SELENE'S POV
Pagkatapos ng gabing makausap ko si Brandon ay hindi na ako pinayagang lumabas ng hospital. Mahigpit iyong bilin ng doctor. Nagbigay narin ng pang unang lunas sa akin.
Ilang linggo na akong nananatili dito sa loob ng puting silid na ito. Dito rin tumutuloy ang anak ko kapag galing sya sa paaralan. Kasama nya si Sebastian.
Hanggang ngayon hindi ko parin magawang maging masaya. Kahit anong gawin at sabihin ko. Talagang wala na si Brandon sa akin.
Mas lalo ko tuloy nararamdaman ang panghihina ko. Madalas ay wala akong ganang kumain.. Madalas ay bigla nalang tutulo ang luha ko ng hindi ko namalayan.
Sobrang sakit. Physically and emotionally sobrang sakit. Na tuwing gigising ako sa umaga iniisip ko na panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana wala akong sakit. Na sana maayos kami ni Brandon. Na sana mahal nya ulit ako.
Pero wala eh, reyalidad ito na kailangan kong harapin.
"Stop overthingking. Makakasama iyan sa kalagayan mo." Wika ng lalaki sa gilid ko.
Pagod ang mga mata kong tiningnan si Sebastian. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot, takot at pagmamahal.
Tinitigan ko ang maaliwalas nyang muka. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon andito parin ang isang ito sa harap ko. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin, narito parin sya. Na kahit natuon ang buo kong pagmamahal sa kapatid nya at nagdusa sya ng dahil sa amin. Andito parin sya.
At hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Paano ko nagawang saktan ang ganitong lalaki? Kung tutuosin ay napakaswerte ko dahil ako minahal ni Sebastian.
Pero tama nga, Na kapag tinamaan ka ng pag ibig. Hindi mo na maiisip ang tama sa mali.
Masakit dahil hindi ko na magawang ibalok yung pagmamahal ko para sa kanya. Dahil kung kaya ko, edi sana hindi ganito kagulo ang lahat.
Tumulo ang luha ko ng haplusin nya ang pisngi ko. "Magpagaling ka okay?"
"Thank you, Sebastian." Basag ang boses na sabi ko. "Thank you sa lahat. Sa pagmamahal mo. Sa pagpapatawad mo, thank you dahil hanggang ngayon mahal mo parin ako. Thank you dahil binigay mo sa akin si Lucas..—And sorry..sorry for every pain you'd suffer because of me. Sana dumating yung panahon na mawala na ang lahat ng sakit na naidulot ko sayo.—Sa inyo ni Brandon.''
"Selene what are you saying?
Ikaw ang dahilan kung bakit ako narito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagmamahal. Kaya please lang, huwag mo ng sabihin yan. Hindi importante kung sino ang pipiliin mo.—Ang gusto ko lang ngayon maging maayos kana. Maging masaya ka. Magpagaling ka para sa mga taong umaasa sayo. Para kay Lucas.''
Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko.
"Selene, malapit na ang operasyon mo. Bakit hindi natin ito ipaalam kay Theodore.
At kay–kay Brandon. Sigurado akong magbabago ang isip nya sakaling malaman nya ang kundisyon mo." Mabilis akong umiling sa ideya nya.
Tama na.
Pagod na akong makitang masatan ang mga tao sa paligid ko.
"No. It doesn't matter anymore.
It doesn't matter what i do or what i choose. A–Ako Sebastain. Ako ang may mali. And there's nothing i can do about it.
If i'm not hurting myself, I'm hurting everyone around me.
There's nothing i can do about it. H–Hindi ko na alam!— Sobrang sakit na!" Sigaw ko habang pilit na sinasabunutan ang sarili.
BINABASA MO ANG
MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)
RomanceSelene Marie Alcantara Warning: Masyado pong maraming wrong grammar. Hindi ko na po i-edit ito, hehe. :)