Scene 14

10.4K 23 0
                                    

*Pilosopong Tasyo(Rigel)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
------------------------------------------

Pilosopong Tasyo:
"Nariyan pala kayo ginoo!"

Don Crisostomo Ibarra:
"Naabala ko po ata kayo."

Pilosopong Tasyo:
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

Don Crisostomo Ibarra:
"May isasangguni lamang po sana ako sa inyo."

Pilosopong Tasyo:
"Ano iyon?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Nais ko po sanang humingi sa inyo ng payo gaya ng ginagawa ng aking ama noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko po sanang magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na rin ito sa aking kasintahan."

Pilosopong Tasyo:
"Matagal ko ng pangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At iisipin din ng mga tao na baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa pingkakamalang baliw na katulad ko.

Don Crisostomo Ibarra:
"Naniniwala ako na mangyari ang aking plano na walang sagabal."

Pilosopong Tasyo:
"Matutuloy ang inyong plano kung hihingi ka ng tulong sa kura o kapitan. Kung pagkakaitan kayo ng tulong ng mga taong may hawak ng kapangyarihan ay tiyak na mabibigo kayo."

Don Crisostomo Ibarra:
"Totoong makapangyarihan ang kura. Subalit hindi ako lubusang naniniwala sa mga mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at pamahalaang may mabuting hangarin."

Pilosopong Tasyo:
"Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Ang mga mamamayan ay patuloy paring magiging alipin ng pamahalaan hangga't hindi nito pinapapakinggan ang mga hinaing ng mga taong bayan."

Don Crisostomo Ibarra:
"Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag."

Pilosopong Tasyo:
"Ang España ay may malasakit sa Pilipinas. Kung may pagkakamali man sila'y sinisikap nilang itama ang kanilang pagkakamali. Gumagawa sila ng paraan para mapabuti ang bayan na ang mga nanggaling na utos sa itaad ay hindi ipinapatupad pagdating sa ibaba.Ang yumokod o hindi yumokod sa may kapangyarihan, ang kapalit ay kapahamakan."

Don Crisostomo Ibarra:
"Hindi ko ba maaaring mahalin ng sabay ang España at ang aking bayan?Bakit ako yuyukod kung hindi kailangan, bakit ako susuko kung kaya ko namang lumaban?"

Pilosopong Tasyo:
"Sapagkat ang lupaing iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong nagpapahalik sa kanilang mga kamay."

Don Crisostomo Ibarra:
"Nagpapahalik ng kamay? Hindi niyo ba alam na sila ang may kagagawan sa pagkamatay ng aking ama?

Pilosopong Tasyo:
"Ang umiwas sa punglo ay hindi kaduwagan subalit kamangmangan ang sumagupa sa kamatayan. Huwag niyo munang gawin ang inyong plano hangga't hindi pa ninyo lubusang natatanggap ang pagkamatay ng inyong ama."

Don  Crisostomo Ibarra:
"Pagkatapos ng lahat, makakalimutan kaya ng kura ang ginawa kong kalapastanganan?!"

Pilosopong Tasyo:
"Mabigo man kayo. Nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin."

Don Crisostom Ibarra:
"Naniniwala na ako sa inyong sinasabi.Maraming salamat po at ako'y aalis na!"

Pilosopong Tasyo:
"Sige iho, mag-ingat ka!"

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now