Scene 11

8.9K 22 1
                                    

*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Maria Clara(Mika)
*Padre Salvi(Earl)

-------------------------------------------

Don Crisostomo Ibarra:
"Nais ko sanang mamasyal tayo bukas."

Maria Clara:
"Sige"

Don Crisostomo Ibarra:
"Kung gayon, ipapahanda ko na ang lahat bago magbukang-liwayway."

Maria Clara:
"Ayokong makasama ang kura."

Don Crisostomo Ibarra:
"Bakit naman?"

Maria Clara:
"Pakiwari ko'y binabantayan niya ang lahat ng kilos ko.

Don Crisostomo Ibarra:
"Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo at isa pa ay nandito na siya.

*Naglalakad si Padre Salvi papalapit kina Don Crisostomo Ibarra at Maria Clara*

Padre Salvi:
(hindi tinitinganan sina Don Crisostomo Ibarra at Maria Clara)
"Malamig ang hangin dito sa labas baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot magkasakit o magkasipon?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Magandang gabi Padre, napakasarap lumanghap ng hangin.Nga pala Padre, mayroon kaming kasiyahang inihanda sa bukid maaari po ba kayong dumalo?"

Padre Salvi:
"Saan ito magaganap?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Sa may batis po sa gubat, malapit sa puno ng Balite"

Padre Salvi:
"Upang patunayan na wala akong sama ng loob sa inyo dahil sa nangyari, malugod kong tinatanggap ang inyong paanyaya."

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now