Chapter5

3.7K 75 4
                                    

Ilang minuto ang tumagal ay hindi umalis si Sebastian sa tabi ko. Hindi ko alam kung nakaidlip ba ako.

Pero nagising ako ng may ingay akong narinig.

"Dad? Anong ibig sabihin nito?" Narinig ko ang boses ni Troy.

"Mr.Madrigal inaaresto ka namin sa salang rape. Sa anak ni Don Apollo Alcantara." 

Nang marinig ko yon ay agad akong napamulat. 

Andaming tao sa silid ko. May tatlong pulis. Si Daddy at ang dalawa nyang bodyguard. Si Brandon na nakatayo sa may pintuan. Si Troy na nasa may paanan ko at si Sebastian na nasa tabi ko. 

Dahan dahan akong naupo. Napatingin sa akin si Sebastian. "Sorry nagising ka. Magpahinga ka ulit." Pagsabi nya noon ay saka nya nilingon ang mga pulis. "Sa labas na tayo magusap."

Seryosong nakatitig lang si Daddy kay Sebastian. Ako ang kinakabahan para sa kanya. Si Brandon naman ay umiiling lang. 

Nang tingnan ni Dad ang mga bodyguard nya ay saka lang sila gumalaw. Nauna silang lumabas ng silid kasama ang nga pulis. Si Troy ay lumabas narin. 

Hinawakan ko ang kamay ni Sebastian.

"A–Anong nangyayari? Bakit may pulis?" Nag aalala kong tanong.

"Huwag mo na silang intindihin. Ako na ang bahala sa kanila. Matulog ka ulit, hmm?" Malambing nyang sagot sakin.

"Please, stay."

"I will, Selene. Kakausapin ko lang sila." Sa sinabi nyang yon ay napanatag ako. Maayos akong nahiga hanggang sa maramdaman ko ang mainit na labi nya sa noo ko. "I love you Selene."

Napangiti ako ng banggitin nya ang katagang yon. 

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito kalambot ang puso ni Sebastian sa akin. Napakaswerte ko naman kung totoong mahal nya ako.

Napangiti ako sa pagiisip noon—

**BAAAAAAANGGG!!**

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng putok ng baril. 

Nanakbo ako palabas ng kwarto ko pababa sa sala. 

At doon—Halos manghina ako sa nakita ko. Nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. 

"S—SEBASTIAN!!"

Mabilis kong nilamon ang agwat na namamagitan sa amin ng lalaking nakahandusay sa sahig. Halos maligo na sa dugo si Sebastian. 

Sa paligid nya ay si Daddy kasama ang mga bodyguard nyang halos duguan narin. Siguro ay dahil yon sa mga suntok ni Sebastian. Si Brandon ay hawak si Troy.

Nanginginig ang katawan kong niyakap ang ulo ni Sebastian. Duguan na sya pero ng makita nya ako ay nakuha nya pang ngumiti sa akin.

"S–Selene? B–Bakit ka bumaba? 

H–Hindi ba't sinabi ko sayong matulog ka muna.." Nahihirapan nyang sabi.

May tama sya ng baril sa dibdib nya. Ang ulo nya halos mapuno na ng dugo.

"NO–DAD! Anong ginawa mo?! ANONG GINAWA NYO SA KANYA HUH?!!

WALANG HIYA KAYO!—MGA HAYOOOP!!'' Humagulhol ako habang yakap sya.

"Leave that shit alone, Selene! 

Kung ayawa mong pati ikaw ay madamay dito!"

"NO!—" Natigil ako ng hawaka ni Sebastian ang kamay ko.

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon