Chapter 50: Generals of Darkness
KINAGAT ko ang ibabang labi ko habang ang balikat ko ay nanginginig hindi sa takot, kundi sa galit sa mga halimaw na kaharap ko.
"I won't let you kill my sister!" Halos lumaki ang mata ko sa sigaw na ginawa ko, "HAAAAAA!!!" Walang katakut-takot akong sumugod kay Gajeel na kahit alam kong napakalakas nito ay binalewala ko ito sa 'king isipan.
Aakmang haharang si Galima ngunit 'di nya nahuli ang bilis nang aking kilos.
"What?" kita ko ang hitsura ni Galima na 'di makapaniwala nang makalusot ako sa kanya. Nang mapansin ni Gajeel na aambahan ko na sya ng atake ay hinagis nya nang malakas si Snow.
"Ahhhhh!!!" Ang sigaw ni Snow nang bumagsak sya sa kabilang direksyon ng espasyo.
Nanlilisik ang mata ni Gajeel nang nakaharap na nya ako pero 'di 'yun naging hadlang upang labanan ko sya. "A pity girl won't win against me," A smirk appeared on his face.
Then when I slashed my sword towards him, he dodged it swiftly and dared to block it with his strong arms.
Nanggigil ko syang tiningnan at sa 'di pa nya napigilan ang susunod kong pag atake ay tumalon na ako nang paikot-ikot sa kawalan. Bago pa ako lumanding muli ay iniangat ko na ang isa kong paa ko at malakas itong ipinatama sa ulo nya. Nasalo nya ito at ramdam ko pa ang mahigpit nyang paghawak sa binti ko na halos madurog nya ang aking buto. Unti-unti nya akong iniangat kaya nang mapagtanto kong ihahagis nya ako ay napagalaw ng mabilis ang aking mga kamay, pinaikot ko ang aking espada dito at iwinasiwas sa kanya dahilan kaya dumaplis 'yun sa kanyang pisngi.
Nanlaki ang mga mata ko nang ihagis nya ako ng sobrang lakas ngunit naitadyak ko ng mabilisan ang aking paa sa kanyang braso kaya nagawa kong bumwelo para 'di bumagsak. Lumanding ako na parang walang nangyari sa grassy floor. At 'diko inasahan nang bumulusok sa aking gawi ang makapal na usok. Tumalsik ako na parang tinangay nang napakalakas na hangin.
"Ugh!!" Daing ko nang humampas 'yung likuran ko sa may dingding ng silid.
"Hahahaha!" Nakalimutan mo yata ako, "Hahahaha!!" Tuwang-tuwa si Galima sa nangyari na akala mo'y tapos na ang lahat at sya ang nanalo sa laro. "At mukhang hanggang dyan lang yata ang lakas mo," Tiningnan ko sya ng masama. Nang pinakiramdaman ko ang aking katawan ay napahinto ako sa paggalaw. Bakit parang nanghihina ako?
"Nangunguha ng enerhiya ang pinakawalan kong kapangyarihan sa'yo, Kim. At sa ngayon," Biglang sumeryoso ang mukha ni Galima pero nanatili parin akong nasa galit na aking nararamdaman kaya 'di ako natatakot sa maaari nyang gawin, "Oras na para hingin ko sa'yo ang hiyas ng lapastangan kong pamangkin!!" Nanlilisik ang kanyang mga mata lalo na nang banggitin nya ang salitang pamangkin.
"Haven't I told you?" Dahil 'diko na maigalaw nang maayos ang katawan ko ay nakasandal parin ako sa pader. F*ck that smoke of hers! "Not unless I change my mind." At nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong mali ang lumabas sa aking bibig. "No! Don't touch her!!" Halos umiyak ako nang magmakaawa para lang 'di nila galawin ang kapatid kong walang malay na ngayon ay nilapitan na ni Gajeel.
BINABASA MO ANG
Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)
Fantasy◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. Most impressive ranking: #1 witchcraft Written Started: ◆◇ Jan. 23, 2018 Date Finished: ◆◇ Apr. 13...