*Alkalde(Jed)
*Alperes(Vynz)
*Kapitan Tiago(Dem)
*Maria Clara(Mika)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
-------------------------------------------
*Nasa hapagkainan ang mga tao at silang lahat nag-uusap*
Alkalde:
"Napapansin niyo rin ba ang pagiging matamlay ng kura sa mga nakaraan araw?"
Alperes:
"Ay oo,napansin ko rin iyon. Tila ba may mali."
Alkalde:
"At noong isang araw ay naririnig ko sa mga magsasaka natin na sila'y naguguluhan kung ano ang kursong kukunin ng kanilang mga anak."
Don Crisostomo Ibarra:
"Kung gayon ay tutulungan ko sa sila sa pag-iisip ng kursong nararapat sa kanilang mga anak!"
*Biglang dumating si Padre Damaso*
Padre Damaso:
"Magandang tanghali sa iyo Kapitan Tiago"
Kapitan Tiago:
"Magandang tanghali rin sayo Padre Damaso!"
Padre Damaso:
"Magandang tanghali sa inyo alperes, alkalde at lalong lalo na sayo Maria Clara"
Alperes, Alkalde at Maria Clara:
"Magandang tanghali rin po sa iyo Padre Damaso."
Padre Damaso:
"Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pinag-uusapan!"
Kapitan Tiago:
"Hindi naman mahalaga ang mga pinag-usapan namin."
Alkalde:
"Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong kanya gaya ng arkitekto at ng reverencia."
Padre Damaso:
"Hahahaha! Balewala sa akin ang arkitekto. Nakakatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo sa mga arkitekto. Nagpapakita lamang ng kamangmangan ang isang Indio."
Alkalde:
"Subalit ang ipinapatayong gusali ni Ginoong Ibarra ay nangangailangan ng isang eksperto."
Padre Damaso:
"Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at bubong na sawali at iyon napakadali lamang gawin! Ang isang Indio na nagkaroon lamang ng kaunting nalalaman at nakapunta lamang ng Europa ay umaasta ng parang isang doktor!"
Alkalde:
"Sandali lamang Padre Damaso."
Padre Damaso:
"Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang ulopong! na namat..."
*Agad na sinuntok ni Ibarra si Padre Damaso.Sinakal niya si Padre Damaso sa sobrang galit.*
Don Crisostomo Ibarra:
"Mabutang tao ang aking ama. Siya ay naglilingkod ng tapat sa bayan.Ang taong ito ay hinamak ang pagkamatay ng aking ama. At ngayon patuloy parin ang kaniyang panghahamak at pag-aalipusta! Kayong mga may kapangyarihan, hindi ba't karapat-dapat na siyang mamatay?"
*Sasaksakin sana ni Don Crisostomo Ibarra si Padre Damaso*
Maria Clara:
"Crisostomo, huwag!"
*Binitawan ni Don Crisostomo Ibarra si Padre Damaso at umalis papalayo*
