Chapter1.1 Ang Taas ng Pangarap Mo

373 7 2
                                    

 salamat sa pagmamahal Ms. Acusibelle. ikaw ang unang reader ko.. kaw din ang only vote ko.. kaya dedicated sayo itong next UD ko :)

 ____________________________________________________________

Chapter1.1

Ang Taas ng Pangarap Mo

(Martin)

                First day of school ngayon.  Papasok ako sa new school ko, sa may St. Jude International College. BTW, ako nga pala si Martin Ayala. 21 years old. Transferree ako, galing ako ng FEU. I was a Business Administration student there major in Management Accounting. Pero ngayon dito sa SJIC magiging BS in Tourism Mangement student na ako. 3rd year pa lang ako kasi irregular student ako dahil nga sa biglang pagbabago ko ng course at pagta-transfer. For everyone’s information, nag transfer ako kasi dati e hindi na ako nakakapasa sa mga subjects ko dahil nga sa na barkada ako noon sa FEU at nasasangkot ako sa mga gulong pinapasok ng mga barkada ko. I’m OT blaming may barkadas pero mahirap kasi silang tanggihan kaya kung ano ginagawa nila e nakikisabay na lang ako. Well, sana makayanan ko dito at hindi na ako mabarkada. Dito naman nag-aaral yung mga childhood friends ko na galling rin sa Bulacan, kaya sana kayanin ko at maka graduate na rin ako. Mabait rin naman ako e kaya sa sobrang kabaitan e nagagawa ko lahat ng pinapagawa ng mga kaibigan ko. Masiyahin akong tao at sumasabay lang ako sa agos ng buhay ko.

                7am na, babangon na ako. Dito ako sa may Q.C. pag school days, may apartment ako dito at medyo malapit lang sa school. Deretso banyo na ako para maligo. Mga 8 am na ako nakabihis. Linakad ko mula apartment hanggang sa school, mga 15 minutes lang naman ang layo. Pagdating ko sa school e naglibot-libot muna ako, 9 pa naman ang start ng class ko eh. Maganda rin naman ang school na to, private na private pero mas maluwang lang talaga sa FEU. Abah! Meron din itong swimming pool, mahilig kasi ako mag swimming at sinali ako ng FEU noon ng swimming sa inter-school sports fest.

                Malapit ng mag 9, pumunta na ako sa first subject ko. Sa may 2nd floor ng Business College Bldg kami. Naka close pa ang room, at madami na kaming nakatambay sa may hallway.

                “Helo! Anong pangalan mo, BSTM ka din ba? Mukhang ngayon lang kita nakita.” Tanong ng  babaeng lumapit sa akin.

                “I’m Martin Ayala, Oo. Transferre ako e”sagot ko habang naka ngiti

                “oh nice to meet you Mr. Ayala. By the way I’m Laika Seranno. So dito ka sa room na ito?” sabay turo sa room ng first subject ko.

                Tumango ako.

                “oh, so we’re classmates pala. We should be friends now para naman may kasama ka e bago ka lang eh…and these are my friends, clasamates din natin..”sabay turo sa mga studyante din sa may hallway”

                “Hi pare! Ako si CJ”pakilala ng lalaki

                “he’s my boyfriend pala” sabat ni Laika

                Ngumiti lang ako.

                “hi I’m Lizhel”

                “hi I’m Jim”

                “Hi I’m Kim”

                “hi im John”

                Sunod-sunod na pagpapakilala nila. Nalilito pa ako sa mga pangalan nila. Pero mabuti na rin ito para may kasama ako. Nang may biglang sumigaw…..

“Zeah.Belle.Clloyd! halika kayo, tignan niyo to. Nakakakilig!”

Napatingin ako sa bandang yun, andaming tao sa may malaking bulletin board. Ewan ko ba kung ano ang naroon at kung bakit parang may palabas na nagaganap… May isang lalaki at dalawang babae na lumapit dun sa sumigaw, ang ganda ng nasa gitna. Ang ganda rin naman ng isa pero kakaiba yung dating nung nasa gitna. May maganda rin pala dito hah.  Hay! Bakit kung anu-ano ang naiisip ko?

“hoy pare! Bakit parang nakatingin ka sa babaeng yun”tanong ni John

“ah..eh…hindi a pare. Napatingin lang ako.”sagot ko

“si Zeah yan pare. Ms. SJIC yan, naku! Ito lang masasabi ko, wag ka ng mangarap pa saknya dahil boyfriend niya yung Mr. SJIC. Ang taas naman ng pangarap mo kung siya yung papangarapin mo. Malabo pare!”

“Kung anu-ano pinagsasabi mo pare, napatingin nga lang ako!”malakas na sagot ko

“oo na! relax..cool ka lang pare.”         

Hindi na ako sumagot dahil parang naiinis ako, pero parang masakit sa dibdib yung sinabi niya na may boyfriend na si Zeah…oo Zeah daw pangalan niya.. Ilang minuto ang nakakaraan, may dumating din na isang lalaki. Nakipagkumpulan din dun sa parte na may madaming tao… Napatingin ako sa sakanila,lalapit siya kay Zeah.

“Hey Mr. Ayala. That is Keun, boyfriend ni ate Zeah”biglang nagsalita si Laika

“hah?”bakit sinasabi niya yan e di naman ako nagtatanong.

“wag ka na umarte. I can read your eyes. Kanina nakatitig ka kay ate Zeah and narinig ko yung pag-uusap niyo ni John.”

“ala wala yun Laika!”

Tumawa lang siya at lumapit kay Lizhel, parang may binulong..

“ikaw hah kuya Martin, sabihin mo lang sakin kung gusto mong mapalapit sakanya. Close friends kami niyan nina Laika”pagmamalaki ni Lizhel

“hah?sino tinutukoy mo?”

“sino nga ba?” pasulpot na tanong ni CJ.

“hah wala daddy.wag ka ngang makiosyoso” sabat ni Laika sa boyfriend niya.

Hah sino kaya yun? Si zeah? Zeah? Hay! Sana siya yung sinasabi ni Lizhel. Kaibigan daw nila si Zeah! Hay! Ano ba to? Umaasa ako? Kung anu-ano gumugulo sa isip ko…. Ngayon ko lang nakita tapos ganito na ako mag-react? Hay! Tama nga yung sabi ni John, masyadong mataas si Zeah para pangarapin ko…

                “UUUUUUUYYYY” biro ng mga tao na nasa may bulletin board.

                “wow! First day pa lang ng class, pinapalanggam na naman tayo ng cutest couple”kilig na sabi ni Laika

                “cutest sila mommy? E pano tayo” lokong" tanong ni CJ sa gf niya.

                “Hay pangalawa lang kayo CJ! sabi ni Kim at kinikilig din siya

                “hay naku! Mas sweet ako kaysa jan kay Keun diba mommy?” pagmamayabang ni CJ

                “oo na daddy, kaw na! kaya tumigil ka na.”

                Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakatingin kina Zeah at dun sa boyfriend niya. Magkahawak sila ng kamay habang tumatakbo. Nakatingin lahat ang mga tao sakanila.

                “oh my God! We should follow them guys! Napi-feel ko that papa Keun has a big surprise for ate Zeah”

                “sama ka kuya!”anyaya ni Lizhel

At naglakad kami papunta sa may gym….

                “see pare! Big time talaga yang si Keun”paglalahad ni John

Hindi lang ako umimik..nasa may bleachers kami ng gym…nasa kabilang panig naman sina Zeah at Keun.

“Oh my GOSH! Kaya pala….” sigaw ni Laika

                Madaming tao sa gym at nakatingin lang sa couple lahat. Tinignan ko si Zeah sa may kabilang panig at nakita kong naiiyak siya sa nakita niya……

Baby? or Babe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon