Chapter 49: Tears of the Fox
LAHAT nang mga pirasong meron sa aking utak ay nagkdugtong-dugtong. Tama si Reyna Asthera sa kanyang kuwento.
Ngunit 'diko pa narinig ang buong katotohanan na nais kong malaman. Nang titigan ko si Miss Violet ay bumagsak na muli ang kanyang mga luha. Kahit na ganun ay sinubukan nya paring magkuwento, "B---bawat pagbabantay ko sa l---lugar na 'yun ay nandun si Aiustha. M---mahirap para sa kanya na makisalamuha sa mga tao k---kaya," bahagyang napa punas si Miss V sa kanyang mga luha, "K---kaya napagdesisyunan k---kong d--dalhin sya sa Vasemu--elle," Hanggang sa pumiyok na ang boses ni Miss V. Now, I witnessed how fragile she is in her hidden side. Napaluhod narin sya sa bermudang sahig habang tinatakpan ang bibig. She was crying hardly, gusto ko syang lapitan upang pakalmahin at ganun rin ang nakikita kong gustong gawin ni Snow habang pinapanood ang nagpalaki sa kanyang umiiyak.
Napaiyak narin ako---hindi lang pala ako pati sila. Halos mapuno nang hikbi naming apat ang buong silid.
Kahit nahihirapan nang magkuwento si Miss V ay nagpatuloy parin sya, "Sa pagdala ko sa kanya sa Vasemuelle a---ay unti-unting nagbago ang lahat," Huminga muna sya nang malalim at tiningnan nya muna kami sa mga mata ni Snow---isa't-isa. "Napayag ko ang Supremo na sa Vasemuelle muna sya titira. Everything went well, naging malapit kami ni Auistha sa isa't-isa."
Tumingin muna sya sa Shrine saka ipinagpatuloy ang pagkuwento, "At sa pagtagal nya sa Vasemuelle ay n---nakilala nya si Scy(Sai)," Gusto ko syang tanungin kong sino si Scy ngunit idineretso na nya kaagad ang nais nyang sabihin, "Si Scy ay ang anak ng dating Supremo na si Austus,"
Napakunot sandali ang aking mukha at ganun rin si Snow, "Itinakdang maging susunod na Supremo si Scy kapag nasa edad na talumpu't isa, sa paglipas nang mga araw ay napalapit ang loob nina Scy at Aiustha sa isa't-isa," Then the truth hit it what I want to know. Kung ganun ba ama namin ang lalaking tinutukoy nyang Scy?
"Scy was a closest uncle of mine," W---what? Nagkatinginan na kami ni Snow na ngayon ay gulung-gulo na sa mga narinig. "You heard me---he's my uncle," Parang nabasa ni Miss V ang nasa isipan namin ni Snow, at napansin ko naring bahagya na syang kumalma.
"P---paano po 'yun nangyari?" Garagal ang boses ni Snow nang bigla syang magtanong. "Sinasabi nyo po bang---magkasing edad lang kayo ng uncle mo?" Her eyes were slightly widened while staring at the serious face of Miss Violet.
BINABASA MO ANG
Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)
Fantasy◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. Most impressive ranking: #1 witchcraft Written Started: ◆◇ Jan. 23, 2018 Date Finished: ◆◇ Apr. 13...