Chapter16

2.4K 44 2
                                    

"I miss you so much.

Your'e still my queen, Selene..'' 

Bumuhos ang luha ko. 

Halo halong pakiramdam ang nasa dibdib ko. Magulo ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. 

Hindi ko magawang magsalita. Dire diretso lang sa pagtulo ang luha ko. Tila isa ito ngayong sirang gripo, sa tinagal ay ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganito.

Mariin akong pumikit, kinalas ko ang kamay ni Sebastian na nakayakap sa amin ni Lucas. Hindi ko sya magawang harapin.

"E–Excuse me.." Iyan lang ang lumabas sa labi ko. Mabilis akong naglakad palabas ng restaurant ng hindi sya nililingon. 

"Selene.."

Hindi ko pa sya kayang harapin ngayon. Sobra ito para sa akin, hindi ko ito inaasahan.

This is just too much for now.  

Mabuti at hinatid kami ni mang Eduardo. Dahil magulo ang isip ko ngayon, hindi ako makakapag concentrate. Baka kung anong mangyari samin ni Lei.

"Mooma..Dadda..Dadda.." Tiningnan ako ni Lei. 

Ang inosente nyang mga mata ay nangungusap sa akin. "Mooma."

Pait akong napangiti ng yakapin nya ako. "Dadda.."

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Kita kong nakatingin sa akin si Eduardo sa side mirror. 

Pinunas ko ang luha ko. "Uh, ayos lang ako." Tumango sya at muling tinuon sa kalsada ang tingin. "Eduardo, huwag mo ng banggitin kay Brandon ito."

"Makakaasa ho' kayo Ma'am ."

Nakatulala ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. 

Andito ako ngayon sa balkonahe sa kwarto ko. May hawak akong

wine habang inaalala ang mga nangyari ilang taon ang nakalipas.

Sebastian got me pregnant but i ended up being married with his brother. How did that happened right?

Naalala ko noong high school ako never akong nagkaboyfriend. Kahit manliligaw ay wala ako. Minsan naisip ko, ganoon ba ako kapangit dahil walang nagkakagusto sa akin? 

Pero ngayon, kung iispin ko at pagtatagpi tagpiin lahat ay alam ko na ang dahilan.

It was all because of him, Sebastian. He always get in the way tuwing may magtatangka sa akin. Minsan ay may nabubully pa dahil sa kanya. Kahit college sya non at high school ako ay hindi parin sya nawawalan ng mata sa akin. Ngayon ko lang naisip lahat. 

Noong malaman nya ang pagiging engaged ko kay Brandon ay saka lang sya kumilos. Kumilos sya sa isang desperado at maling paraan. Nagawa namin ang bagay na hindi dapat namin ginawa. Pero wala, pareho namin iyong gusto..ginawa ko iyon dahil mahal ko sya. Ginawa ko yon dahil hindi ko rin kayang matali sa taong hindi ko mahal.

Pero yung akala naming magtatama sa mga mali. Iyon pa pala yung magiging dahilan para mas maging magulo ang lahat. 

I got pregnant at pumagitna sa amin si Daddy. Tandang tanda ko pa noon kung paanong maghabol ng hininga si Sebastian habang nakatingin sa akin. Nangungusap ang mata nya na huwag ko syang sukuan. Na huwag akong pumayag na pakasal sa kapatid nya. Na huwag akong bumitaw sa amin.

Pero eto, eto ako ngayon. I'm married with his brother, with Brandon Madrigal. Kay Brandon na kahit kailan ay hindi ko inaasahang darating sa buhay ko. Kay Brandon na hindi ko aakalaing makakasama ko ngayon. 

MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon