Scene 21

7.5K 21 2
                                        

*Tiya Isabel(Dara)
*Maria Clara(Mika)
*Kapitan Tiago(Dem)
*Andeng(Lou)

-------------------------------------------

Kapitan Tiago:
"Isabel bantayan mo muna si Maria at ako ay pupunta muna sa kumbento"

*Umalis na si Kapitan Tiago*

*Pinapatahan nina Andeng at Tiya Isabel si Maria Clara*

Tiya Isabel:
"Huwag ka nang mag-alala Maria madaling mapapatawad si Crisostomo  sapagkat nawalan lamang ng malay si Padre Damaso at hindi nasugatan."

Andeng:
"Huwag kang mag-alala. Ako ang gagawa ng paraan para magkuta kayo ni Crisostomo."

Tiya Isabel:
"Tumayo ka na diyan Maria! Malulungkot si Crisostomo kung nasa ganiyan kang kalagaya."

Andeng:
"Oo nga Maria!"

*Pumasok si Kapitan Tiago na malungkot*

*Biglang tumayo si Tiya Isabel at nilapitan si Kapitan Tiago*

Tiya Isabel:
"Napano ka?"

Kapitan Tiago:
"Ipinag-uutos  ni Padre Damaso na sirain ang pag-iisang dibdib nina Ibarra at Maria."

Tiya Isabel:
"Edi 'wag mong sundin!"

Kapitan Tiago:
"Ngunit kapag hindi raw ako susunod ay hindi lang ako magiging maksalanan rito sa lupa,pati rin sa kabilang buhay.Pinapili nila ako kung ang kaligayahan nila o ang aking buhay at kaluluwa."

*Umiyak si Maria Clara*

Kapitan Tiago:
"Huwag ka nang mag-alala anak, may ipapakilala sa'yo si Padre Damaso na kaniyang kamag anak mula sa Europa na higit ba bagay sa'yo."

Tiya Isabel:
"Ano bang nangyari sa'yo Santiago?!"

Kapitan Tiago:
"Hindi ko naman ito ginusto, ano ba namang gagawin ko eh binalaan nila akong magiging excomunicado!"

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now