Chapter 1: Feros

9.3K 299 8
                                    

ONE WEEK narin ang nakalipas simula noong lumabas bigla ang soro sa aking palad at sa bawat pagnanakaw na ginagawa ko ay tumutulong sya. Diko alam kung naiintindihan nya ba talaga ang mga kinikilos ko or what? But the most bothering feeling of mine is I slowly felt that I'm not in my strength anymore. Tila unti unti ng nawala ang totoong lakas at energetic self ko.

Napansin ko ito simula no'ng kasama ko na itong soro.

Kasalukuyan akong naglalakad sa sulok ng isang eskinita. Tanghali narin at nakabuntot parin sa akin itong soro.

Nagtataka parin ako kung bakit maliit lang sya di kagaya ng nasa panaginip ko.

Hinarap ko naman sya at tiningnan kaya bahagya syang huminto sa paglalakad. Tiningnan ko ng maayos yung expression nya parang nagtataka yung mga mata nya sa inasal ko.

"Ahhmmm.... Foxie---" diko pa natapos yung sasabihin ko ay nanlilisik na yung mga mata nya at ngumisi narin na parang handa na akong lapain ng buhay. Napalunok naman ako sa kaba.

"Okay! fine! di na kita tatawaging foxie," sabay irap ko. Tinatawag ko sya ng iba't-ibang pangalan at ganun nalang palagi ang reaction nya.

Nagagalit, nanlilisik yung mga mata at ngumingisi pa.

Nawala agad yung kaba ko nang kumalma na sya.

"So! ano ba ang dapat itatawag ko sayo?" taas kilay ko pa.

Tiningnan nya lang naman ako habang sya ay nakaupo at kumukurap pa.

The H*ck!! Ano ba dapat ang itawag ko sa kanya!!

Lintik na hayop ito!!

"Bahala ka nga dyan!!" sabay talikod ko at nagsimulang maglakad. I did not bother myself to look back because I don't have fuckin' care kung susunod sya o hindi! Mabubuhay naman ako kung wala sya.

Naramdaman ko naman uli ang panghihina ko. Sobrang bilis pagkabog ng dibdib ko tila maraming oxgen ang nawawala sa aking katawan.

Unti unti kong nararamdaman ang pagkawala ng balanse ko at tuluyan akong bumagsak. Nanlabo narin ang aking paningin bago ko naipikit ang aking mga mata ay nakita kong tumakbo papalapit sa akin ang soro na parang nag alala sa aking kalagayan. Then all of my sight went black.

******

Isang babae ang kaharap ko ngunit nakatalikod ito sa akin. Nakasuot ng mahabang puting cloak. At nandito kami sa puro liwanag a lugar, walang makikitang ibang bagay para kaming nakalutang sa ere habang inaapakan ang liwanag.

"Kailangan mong ibalik ang guardian mo sa Guardae Dimension." kinilabutan ako sa boses nya na sobrang lamig na parang bawat bigkas nya ay nanlalamig rin ang buong katawan ko. Idagdag pa ang boses nyang umaalingawngaw sa buong paligid.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon