"Who are you?"
"Uhm, dito po ako pinapunta ni Sir. Alcantara. Ang sabi nya ay dito ko daw gagawin ang magiging trabaho ko."
Tumango tango ang mukang istriktong si Sebastian. "Should i trust you?"
"P–Po?
Opo! Mapagkakatiwalaan po ako. Kahit ano pa iyan! "
"Wag kang magkakamaling gumawa ng bagay na hindi ko gugustuhin. Kaya kitang hanapin kahit saan kapa magtago." Buong boses na sabi nya. Bagay na ikinatakot ng babaeng kausap nya.
"Nakakakilabot naman kayo, Sir—Boss po pala."
"Makakaalis kana. Tatawagin nalang kita pag kapag kailangan kita. But your salary is still same and Make sure your'e always on call."
"Ahm..eh wala ho' akong cellphone."
"Tsk!" Iritang bumuntong hininga si Sebastian. Binuksan ang drawer sa mesa nya. May kinuha syang kahon doon saka nya hinagis sa babae.
Mabuti nalang at nasalo nya ito. "That's your bussiness phone. Get out."
"Thank you, Boss!"
Paglabas ng babae ay kinuha ni Sebastian ang cellphone nya. Iniscan nya ang contacts nya para hanapin ang pangalan ng kapatid nya. Ng mahanap nya ay agad nya iyong tinawagan.
"Yes?"
''Are you busy? Where are you?"
"Not really.
Narito ako kay Dad."
"Magkita tayo mamaya."
"Huh? For what? Why don't you just go here?"
"We have to talk.
And please don't bring your girlfriend."
"Girlfriend who?"
"Whatever just don't be late. Later at 7pm at Olives restaurant." May sasabihin pa sana si Brandon pero agad nyang pinatay ang tawag.
Frustrated syang napasandal sa swevil chair. Mariin syang pumikit saka hinilot nya ang kanyang sentido.
Kapag naiisip nya ang kalagayan ni Selene ay nabablanko ang utak nya. Nakiusap ito sa kanya na ilihim ang kalagayan nya. Ang bagay na ito ay hindi madali sa kanya. Lalo na dahil batid nya kung gaano ito kamahal ng kapatid nya. Hanggang ngayon ay naniniwala parin sya na si Brandon parin ito. Na ang Brandon noon ay walang pinagkaiba sa ngayon.
Nabalot lang ng galit at sakit ang puso nito, dahil sa sobrang pagmamahal kay Selene. Siguro hanggang ngayon ay hindi parin nito matanggap ang kinahantungan ng pagmamahal nito kay Selene. Na kahit tatlong taon nyang pinakita rito kung gaano nya ito kamahal. Wala paring nangyari. Balewala parin sya at sa huli ay nasaktan parin sya.
Masakit ang bagay na ito kay Sebastian. Pero alam nyang wala na syang magagawa. Kung ilalaban nya ito ay pare pareho silang masasaktan. Lalo na si Selene.
Siguro it's time for him to let go. Sapat na sakanya si Lucas. Sapat na sakanya ang makitang masaya ang kaisa isang babaeng minahal nya. Kahit na hindi man sya ang rason ng kaligayahan nito.
"Boss, mag bakasyon ako this week okay lang ba?" Natigil sya sa pagiisip ng biglang pumasok si Nicky.
"For what?"
"My Ahma just arrived yesterday.
Babalik rin sya sa US next week. So kung pwede Boss? Mag leave muna ako. Tutal naman ay may bago kang sekretarya."
BINABASA MO ANG
MISTAKEN HUSBAND (ONE AND TWO)
RomanceSelene Marie Alcantara Warning: Masyado pong maraming wrong grammar. Hindi ko na po i-edit ito, hehe. :)