Chapter 10: The Loner and Him

3.8K 147 3
                                    

'DI KO inakala na darating ang oras na maniniwala sa akin si Miss V. The foster mother of Snow Flame but my big question is.... Sino nga ba ang totoong mga magulang ni Snow Flame posible kayang kambal nga kami dahil magkamukha kami? O sadyang nagkataon lang na magkahawig kami?

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap nalang ako sa lalaking matagal ng nakikita sa aking katauhan ang taong kaniyang minamahal. Wala akong mapagbuhusan ng aking tuwa kundi siya lang dahil kahit minsa'y di kami nagkasundo pero dumating ang punto na nangako kami sa isa't-isa na maging mag kaibigan. And now, he respond to my hug because he knew what I'm feeling right now.

Napabitaw ako sa pagyakap sa kaniya at dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha nang mayroong tagalingkod ng kastilyo ang biglang nagsalita.

"Mga Binibini at Ginoo napag utusan po akong ihatid kayo sa inyong magiging silid upang makapagpahinga. Ang mga kasamahan ko na po ang magbibitbit ng inyong mga kagamitan patungo sa inyong silid," sabi ng babae na may kasamang tatlong makikisig na lalaki. Bakit hindi ipinagkait sa mga Garcae ang salitang kagandahan at kakisigan?

"Ang babaeng ito nalang muna ang inyong ihatid sa kaniyang magiging silid dahil baguhan lang siya dito sa Vasemuelle," sagot naman ni Mr. Klein sa babae na bahagyang nagtaka ngunit napatango nalamang.

"Masusunod po," sabay yumuko ito pati ang mga kasamahan nitong mga lalaki.

Bago ako humiwalay sa kanila ay hinawakan pa ni Zero ang aking mga kamay saka bumulong. Ngunit parang may nararamdaman akong mga matang nakatingin kay Zero ng masama pero diko nalang ito pinansin.

"Don't be scared, okay?" tumango nalang ako saka sumunod na ako sa babaeng maghahatid sa akin sa aking magiging silid at napansin kong binitbit narin ng isang lalaki ang aking maleta tsaka sumunod narin sa amin.

Habang naglalakad ako ay 'diko magawang di mabahala sa posibleng mangyari.

Ano kaya ang pinag uusapan ng Shrine at ni Miss V? Sigurado bang di magagalit sa akin ang Shrine at iyong batang Supremo? I supposed to be not in this place! Ano kaya ang mangyayari sa akin sa kastilyong ito? Magiging okay kaya ako?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking iniisip at agad rin akong nabalik sa aking sarili nang mapansin kong huminto na sa paglalakad ang babaeng sinusundan ko sa isang pintuan, kaya napahinto narin ako.

"Ito na po ang magiging kwarto niyo, Binibini!" wika ng babae.

"Maraming salamat," sabay ngiti ko sa kaniya.

"Kung may kailangan kayo sa akin Binibini tawagin niyo nalang po ako sa pangalang, Tallah(Talya)," tumango naman ako sa kaniya.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon