Chapter 27: Scandal
MAINGAT kong pinunasan ang mga alikabok sa puntod ni Lolo Carlo. Bandang 12 na sa gabi at dahil bampira ako ay 'di ako dinalaw ng antok. Sobrang tulog sina Eric at Abigail nang umalis ako nang walang pasabi sa kanilang mansyon at 'yung security guard naman nila ay inaantok nang dumaan ako sa kanilang gate. Natatawa nga ako nang lumabas ako sa kanilang mansyon. At 'yung nangyari kanina sa banyo ay bumabagabag parin sa akin. That was Hiro I swear.
Nangingilid pa ang aking mga luha habang kinakausap ang puntod ng yumao kong Lolo. Itinuring ko syang aking ama ngunit ang gusto nyang itatawag ko sa kanya ay Lolo, kaya lumaki akong 'yun ang nakasanayan at minsan tinatawag ko syang Itay.
"Happy Death Anniversary, Lolo Carlo sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Gusto kong humingi ng tawad dahil matagal narin kitang 'di nadalaw." Unti-unti ng nag unahan sa pagtulo ang aking mga luha.
"Patawarin mo'ko, Lolo..Itay..kung naiwan kita." Dahan-dahan kong inilapag sa kanyang puntod ang bulaklak na kinuha ko lang sa mga halaman nina Eric.
Umiiyak pa ako na bahagyang natatawa habang nilalapag 'yun.
"Lolo ninakaw ko po ito, alam mo 'yun?" Napapangiti nalamang ako dahil sa katangahan ko."Alam ko pong kukurutin nyo po 'yung tagiliran ko kapag nandito ka sa tabi ko dahil sa aking ginawa.." Mas tumulo pa ang aking mga luha nang maramdaman ko ang ihip ng malamig na hangin at kasabay nun ay ang unti-unting pag ulan ng mga nyebe.
"Lolo diba gusto nyong makakita noon ng mga nyebe? Ito na sila oh.. iaalay ko silang lahat para sa'yo." Ang aking malulungkot na nyebe pero hwag po kayong mag alala dahil balang araw mga nyebe na ng kasiyahan ang makikita mo, pangako ko po 'yan sa'yo.
Hinayaan ko lang ang aking mga luha na nag unahan.
"Lolo nabilang nyo po ba kung ilang beses akong umiyak ngayon? 'Diko rin po alam, eh." Natatawa kong sabi na parang may saltik.
"Pero Lolo alam nyo bang 'di ako m-masaya?" Tuluyang nabasag ang aking boses na syang 'diko na kayang pigilan pa.
"T-tiyak p-po na m-magagalit k-kayo dahil s-sa n-nangyari sa'kin. G---ganun n-nyo po k-kasi ako k--kamahal." Mas lalong lumakas ang aking paghikbi.
"A--ayaw nyong m--makikita akong u-umiiyak at n--nasasaktan..."
"G--gusto ko narin p--pong bumitaw...g-gusto ko ng s-sumunod sa inyo.."
"P--pinagkaisahan p-po nila akong l--lahat..p--pinaglalaruan. D--diko po alam kung s--saan ako kukuha ng lakas.."
"L--lolo.."
"W-wala po akong masasandalan sa oras na'to sa'king mga problema..pasensya na po kung naabala ko po ka'yo sa inyong pagpapahinga.. Paalam." Sumisinghot singhot pa ako saka pinunasan ang aking mga luha. Maingat akong tumayo saka naglalakad papalabas sa sementeryo.
Umiiyak parin ako kahit nakalayo na ako dun. Gusto ko ng 'di na ako muling luluha pero 'diko magagawa. Sabi nga nila 'kapag gusto maraming paraan at kapag hindi maraming dahilan'. Ganyan ang buhay wala kang pagpipiliang iba kundi 'yung dalawang nabanggit lamang pero 'diko naman pinili 'yung hindi ah? Paano ko rin ba pipigilan ang mga luhang ito kapag nag iisa ako ay nararamdaman ko nalang na dinadalaw na muli ako ng kalungkutan?
Kusang huminto ang aking mga paa nang makarinig ako ng alulong mula sa loob ng gubat. Ang sementeryo nila dito ay katabi ng gubat kaya 'di na ako magtataka kung mayroong mga mababangis na nilalang dito. Dahan-dahan akong tumingala sa kalangitan at ang pagtagpo ng aking mga mata at ang liwanag ng buwan ay nagbibigay sa aking mga mata ng kulay.
BINABASA MO ANG
Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)
Fantasy◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. Most impressive ranking: #1 witchcraft Written Started: ◆◇ Jan. 23, 2018 Date Finished: ◆◇ Apr. 13...