Hello po!! sa mga silent readers naman po.... vote namn po kayo o mag comment manlang. hahaha :)) iisa lang po kasi nagbo-vote at nag ko-comment e naka 83 reads na ako... so paano nagyari yun?
mag fan narin po kayo :)))
salamat po ng marami.... Love you!
check niyo po yung photo sa gilid ------------------------------>
__________________________________________________________________
Chapter 2.1
Sana nandito rin si Zeah
(MARTIN)
Naiiyak si Zeah. Monthsary pala nila ngayon, grabe naman pala talaga itong si Keun.
Nakakaagaw pansin. Pero kaya ko rin naman yan, mas maganda pa pag ako nag surprise kay Zeah.
Hay! Malabo yun, pangarap lang talaga.
Kitang-kita naman na inlove rin si Zeah kay Keun oh.
“Oh my gosh! I wish I have a boyfriend like Keun”naiiyak na sabi ni Kim
“Me too! I wish my boyfriend could surprise me ng gaya din niyan”patama ni Laika kay CJ
“oh pare oh! Makinig ka sa sinasabi ng girlfriend mo. Bahala ka, baka ipagpalit ka niyan”sabat ni Jim
“Shut up! Mahal ko pa rin ang daddy ko noh! Kaya lang, ang sweet talaga ni Keun” malakas na sabi ni Laika
“so what can you say kuya Martin?” tanong ni Lizhel sakin
Di ako makasagot kasi sa totoo lang,
di ko inexpect na ganyan ka sweet si Keun kay Zeah.
Well, kaya ko rin naming tapatan yan pero hindi ko pa nagagawa eh..
Siguro pag kay Zeah………
hay! Kung anon a naman naiisip ko..
“anong iniisip mo kuya?
“naku! Wala Lizhel, Ang sweet nila” yun lang ang nasabi ko.
Umupo lang ako habang nakatingin pa rin sakanila.
Parang naiirita ako sa nangyayari at hindi ko alam kung bakit.
Nang biglang may lumapit na instructor, naka uniform eh.
Ala, baka papagalitan sila.
Pero parang hindi naman…parang naiiyak din yung instructor.
Ilang minuto ang nakakalipas ay umalis na sila.
Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero parang gusto kong alamin.
“hay! Parang na kay Zeah na lahat. Swerte pa niya kay Keun” naiinggit na sabi ni Laika
Pabulong kong tinanong si Lizhel, “bat aalis na sila? San sila pupunta?”
“oh my gosh! Bakit mo tinatanong kuya?”
“anong tinatanong niya?”biglang tanong ni Kim
“naku wala yun, wala diba Lizhel?”na parang sinenyasan ko siya.
“oo wala”nakangiting sagot ni Lizhel.
BINABASA MO ANG
Baby? or Babe?
Teen FictionSino ang mas karapat-dapat? Ang lalaking nagpapasaya sayo, rumerespeto sa'yo, naging sa'yo at minamahal ka? o ang lalaking biglang dumating sa buhay mo, madaming sikreto, dahilan ng bawat patak ng luha mo pagkatapos ng mga kasiyahang naramdaman mo...