"Iyan lang ba ang gusto mong kainin?"
Dito ako dinala si Sebastian sa restaurant. Sakto at kumakalam narin ang tiyan ko.
"Gusto ko ng salad.
Saka eto, Steak at lasagna."
"Ano pa?"
"Hmm eto, yung grill belly."
"Okay. Walang garlic at inion miss. Thanks."
Uh yeah. Nakalimutan kong sabihin. Allergy ako sa garlic at onions.
Mabuti at naalala nyang sabihin yon.
"Kumain ka palagi ng marami, Selene."
Maya maya ay dumating rin kaagad ang inorder namin.
Jusko naglalaway na agad ako.
"Oh my god, Sebastian! This is great!"
Sa buong buwan na puro stressed. Parang ngayon lang ako nakahinga ng ganito. Feeling sobrang saya ko ngayon.
OMG. Ganito ba pag buntis? Feeling ko maiiyak ako sa saya.
Tiningnan ko si Sebastian. Matamis lang syang nakangiti sa akin. Nakalabas ang malalim nyang dimple.
"Happy?" Tanong nya.
Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
"Uhh! Busog na busog ako!
Ansarap pala ng pagkain dito. Siguro ilang babae na ang dinala mo rito ano?"
"Tumigil ka nga, Selene."
Natawa ako. Napatingin ako sa wrist watch ko.
Omayghod! 10:00 pm na. Lagot ako kay Dad!
"Sebastian hindi mo ako pwedeng ihatid sa bahay. Ibaba mo na ako rito."
Hindi nya ako pinansin. Nagpatuloy lang sya sa pag drive.
Tumunog ang cellphone nya. Tiningnan nya iyon saka may tinype sya.
"Hoy ibaba mo na ako dito. Hindi ka pwedeng makita ni Dad."
''Selene.."
"Oh?"
"Kahit anong mangyari, gusto kong mangako ka. Hinding hindi mo pababayaan ang anak natin."
Biglang nagseryoso ang boses nya. Kita ko ang mariing pag igting ng panga nya.
Taka man ay nagawa kong mangako sa kanya. Kahit di nya naman yon hilingin. Gagawin ko naman yon.
Nakapagtataka lang at nagiba nanaman ang ekspresyon nya.
Maya maya ay tumigil ang sasakyan. Ilang blocks ang layo mula sa bahay namin.
Sa di kalayuan ay natanaw ko ang kapatid ko. Tamad syang nakatayo habang naglalaro sa psp nya. Nakasuot sya ng malaking headphone.
Taka akong napatingin kay Sebastian.
Anong ginawa nya at napapayag nya ang kapatid ko. Hindi kase ito basta basta nakakausap si Troy. Madalas ay nagkukulong lang yan sa kwarto nya para maglaro ng online games. Hindi sya basta basta nauutusan ng kahit sino. Wala rin yang pakielam sa akin.
"Anong offer ang binigay mo jan kay Troy at napapayag mong makipagkasundo sayo?" Natatawa kong tanong.
Hindi nya ako sinagot.
BINABASA MO ANG
MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)
RomanceSelene Marie Alcantara Warning: Masyado pong maraming wrong grammar. Hindi ko na po i-edit ito, hehe. :)