Chapter2

4.8K 101 1
                                    

"Zara, nasa loob ba si Dad?"

"Ma'am Selene?–Uh opo nasa loob si Don Apollo. Pasok lang kayo." Minuwestra sa akin ng sekretarya ni Dad ang daan tungo sa silid nya.

Kumatok sya bago buksan ang pinto. "Salamat, Zara."

Matamis na ngiti ang ginawad nya sa akin. 

Pumasok ako sa loob. Nadatnan kong nakatayo si Dad. Nakaharap sya sa glass wall na tanaw ang buong syudad. Hawak nya ang malaki nyang tabacco habang nakapamaywang. 

"What's bring you here?" Malaking boses na tanong nya.

Nagpunta ako dito para magkaawa sa kanya ulit. Magmamakaawa ako na huwag ng ituloy ang kasal. Pang ilang beses ko na ba ito?

Pero hindi ako mapapagod gawin to. 

Noon pa man ay pangarap ko na ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Hindi ko hahayaan na matulad sa akin ang magiging anak ko. 

Pero hindi ko maaring ipaalam sa kanya ang sitwasyon ko. 

Iba si Dad. Kayang kaya nyang manipulahin ang lahat. Baka kung ano ang gawin nya kay Sebastian.  

Kahit ganoon say hindi ko parin kaya na makita syang nasisira dahil sa akin. 

Gagawin ko ito para sa anak ko.

"Dad please. Iurong nyo na ang kasal. 

Hindi ko kayang pakasalan si Brandon—"

"Go home, Selene. Maaga tayong aalis bukas."

Maiiyak na ako. 

Ayokong ikasal! Ayaw kong matali sa taong hindi ko mahal. 

Ansakit sakit sa puso yung pilitin ka sa bagay na hindi mo naman gusto. 

"Hindi ako magpapakasal! 

Nasa legal age na ako, Dad. May sarili na akong desisyon!—

Natigil ako sa pagsalita ng harapin nya ako. Gaya ng dati. Hindi ko parin magawang harapin sya ng taas noo. Nanliliit parin ako. Nakakatakot kase ang presensya nya.

''Kung ganon ay nais mong matulad sa iyong Ina?—Selene, ang lahat ay nakahanda na. Kung ibig mo pang dalhin ang pangalan ng pamilyang ito. Mas mabuting sumunod ka sa akin!"

"Oh! Why don't you give me some possible reason para gawin ko ang gusto mo.

Are you comitted to someone?"

Hindi ako nakasagot. Naiyukom ko lang ang maliit kong kamao.

"Tss. Your'e just wasting my time, Selene."

Ilang segundo akong natahimik. Gusto ko syang sigawan. Gusto ko syang sumbatan. Pero lahat ng naiisip ko hindi ko magawang maisatinig.

"Makakaalis kana." Tila sa kanya ay wala lang ang nangyayari. 

Samantalang ako parang sasabog na sa galit. 

Wala akong nagawa. Mabigat ang dibdib ko ng lisanin ko ang opisina ni Dad.

Napahawak ako sa maliit kong tiyan. Nastressed na ako. Kung papayag akong ikasal. Sigurado akong magwawala si Sebastian. Malaking gulo iyon. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ang sigurado lang ako sa ngayon ay ang batang nasa sinapupunan ko. 

Wag kang magalala anak. Magulo lang ito sa ngayon pero gagawa ng paraan si Mama para mabigyan ka ng buong pamilya. 

Pait akong ngumiti saka pinunas ang luha ko. Inayos ko ang sarili ng makalabas ako ng Building.

Napatigil ako ng may matipunong lalaki ang nakatayo sa labas. 

Dala nya ang sasakyan nya, gaya ng dati. Seryoso ang muka nyang nakatingin sa akin.

"Sebastian."

"Hop in." May awtoridad nyang sabi.

Sinunod ko sya. Waka akong lakas para makipag away ngayon. Pinagbuksan nya ako saka naman sya umikot para makasakay narin. 

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

"Abala ako, Sebastian. 

Hindi lahat ng oras ay masasagot ko ang mga tawag mo."

"Bakit ka narito?"

"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong nyan? Bakit mo ba ako pinepeste? Wala ka bang date ngayon?'' Pagtataray ko.

"Wala. 

Sa susunod lahat ng gagawin mo ipaalam mo na sa akin."

"At bakit?"

"Selene, hindi lang ikaw ang pinahahalagahan ko. May isa pang buhay ang nasayo. Can you please stop being stubborn?" 

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sebastian. 

Bakit mo ba ito hinayaang mangyari? Alam mong lasing na lasing ako ng gabing yon at ikaw ang matino. Bakit mo ito hinayaang mangyari?" 

"Dahil ito ang gusto ko." Walang pag aalinlangan nyang sagot.

"Kilala mo naman si Dad right? 

At alam mo rin kung gaano sya katuso. Paano kung magsampa sya ng kaso laban sayo? Paano kung—

Natigil ako ng hawakan nya ang kamay ko na nakapahinga sa hita ko.

"Relax, stop overthinking. Baka makasama iyan sa anak ko. 

Ipangako mo lang sa akin na hindi ka magpapakasal sa kapatid ko. Kaya kong gawin lahat. Basta pagtapos ng lahat ng ito, dalawa kayo ng anak ko ang sasalubong sa akin. Kaya kong tiisin lahat, Selene.

Ako lang ang piliin mo."

Napapikit ako sa sobrang frustration. Sinandal ko ang ulo ko sa kinauupuan ko. 

"Sebastian ano ba ang sinasabi mo." 

Ramdam ko ang malambing nyang halik sa palad ko. 

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon