Chapter 17: Elemental Wizard"KAILANGAN nating bilisan ang ating pagtakbo" ang sabi ni Hiro kay Zeref habang buhat parin ako at mas lalo pa nyang binilisan ang kanyang pagtakbo. Ganun naman si Zeref na sinasakyan ang aking unicorn. Kakaiba ang taglay ng unicorn na ineregalo sa akin ni Utara. Kasimbilis nitong tumakbo gaya ng mga bampira at lobo.
Kanina pa kami hinahabol ng mga mangkukulam na ngayon ay sobrang desperada na nila na akoy makuha. Napahawak nalang ako sa may balikat ni Hiro ng mahigpit at ramdam kong bumaon dito ang aking mga kuko bigla kasing may kung anong kirot na nararamdaman ko na halos balutin na nito ang aking buong katawan.
"H----hiro.. Ansakit!" Halos mapaluha pa ako habang iniinda ito. Kita ko sa mga mata nya ang sobrang pag alala.
"Don't worry baby. We're almost there.." Hinalikan pa nya ang aking noo. Kanina ko pa tinitiis ito ngunit sadyang diko na talaga makayanan. May kung anu-ano pang bigla nalang magparamdam sa aking sakit na halos mapapikit nalang ako habang tinitiis ito.
"You can still hold on right?" Bahagya akong umiling sa tanong nya't mas lalo ko pang hinigpita ang paghawak sa kanyang balikat. Nagsimula naring manginig ang aking mga kamay. Naramdaman kong hinawakan nya ang isa kong kamay at hinayaan ko naman syang kimkimin ito ng mainit nyang palad. Kasabay ng pagpatak ng butil ng aking luha ay nagsimula naring pumatak ang aking mga nyebe na syang dahilan kaya huminto si Hiro sa pagtakbo na syang ipinagtataka namin ni Zeref. Napahinto narin si Zeref.
"What are you planning to do?" Kunot noong tanong ni Zeref kay Hiro. Napapikit pa si Hiro tila pinakalma ang sarili bago sya nagsalita. Nang maimulat nya ang kanyang mga mata ay tumambad sa amin ang mapupula nyang mga mata at sumabay narin pumatak ang kanyang mga nyebe.
"Looks like they're going to surrender! Hahahaha!" Rinig kong sabi ng isa sa mga mangkukulam habang nakasakay pa ang mga ito sa kanilang mga walis sabay humagalpak pa ang mga ito ng tawa.
"Hunt them down!" Utos ng mg ito sa kanilang mga alagad.
"Hiro! What now!!?" Naiirita na si Zeref. Nanatiling hindi umimik si Hiro habang nakatitig lang sa akin. Bahagya nyang hinawakan ang aking ulo at hinimas-himas ito.
"We need one witch alive!" Nagulat kami sa sagot nya kay Zeref.
"Seriously? For what reason--you're going to make some witch stuff---"
"We're going to transfer her strength to my beloved, deity" seryoso nyang tugon.
'B---but h-how?" Tanong ko kahit nahihirapan.
"Through my fangs, through her neck, through my suck, through her blood, through your neck, through your body!" Ewan ko kung nagbibiro lamang sya sa sagot nya o hindi, pero lahat ng mga salitang binitawan nya ay tumatak sa isip ko.
Iinumin nya ang dugo ng isa sa mga mangkukulam at ililipat sa akin.
"Don't joke around, Kyung. This is not a play" ramdam kong mas lalong sumeryoso si Zeref nang tawagin nyang Kyung si Hiro. Kapag siguro Kyung na ang tawag nya kay Hiro senyales nya siguro ito na sobrang seryoso na nya.
"I'm not joking here! I just need your cooperation. If you don't want to help. It's fine with me I'm not going to force you anyway.." Tumitig si Hiro kay Zeref ng ilang segundo bago muling inilipat nya ang kanyang tingin sa akin.
"I will help you but two more questions. How did you know this idea? How can you sure that this idea will be helpful?"
Tama si Zeref paano nalaman ni Hiro ang ideyang ito? Tanging mga babaylan lamang ang mga may alam sa ganitong klaseng ideya. Di kaya may lahing babaylan ang angkan ni Hiro sa kabilang mundo? Oo nga pala! Wala pa akong kaalam-alam sa mundong kinagisnan ni Hiro at lalong-lalo na, tungkol sa buhay nya pero ako? Pakiramdam ko nakasubaybay na sya sa aking buong kwento.
BINABASA MO ANG
Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)
Fantasy◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. Most impressive ranking: #1 witchcraft Written Started: ◆◇ Jan. 23, 2018 Date Finished: ◆◇ Apr. 13...