Chapter 15

2.6K 56 1
                                    

"Sige na ho, Manang ako na ang bahala rito. 

Tulog naba si Lei?"

"Kanina pa hijo. 

Osya tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka. Sa baba lang ako." 

Nang makalabas si Manang ay naupo si Brandon sa gilid ng kama ni Selene. May basang towel na nakalagay sa noo ng kanyang asawa. 

Nadatnan nya kase itong walang malay sa labas ng school. Mabuti at naroon ang gwardya. 

Kinuha nya ang palad ni Selene, saka nya ito pinagsiklop. Hinaplos nya ang wedding ring na nasa daliri nito. "I love you so much, wife.''

Bulong nya. 

Mahimbing ang tulog ni Selene. Sa dami ng mga ginawa nya nitong mga nakaraang araw ay hindi malabong tamaan sya ng lagnat. Isama mo pa iyong pagod na pagod ka tapos mauulanan.

Ito rin siguro ang dahilan ng pagkawala nya ng malay.

Kinuha ni Brandon ang kamay ng asawa nya at dinala nya ito sa pisngi nya. Malambing nya itong hinalikan. 

"I'm sorry.." Bulong nya. Kinailangan ang presensya nya sa naganap na pagpupulong sa kanilang opisina. Kaya't kahit gustuhin nya mang umuwi ay hindi nya nagawa.

Natigil sa pasiisip si Brandon ng gumalaw si Selene. Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang palad habang mariing pumikit. "S–Sebastian..Sebastian please..p–please don't leave.." Nakapikit na wika nito. Nanaginip siguro.

Pait na napangisi si Brandon. Pinilig nya ang ulo nya. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nya saka nya kinuha ang bimpo sa noo ni Selene. Binasa nya yon at piniga. 

Masakit sa kanya na sa pag daan ng taon ay si Sebastian parin ang bukang bibig ng kanyang asawa.

"Brandon.." natigil sya ng magsalita ang si Selene.

"Hmm?" 

"S–Si Sebastian, nakita ko sya..andito sya, Brandon." 

"Magpahinga ka muna. 

mataas ang lagnat mo. Bakit kaba kase nagpaulan. Hindi ba't naglagay ako ng payong sa bag mo?"

SELENE'S POV 

"Brandon, maniwala ka. 

Kitang kita ko sya." Naiiyak nanaman ako. Hindi ko na alam ang nangayari pagtapos ko syang makita. Naramdaman ko nalang kagabi na nakasakay ako sa kotse ni Brandon. 

Tiningnan ko siya. At kita ang mahigpit nyang pagkuyom sa kamao nya. Nakatiim bagang sya at alam kong hindi sya okay. 

"Brandon, please maniwala ka sa akin."

"Tama na, Selene. 

Ako yung araw araw mong nakakasama. Ako yung araw araw mong nakikita. Ako yung andito sa tabi mo. Pero bakit kahit kailan, kahit anong gawin ko. Bakit parang wala lang sayo lahat yon." Tumayo sya at nilapag ang bimpo sa mini table sa may ulunan ko. 

Natahimik ako sa sinabi nya. Yung nararamdaman kong sakit. Dumoble dahil sa sinabi nya. Dumoble dahil nakikita kong nasasaktan ko sya.

"Alam mo ba...mahal na mahal kita. Pero, Selene. Ansakit na e.

Masakit na Selene.." Basag ang boses na wika nya saka sya lumabas ng kwarto.

Sa naranig ko ay hindi ko napigilan ang maiyak.

Am i too unfair to him?

Nasasaktan ko na si Brandon.

He don't deserve to be treated like this. 

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon