para talaga to sa napakakulit kong reader na si Johnabelle mae Ramos.
mejo, nabahala na kasi ako sa post niya sa FB kaya madali akong nag UD. hahaha
--------------------------------------------------------------------------
Chapter 10
Asked for a Sign
(Belle)
“Tayo na diba bhie? Kaya kwento mo na sakanila ng makilig din sila sa atin” naka smile na tumingin si Jim sa akin. Pero peke yung smile niya. Alam kong nasaktan siya dun sa asta ko kanina.
Bakit ba naman kasi hinahanap ko pa yang lalaki na yan.
“okay bhie! Sorry”yun nalang ang nasabi ko kay Jim.
“Hindi niyo ba napansin?”tanong ko sakanila.
“Hindi, paano di ka na masyado sumasama sa amin kasi.” Sagot ni Lizhel
Nagkwento na ako.
Ganito kasi yun.
Nasaktan ako ng sobra sa ginawa ni Fres sa akin.
Hindi sa masama siya, pero madaming rason kung bakit naghiwalay kami.
Oo, siya yung nakipaghiwalay.
Madami siyang rason….
Relihiyon…Ugali at tsaka mga kaibigan ko daw..
E kaibigan din naman niya mga kaibigan ko eh.
Bigla na lang dumating yung araw na nakipag hiwalay na siya at
Totally na nawala yung communication namin.
Lalo na’t nag summer na noon..
Kaya hindi ko na rin siya nakikita.
Summer noon…at biglang may nagtext..
Hindi ko pinansin kasi new number…
Pero palagi na lang akong nakakatanggap ng mga text messages…
Nakulitan na lang ako..
Paano ang mga messages..
Text Messages from Unknown Number:
“hi Belle”
“Good morning bel!”
“Musta ka Belle? Wag mo kalimutang kumain ng lunch mo.”
“Hi Belle! I miss you. Ingat ka”
Dun sa huling text na niya ako nabahala.
Ang kulit eh tapos ganyan pa magtext kaya nag reply ako.
Tinanong ko kung sino siya. As in puro may !!!!!!!! na ang mga text ko…
Nag reply siya agad..
Text Message from Unknown No.:
Hi Belle! Hindi na ba naka save yung number ko sa’yo? Si Jim ito. Wag masyado high blood hah? Miss lang talaga kita. Matagal na kasi nung huli kitang nakita.
End of Text Message
nabigla ako!
Oo nga pala na delete ko yung number niya noon.
Syempre hindi naman ako snob. Kaya in-entertain ko siya.
Tine-text ko ganun. Kaibigan ko rin naman siya eh..
Sa buong summer, siya yung palagi kong nakaka text.
Hindi man araw-araw pero siya itong everyday kung magtext kahit sa hindi na ako nagrereply.
Nang sa mag birthday si CJ.
Nagkita kami, medyo naghihiyaan pa din.
Si Zeah na nga lang yung nanjo-joke sa amin para lang makapag-usap kami.
Hindi ko alam, pero kinikilig din ako sakanya.
Siya yung tipo ng lalaking nanjo-joke pero parang totoo pa din mga sinasabi niya.
Pag nakikita ko siya, parang may mga butterflies sa tummy ko.
It’s a very strange feeling, feeling na hindi ko maintindihan…
Nang sa isang araw, nagpunta ako sa SM.
I was alone., at ewan ko ba.
Bigla na lang akong nag ask ng sign.
Hindi ako nag eexpect but I still did.
Nasa NBS ako nun at naghahanap ng libro…
Nang biglang may …..
“Hi Belle!”
Mukhang kilala ko yung boses nay un,
Isa siya sa parte ng nakaraan ko..
Tumingin ako sa likod ko,
At nabigla ako!
--------------------------------------------
sana mag vote naman . thank you po :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1575732-288-k672875.jpg)
BINABASA MO ANG
Baby? or Babe?
Teen FictionSino ang mas karapat-dapat? Ang lalaking nagpapasaya sayo, rumerespeto sa'yo, naging sa'yo at minamahal ka? o ang lalaking biglang dumating sa buhay mo, madaming sikreto, dahilan ng bawat patak ng luha mo pagkatapos ng mga kasiyahang naramdaman mo...