Chapter 1 First Day of School

1K 14 8
                                    

Chapter I

First Day of School

(ZEAH) 

Unang araw na pasukan ngayon… Wala akong pasok ngayon pero excited akong makita yung school kasi ilang buwan din naman ang bakasyon at gusto ko ring makita ang mga bagong studyante sa school. Pero umagang-umaga nababad trip na ako…….

                By the way, ako nga pala si Chelzeah Hohn R. Dee but you can just call me Zeah, 20 years old. Senior student na ako sa St. Jude International College.  Pure Filipino ako. Pinanganak at Lumaki na ako sa Novaliches. Yung mommy ko, housewife and at the same time may mga business din naman siya., gaya ng boutiques at yung Pharmacy namin, pharmacist kasi si mommy. Close kami pero palagi kaming di nagkakaintindihan. Daddy ko naman e isang Engineer, at meron siyang sariling firm..well, our family pala… 2nd ako sa aming apat na magkakapatid…

Bumangon na ako ng kama ko, deretso banyo… pagkatapos e bumaba na ako para kumain..

“hay! Wala na naman ba akong kasamang kumain yaya?” sabi ko kay manang El.

Si mang El yung isa sa kasama namin sa bahay..

“ay! Wala na iha, maagang umalis ang daddy mo at kaaalis lang naman ng mommy mo para ihatid si JD at Aa” sagot ni manang.

Si JD ung bunso kong kapatid..si Aa yung susunod sakin at Jedd naman ang pangalan nung kuya ko, panganay namin. Nasa US kasi siya ngayon kaya wala siya.

“kape na lang  manang, wala akong gana kumain ng mag-isa”

“kumain ka iha, diba pupunta ka sa school niyo kahit wala kang pasok ngayon?” tanong ni manang El.

“oo manang at wag na kayong mag-alala, alam mo naman yung mga kaibigan ko..mga monster kung kumain kaya kakain na rin ako dun ng madami mamaya”

“oh sige! Wait lang at kukuha ako”

Kukuha lang si manang ng kape at ako magtitimpla. Addict ako sa kape eh, at may sarili akong taste ng kape kaya ako lang pwede tumimpla.

Pagkainom ko ng kape eh nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko at naligo na.. pagkatapos kong maligo, dumeretso ako sa walk-in cabinet ko.

“Ano kaya sususutin ko?”tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman sa nagmamayabang pero madami kasi akong damit, lalo na’t mahilig lang akong bumili-bili kahit di ko kailangan at mmay boutique kasi si mommy e. Okay, so ang napili kong suotin eh simple lang. nag purple dress lang ako tas naka yellow doll shoes and yellow bag. I’m inlove with those colors e.

Pagkabihis ko, bumaba na ako at tinawag ko si manong carding.

“manong carding?????!!!” malakas kong sinabi

“hatid na ba kita Zeah?” sagot niya.

“oo manong, tara na! excited na ako!”masayang sabi ko.

Sumakay ako sa CR-V namin, sa tabi ako ni manong Carding. Syempre, ayoko namang umasta na boss noh, kahit driver naming siya e tinatabihan ko pa rin siya sa harap. Parang tatay ko na din kasi siya..

Mga 20 minutes lang naman ang layo ng school namin sa bahay, buti hindi traffic ngayon. Mabilis naman magpatakbo si manong. At yun nakarating na kami, bumaba na ako sa tapat ng gate ng school. At pagbaba ko palang e may sumigaw ng..

“oh ayan na si Zeah, ang reigning Ms. SJIC” si Lyn pala yun..senior din gaya ko. Friend ko din namn. Pro magkaiba kami ng course.

Nagsmile lang ako, nahiya naman ako kasi an daming mga bagong mukha ang tumingin sakin. Siguro mga first year yun at mga transferees..

“Zeah!” sigaw ni Belle habang papalapit sakin kasama si Clloyd.

Sila yung mga close friends ko at classmates ko.

“Parang ilang taon naman tayong di nagkita hah?”sabi ko sakanila

“ay hindi! Hindi! Ilang Segundo lang Zeah” sagot ni Clloyd habang nagtetext

“tara na sa loob ang init ditto, madaming mga gwapong first year. Tara na!” pahabol niya..

Oo, gwapo ang hanap niya kasi bakla si Clloyd. Hahahaha

Pagpasok namin sa school..nagsalita si Clloyd

“hay! Ayaw kitang kasama zeah”

“hah?bakit?”tanong ko sakanya

“pano naman kasi, sayo nakatingin lahat, kahit anong gawin kong pa cute dito e walang mata man lang ang dumadapo sakin”pabirong sagot niya

Sumabat si Belle..

“hahaha. Pano naman kasi clloyd, dapat magpakipot ka naman minsan. Wag ka papansin!”

Natawa na lang ako. Ewan ko ba kung bakit kasi nakatingin sakin ang mga tao, pati na ung mga 2nd year at 3rd year na kakilala ko nakatingin din. May dumi ba mukha ko? LOL

Umakyat kami sa 2nd floor at ng may bigla na naming sumigaw.

“Zeah.Belle.Clloyd! halika kayo, tignan niyo to. Nakakakilig!”

Ay si Jelly naman pala yun, kasama si Fred. Mga friends at classmates ko din sila..

Lumapit kami sakanila, sa may bulletin board.

“oh my gosh!” pabulong kong sinabi.

“Don’t you like it ms. Dee?”sabi ni Sir mark, PE instructor namin..

Picture ko pala nasa bulletin board, halos lahat pictures ko at si Keun. Si Keun, partner ko last school year para I represent ang school namin sa inter-school pageant ng mga private colleges sa buong Pilipinas. Siya din kasi ang Mr. SJIC, at siya din ang special someone ko J

“gusto sir! Pero nakakahiya yang mga pictures ko na iba, naka 2pc lang oh!”

“naku, okay lang yan frend! Ang ganda mo kaya”sabat ni Belle

“oo nga! Ang arte mo! Kung ako lang nanjan, naku di ko na papatanggal” sabat naman ni Clloyd

“sige ikaw na! wag mo lang agawin si Keun!” sabi ko kay Clloyd.

.. . . . . ..

“oh bakit nasama na naman ang pangalan ko jan baby?”

Tumingin ako sa likod ko para tignan yung nagsalita at …

“oh bakit nandito ka baby?” tanong ko kay Keun

oo. si Keun yun, boyfriend ko. Sabi sabi nila cute couple daw kami kasi Mr & Mrs. Este Ms. SJIC kami J pero hindi namin pinapansin yun kasi parang normal lang naman kaming couple. Ewan ko lang sa mga schoolmates naming kung bakit parang ang taas taas ng tingin nila saming dalawa. Keun Gail Yoon nga pala pangalan niya. Oo, may lahi siya na Koreano. Pero sa appearance, mas lamang pa din ang pagka-Filipino niya. Oo, gwapo siya. Hindi ko to nasasabi dahil bf ko siya pero gwapo lang talaga siya. 21 na siya. Magaling siyang sumayaw at kumanta…..

“oh bakit? Ayaw mo bang nandito ako baby ko? Xempre bukas may klase tayo, kaya ngayon dapat magkasama tayo baby.”

TThS kasi schedule namin ni Keun, kaming mga seniors. At magka-iba kami ng course kaya di kami magkakasama. Architecture ang course niya at ako naman ay Tourism.

“syempre gusto ko baby pero di mo naman kasi sinabi  na pupunta ka, ni di ka nga nag good morning eh” nakasimangot ako habang nagsasalita.

“eh kasi nga i-susurprise ka” sabat ni sir mark…

“oo nga baby, tama si sir…..sorry..halika may papakita ako sa’yo” hinawakan ni keun ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa gym

“UUUUUYYYYYYYYY” biro ng mga kaibigan ko….

Sumama din sila, at lahat ng mga nadadaanan namin..nakatingin samin ni Keun at napapangiti na lang….pati mga babae ang lagkit ng tingin sa boyfriend ko… pero di ako masyado nagpapaepekto kasi alam kong ako naman ang mahal niya…

Nasa gym na kami at bigla na lang tumula ang luha ko sa nakita ko……..

Baby? or Babe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon