiusapan kita na layuan mo na daw si Dess at ng matahimik ang buhay nya._Terry.

"Saka na nating pag usapan yan kapag wala yung mga girls.Baka sabihin naman nila pinag uusapan natin sila kapag di sila kaharap.Tara na sa loob para makapag dinner,malalim na din ang gabi.Mas maganda kung maaga tayo gigising sa umaga._GD.Nagsitayuan kaming tatlo at saka pumasok na sa loob.

"Tamang tama,nakahanda na ang mesa.Kumain lang kayo at wag mahiya.
Tutulungan ko lang si Helga na ayusin ang tutulugan nyo.Tawagin nyo na lang ako kapag may kailangan._Manang Hilda.Pumanhik sya sa itaas at saka kami pumasok na din sa kusina.Nadatnan namin yung tatlo na nakaupo lang at inaantay kami.

"Wow,ang daming pagkain ah.parang fiesta.Kumain na tayo ng makapag pahinga na din kaagad.Bukas ng umaga,paunahan sa pagbangon.Ang mahuli,syang maghuhugas ng pinagkainan._GD.As if naman marunong syang maghugas?Pero tinuruan nga pala dya nuon ni Sally kaya malakas ang loob maghamon.Kami kasi ni Terry,marunong dahil nasa condo kami.

"Hahahaha.Malamang ikaw na yung maghuhugas bukas nyan.Kasi hindi ka naman morning person eh.Kung kami mga gising na,ikaw naghihilik pa nyan sigurado!_AKO.Saka kami nagtawanan lahat.

"Nakakalimutan nyo yatang magkatabi kami ni Hon.Sympre gigisingin nya ako noh.Kayong dalawa ni Terry ang malamang maiwan sa pansitan bukas kasi magkatabi kayo at hindi namin kayo gigisingin!_GD.Saka kami nagkatinginan ni Terry.Malamang nga yun dahil tulog mantika din kami lalo na at pagod kami ngayon.

"Gigisingin naman ako ni Joyce,diba Joyce?_Terry.Tumango naman si Joyce sa kanya na parang nahihiya.Medyo okey na kasi sila kahit papano habang magkatabi kanina sa bangka.

"So TOP,Alam mo na? Ihanda mo na yang mga kamay mo sa paghuhugas ng mga plato bukas.Siguradong nasa tabing dagat na kami bukas,ikaw nasa kama pa din at nagsu swimming sa mga panis mong laway!hahahahah._GD.Natawa naman ng husto si Dess sa biro ni GD kaya muntik ng mabulunan sa pagkain.Agad ko naman syang inabutan ng tubig at saka tinapik sa balikat para i comfort.Tagpong naabutan naman ng kadarating lang na si Helga.

"Pinapatanong po ni Nanay,Kung ilalagay na daw sa ref yung mga lata ng beer na dala nyo?Bubuksan na po kasi yung aircon at ref ng sabay dun sa kwarto._Helga.Saglit kaming natigil sa pagtatawanan at saka sinabi ni Terry na isama na din yung mga prutas pagkatapos mabalatan.

"Bakit naman iniutos mo pa,kaya naman naming magbalat at mag slice nung mga prutas._Joyce.Saka kami muling bumalik ulit sa pagkain.

"Para makapagpahinga na din kayo kaagad.Galing kayo sa maghapong trabaho eh.Syanga pala,Gusto mo bang makausap sila nanay Joy?Malakas ang signal ng wifi nila dito kaya pwede mo syang makausap._Terry.
Iba din talaga si Terry pagdating kay Joyce,Full support kahit sa nanay nitong may sakit.

"Wala namang internet dun sa bahay.Saka isa pa,baka nagpapahinga na yun._Joyce.Kahit sinasabi nyang wag na lang pero ramdam mong gustong gusto talaga nyang makausap ang nanay nya.

"Teki kaya yung private nurse na kinuha ni Terry para sa nanay mo Joyce.
Naka line at broadband at saka may ipad,ifone at dalang laptop.Kaya pwedeng pwede mong makausap ang nanay mo anytime._GD.Bahagya namang umaliwalas ang mukha ni Joyce sa sinabi ni GD at pumayag na ding makipag facetime mamaya sa nanay nya.

Matapos ang masayang hapunan,hindi muna ako umakyat sa kwarto at naisipan kong magpahangin muna sa terrace.Sila Terry at Joyce ay umakyat na para makausap ang nanay Joy nya at makamusta.Habang sina GD at Sally naman ay nag eenjoy sa pagkukwentuhan sa pinaka sala ng resthouse.

"Ang presko ng hangin dito noh,Ibang iba sa hangin mula sa Manila._Dess.
Hindi ko kasi sya nakitang nagpunta dito.Akala ko,nauna na syang umakyat kasunod nila Joyce at Terry.

"Ohh!Nagulat naman ako na may nagsalita.Akala ko walang tao.Bakit ba di ka nag iilaw?_AKO.Agad kong binuksan yung ilaw sa terrace at saka ako tumayo dun sa pinaka gilid nung terrace.Sa kabilang side kasi nakaupo si Dess na nakatanaw sa dagat kahit hindi naman namin nakikita dahil madilim na nga.

"Naisipan ko munang magpahangin dito,para makapag usap ng husto sina Joyce at ang nanay nya.Alam mo naman yun,Ang nanay nya ang pinaka importante sa kanya kaya hindi yun mapapakakali ng di nya nakakamusta ang lagay ni Tita Joy._Dess.Nakikita ko nga kung gaano kamahal ni Joyce ang nanay nya,to the point na kahit sariling kalusugan nya ay nasasakripisyo mabantayan lang ang nanay nyang may sakit.

"Then how about you,Hindi mo ba namimiss ang mama mo?Ilang taon na ba kayong di nagkikita?_AKO.Sa pagkaka alam ko,isang OFW ang nanay niya at patay na ang tatay nya.Naikwento lang ni Terry sa akin yun nuon.
Maliban pa dun at sa kapatid nya sa ama,wala na din akong alam sa iba pa.

"Bibihira kaming magkita ng Mama ko.Nasanay na din akong sina Lola at tita ang kasa kasama.Kapag nagpakasal na sila nung nobyo nyang intsik mas lalong hindi na nun babalakin pang umuwi._Dess.Kaswal lang ang pagkukwento nya pero ramdam kong namimiss din nyang makasama ang nanay nya.

"Malapit lang naman ang hongkong,Madaling mapuntahan.Kelan daw ba ang kasal nya,gusto mo ba syang puntahan?_AKO.Hey,kelan pa ako nagka interes mangialam sa buhay ng may buhay?

"Hahahaha.Kaloka ka naman.Parang Quiapo lang sayo ang Hongkong kung makapag tanong ka.Sympre gusto ko syang puntahan,pero hindi naman ako RK na basta basta na lang makakarating duon.Isa pa,Gusto ko ding kasama ko sina Lola at Tita kapag nag HK ako.Saka din yung bunsong kapatid ko sympre._Dess.Saka sya biglang natahimik.Pati tuloy ako hindi na nakapag salita.Maya maya pa,may nahagip akong anino sa may bandang gilid ni Dess kaya kaagad ko syang hinila papalapit sa akin.

Napayakap tuloy sya sa akin dahil sa pagkabigla.Hindi nya naman kasi inaasahang hihilahin ko sya dahil magkalayo kami ng pwesto.Saka ko sya agad inaya ng pumasok sa loob at saka kami umakyat na sa kwarto namin.









DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon