*Maria Clara(Ina)
*Ibarra(Kevin)
-------------------------------------------
Maria Clara:
"Crisostomo?"
Ibarra:
"Ako nga!"
Maria Clara:
(Lumapit kay Ibarra)
Ibarra:
"Si Elias ang nagtakas sa akin,
pumunta lamang ako rito para tuparin ang ipinangako ko sa bangkay ng aking ina na paliligayahin kita ngunit hindi ka tumupad sa ating sumpaan.Pinapalaya na kita."
Maria Clara:
"Pinag-aalinlangan mo ang aking katapatan. Hindi kita masisisi. Natuklasan ko sa kalagitnaan ng aking karamdaman ang tunay kong pagkatao. Ang kinilala kong qma ay hindi ko tunay na ama. Hindi ako magpapakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan!"
Ibarra:
"Kailangan mo ng katibayan!"
Maria Clara:
"Totoo ang lahat ng aking sinabi! Ngayon,magagawa mo ba akong libakin?"
Ibarra:
"Maria isa kang anghel!"
Maria Clara:
"Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako."
Ibarra:
"Ikakasal ka na"
Maria Clara:
"Oo, iyon ang aking ganti sa itinuring kong ama kahit hindi naman niya talaga iyon tungkulin. Ngunit hindi ako nakakalimot sa ating sumpaan!"
