Scene 34

4.9K 15 0
                                    

*Kapitan Tiago(Dem)
*Tiya Isabel(Dara)
*Doña Victorina(Regina)
*Don Tiburcio(Yla)
*Linares(Kyle)
*Maria Clara(Mika)
-------------------------------------------

*Nag-uusap sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, Linares, Doña Victorina at Don Tiburcio*

Doña Victorina:
"Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunungkulan sa pamahalaan.Una ko palang ay naniwala na akong isa na siyang Pilibustero!"

Kapitan Tiago:
"Ano pala ang sabi ng Kapitan Heneral sa kalagayan ni Ibarra?"

Don Tiburcio:
"Iminungkahi ng pinsan kong si Linares na siya'y bitayin."

Linares:
"Hindi..."

Don Tiburcio:
"'Wag mo nang ilihim pinsan na ikaw ang tagapayo ng heneral at..."

Maria Clara:
(pumasok)

Doña Victorina:
"Clarita iha! ikaw ang dinadalaw namin dito. Mabuti naman at nakita kita"

Maria Clara:
(humalik sa pisngi ni Doña Victorina)

Doña Victorina:
"Amg iyong ama ay iniligtas ng inyong mga kakilala."

Maria Clara:
"Kinupkop po ng Diyos ang aking ama"

Doña Victorina:
"Marahil nga! Ngunit tapos na ang panahon ng mga himala. Naparito kami para pag-usapan ang hindi natapos na pag-uusap noon"

Maria Clara:
(nanghihina)

Tiya Isabel:
"Maria! Ayos ka lang ba?"

Maria Clara:
"Masama po kasi ang pakiramdam ko."
(umalis)

Doña Victorina:
"Oh siya, Don Santiago! Sang-ayon na ba kayong ipakasal si Linares at si Clarita?"

Kapitan Tiago:
"Aba'y oo naman! Isabel, ipagsabi mong magdaraos tayo ng piyesta!"

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now