Chapter 10

2.9K 52 0
                                    

Napapikit nalang ako ng maramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

Ang pakiramdam na ito ay pamilyar sa akin.

Kirot sa dibdib ang naramdaman ko ng maalala ang kaisa isang taong gumagawa sa akin nito.

"Sebastian.."

Wala sa sariling bulong ko.

Dahilan para unti unti akong bitiwan ni Brandon.

Saka ko lang napagtanto ang nasabi ko. 

Napaatras sya sa akin, nakaangat ang gilid ng labi nya. Kita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata. 

''B–Brandon...i'm sorry.

Hindi ko sinasadya."

"Sebastian parin.."

Lalapitan ko sana sya pero pinigilan nya ako. 

Nasaktan ko nanaman sya.

"Brandon.."

Bigo nya akong tinalikuran. Mabilis syang naglalad palabas, hinablot nya pa ang suit nya na nakalapag na sa sofa. Dire diretso ang lakad nya palabas ng pinto.

Hinabol ko sya. 

Ang makita syang ganito ay mahirap rin sa akin. Sa loob ng ilang taon naming magkasama rito, wala syang ibang ipinakitang iba kundi ang pagmamahal nya sa amin ni Lucas. 

Hindi ko man matumbasan ang pagmamahal na ibinibigay nya sa amin ng anak ko. Alam kong deserve nya ang kapatawaran ko. Siguro ito na yung tamang panahon para mapatawad ko sya.

Alam kong..kahit masakit. Pipilitin kong ibalik sa normal ang lahat. 

Normal tulad noong nasa tabi ko pa si Sebastian.

Hindi ko na kase alam kung saan ako lulugar. 

Nang makapasok sya sa sasakyan nya ay agad nyang inistart ang sasakyan nya. Kinalampag ko ang bintana ng kotse nya pero mukang wala syang balak na pagbuksan ako.

He's in pain right now. Nararamdaman ko yon. 

Nang paandarin nya ang sasakyan ay mabilis akong tumakbo sa harap ng kotse nya. 

Sa takot nyang masagasaan ako ay mabilis nya iyong tinigil. Napapikit pa ako dahil akala ko di aabot ang pagpreno nya. 

Akala mo masasagasaan nya ako. 

Pagmulat ko ay nasa harap ko na si Brandon. Ang kaninang galit at lungkot na nakikita ko sa mata nya ay napalitan ng matinding pagaalala ngayon.

Alam ko namang hindi nya ako matitiis.

"Ano ba ang ginagawa mo huh? Are you trying to kill yourself?" Galit nyang sabi.

"Aalis ka kung hindi ko yon gagawin.." Hinawakan ko sya sa maskulado nyang braso. 

"Sorry na." 

Bumaba ang tingin nya sa kamay kong nakakapit sa kanya. Saka nya ako tiningnan.  

Sarkastiko syang ngumisi sakin saka nagiwas ng tingin. 

"Ayaw mo akong umalis. Pero pag nasa tabi mo ako, ibang tao ang hinahanap mo.

Ano ba talaga Selene?" Frustrated syang sumandal sa kotse nya. Napahilamos sya sa kanyang muka. 

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatungo.

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon