Chapter 6-7

3.6K 65 3
                                    

"I, Ana Selene Alcantara, take you, James Brandon Madrigal, as my lawfully husband. For better and for worst. Till death do us part."

"I, James Brandon Madrigal, take you Ana Selene Alcantara, as my loving wife. for sicknes and health, for richer and poorer. For better for worst..till death do us part."

"Congratulations for our new wedded couple! Mr. and Mrs. Madrigal!" Maligayang anunsyo ng judge.

Nilibot ko ang tingin sa mga panauhin. 

Malaki ang harapan ng mansyong ito, sa dami ng bisitang narito ay halos mapuno ang buong garden. 

Hindi ko naman mga kilala ang mga narito. 

Kita ko sa mata ng mga bisita ang kaligayahan. Masaya sila para sa ginaganap na kasalan. 

Nilingon ko ang katabi ko. Matikas syang nakatayo habang malawak ang ngiti. Hawak nya ang baywang ko. Ang ngiti nya ay nakapagpapaalala sa akin sa kanya. 

Ngayon ay kasal namin ni Brandon. Para matahimik na si Dad.

Ilang araw buwan at taon na ang lumipas ay wala ni anino ni Sebastian ang sumusulpot sa harap ko. Halos mamatay ako sa lungkot ng unang araw na mabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Hindi nya kinaya ang operasyon sa kanyang dibdib. Masyado daw maraming nawalang dugo sa kanya bago pa sya isugod sa ospital. Kaya't ng lumipas ang ilang oras ay agad rin daw itong nawalan ng buhay.

Pero kahit ganon ang madalas na nariirinig ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi parin ako nawawalan ng pag asang makikita ko pa si Sebastian. Pinanghahawakan ko ang pangako nya.

Na babalikan nya kami ni Lucas.

Ilang beses akong naospital noon dahil madalas ay nawawalan ako ng malay. Nagsuffer ako ng depresyon at matinding pagkalungkot. Pakiramdam ko nawalan narin ng buhay ang puso ko. Pakiramdam ko namatay narin ako simula ng mawala si Sebastian. Mabuti at mahigpit ang yakap ng anak ko. Baka kung pati sya nawala sa akin ay hindi ko na kayanin.

Simula ng mapunta ako dito sa Cagayan ay nawalan na ako ng balita sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako pinapayagang lumuwas ng maynila ni Daddy. Daig ko pa ang preso. 

Kaya kahit gaano ko kagustong makita kahit ang kahuli hulihang paghatid kay Sebastian ay  hindi ko nagawa. 

Nang dumating si Lucas ay doon lang ako nagkaroon ng pagasang lumaban ulit. Kahit pakiramdam ko ikakamatay ko ang pangungulila kay Sebastian. Mas pinili ko paring maging matatag para sa Anak namin. 

Ganito pala yung pakiramdam kapag nawalan. Noon hindi ko pinapansin ang presensya nya. Pero ngayon.. kung kailan sya nawala. Saka ko naman sya hinahanap hanap. Saka ko lang napagtanto kung gaano sya kahalaga sa buhay ko.

Mahal ko pala sya.

Mahal na mahal ko pala si Sebastian. 

Ansakit. 

Dahil hindi ko manlang nasabi sa kanya ito. Ni hindi ko naipakita sa kanya kung gaano sya kahalaga sa buhay ko. 

Pinunas ko ang tumulong luha sa pisngi ko. 

"Teacher, why are you crying?

are you sad?" Napangiti ako ng tanungin ako ng estudyante ko.

Nagtuturo ako dito sa nursery. Isa ito sa mga naging daan para malibang ko ang sarili ko. Madalas ay sinasama ko rito ang anak ko. 

Hinaplos ko ang kulot na buhok ng batang si Megan. "Hindi sad si teacher. Tears of joy ito dahil nakikita kong masaya kayo."

"Hmm pag sad si teacher, sad rin Megan."

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon