Chapter 21: Raid

2.9K 107 10
                                    

Chapter 21: Raid

NAGLALAKAD kami ni Eleanor papunta sa pintuan ng kanilang isang malawak na silid-aklatan  iyon ang sinabi nya sa akin. She insisted to tour me inside their palace para naman daw 'di ako mabagot. Ayaw nya ring sumama dun sa guy na nakatulala sa akin kanina nang pagbuksan ko ito ng pinto. Dahil may crush daw sya ro'n. Alam ko naman Fiermond ang pangalan nun dahil sa pagpapakita nya sa akin ng mga larawan ng wizard at babaylan na malapit sa kanya. Actually, matapos kong makita si Hiro kanina ay nagkaroon kami ng yakapan moment at ako naman ay 'di mapigilang mapaluha. Nalaman kong namatay na pala talaga ako at ngayon may dugo na akong bampira na syang 'di ko naman maintindihan ang sarili ko. Kung magagalit ba ako o matutuwa? Para namang walang pinagbago sa akin, except my senses. Matapos yung yakapan sesyon ko kay Hiro ay nagpaalam ito sa akin dahil may gagawin pa raw sila ni pinunong Aloora. Kita ko rin sa mga mata nya na labag yun sa kalooban nya. Diko alam kung ano ang bagay na iyon tila may inililihim sya sa akin. Ayaw ko naman syang tanungin dahil baka 'diko mapigilan ang sarili ko nasasali sa isyung iyon. Nalaman ko sa kanya na kaya kami nagkaroon ng mind links dahil sa pagkagat nya sa akin para muli akong mabuhay. Pakiramdam ko nga wala lang sa akin 'yong bagay na 'yon when it comes to myself. Tila sanay na ako sa pagiging ganito kahit ngayon lang ako nagkakaganito. Pero may parte sa aking isip na nangangamba sa pwedeng mangyari sa akin. I'm a vampire now! what could be the possibilities that I could do? There's still a possibilities that I might harm someone. Lalong lalo na kapag 'di ko magawang kontrolin ang pangil ko. Isa yun sa mga nalalaman ko tungkol sa mga bampira. I don't want to take a thought about that. It will bothering me I swear. Mas mabuti siguro kapag ibabaling ko muna ang aking sarili sa ibang bagay.

I suddenly stop from walking when I saw Eleanor stopped.
"Bakit?" I asked. She turned her head on me wearing those smile.

"Wala naman. Oo nga pala baka kasi magugulat ka. Mayroong mag aaral ngayon sa silid-aklatan baka makaistorbo tayo ro'n."

"Ayos naman sa akin." Tiningnan ko muna ang buong paligid. Nandito pa kami sa pasilyo.
"How about sa labas nalang tayo?" Lumiwanag naman yung mukha nya.

"Tara!" Mabilis nya akong hinila at tumakbo na kami papalabas.

"Ang ganda naman ng mga puno nyo rito.." Nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang bawat magagandang punong madadaan namin. Sobrang berde ng mga dahon nito at iba't iba rin ang mga bulaklak. Nagkalat pa yung mga talulot ng mga bulaklak sa ground.

"Dito ako pumupunta minsan kapag 'di ako pumapasok sa aking paaralan.." Nakangiti nyang sabi habang inaalala ang mga ginagawa nya. Napaisip naman ako sa paaralan ng Vasemuelle. Kamusta na kaya ang kalagayan ng Vasemuelle? Matagal-tagal narin akong 'di nakapasok. Gusto ko ng makabalik roon. I swear! Everyone missed me so much.

"Tara punta tayo sa aming paaralan!" Huli na ako para makareact dahil nahila na nya ako.

"Teka! Di ba tayo papagalitan? Paano ka, makikita ka ng mga tagaturo nyo!" Tanong ko habang tumatakbo kami.

"Hindi noh. Alam nila na nagpapaturo ako ng ibang Class S+ wizard sa aking silid kaya alam nilang advance ako!" Seriously? Advance sya? Okay no offense, huh?

"Anong no offense no offense mo dyan?" Aba nakikipag usap sya sa akin using our mind links.

"I just can't believe!"

"Yeah! Its hard to believe to somene who don't often to study!" Nakangiti pa sya habang tumatakbo kami.

"Hahaha ewan ko sayo!"

"You know what? I always make a wish when I was on six years old, that someday I could have a friend that forever treasures the every part of our memory we make." Napangiti ako sa sinabi nya.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon