"H–Hindi na ako makapagintay..gustong gusto ko na syang mayakap." Humahagulhol na wika ni Garet.
Nakasakay sya sa passenger seat. Si Troy naman ay nagdadrive. Kumukunot ang noo nyang tinitingnan si Garet.
"Ilang taon rin yon!
Ilang taon ko syang hindi nakasama at nakita–Sana..sana hindi sya nakahanap ng bagong bestfriend! Waaaah! Miss na miss ko na ang Ate mo, Troy!
Gustong gusto ko na syang mayakap!" umiiyak nyang wika. saka nya inuga uga ang balikat ni Troy.
Irita syang tiningnan ng binata saka sinamaan sya nito ng tingin.
"Can you just fucking sleep?
Your voice is killing me, seriously!
Jeeeze! Give me peace."
"Peace? Anong peace ang sinasabi mo? Nakakapunta ka nga sa maiingay na lugar di'ba? Yung malalakas ang tugtugan! Tapos sasabihin mong bigyan kita ng peace? Sa tingin mo ba may peace sa inuman? Asan ang peace doon? Yun bang may iba't iba kang makikilalang sexy whore huh—"
Dahil sa sunod sunod na salita ni Garet ay hindi na napigilan ni Troy ang mapasigaw.
"SHUUUUT UUUUUP! MARGARET!" Bigla nyang naipreno ang sasakyan. Mabuti nalang naseatbelt si Garet.
"What the?!"
"Kapag dika pa tumahimik kakagatin ko yang labi mo."
"Ha Ha! Funny Troy! Very funny!" Sarkastikong humalakhak kunwari si Garet.
Lumapit si Troy sa dalaga. Hindi yon inaasahan ni Garet kaya't nanlaki anh mata nya. ''Gusto mo ng sample?"
"Ano ba! Lumayo ka nga!
Eto na tatahimik na." Nagpout si Garet kaya napapailing nalang na muling nagdrive si Troy.
"Nga pala, alam ba ni Tito ang pagpunta natin dito?" seryoso ng wika ni Garet.
"Hindi."
"Alam nya rin ba ang tungkol kay Sebastian? Tsaka paano sya magpapakita kay Selene? Hindi ba't ang alam nya ay wala na sya?"
"Magagawan ni Sebastian ng paraan ang lahat. Wag lang magkakamaling sumingit ulit abg matandang iyon. Dahil makikita nya talaga.."
****
"Brandon, hindi mo naman ako kailangan ihatid sundo."
"Your'e my wife, and that's enough reason." seryoso lang na nagmamaneho si Brandon.
"Malelate kana sa meeting mo." Paano ba naman tanghali na ako nagising! Hindi naman ako ginising ng isang to. Nakakainis! "Sana kasi ginising mo manlang ako."
''Mukang pagod na pagod ka, ano ba ang ginawa mo kahapon?"
"Marami, kaya siguro napagod rin ako."
"Selene, can we go somewhere else?" napatingin ako sa kanya.
"Huh?"
"Kahit saglit lang, i just want you alone."
"Brandon, ano bang sinasabi mo?"
"Please.." Bigla akong nagtaka sa ikinilos nya.
Pero dahil mukang seryoso sya ay pinagbigyan ko.
Naiwan ang mata ko sa school ng lampasan namin ito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa gilid ng dalampasigan.
Wow!
Naunang bumaba si Brandon, saka nya ako pinagbuksan.
Seryoso parin ang muka nya.
BINABASA MO ANG
MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)
RomanceSelene Marie Alcantara Warning: Masyado pong maraming wrong grammar. Hindi ko na po i-edit ito, hehe. :)