Scene 1

58.8K 259 16
                                    

*Padre Damaso(Brien)
*Binatang may Mapulang
buhok(Jeg)
*Padre Sibyla(Jed)
*Tinyente Guevarra(Mherc)
*Ginoong Laruja(Onin)
*Kapitan Tiago(Dem)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Kapitan Tinong(Kyle)
*Utusan 1(Zindy)

------------------------------------------

Padre Damaso:
"Sa loob ng dalawampung taon kong paninirahan sa San Diego kilala ko na ang halos anim na libong taong naninirahan na itinuring kong aking mga anak. Ngunit noong napalitan ako bilang kura,ilang hermano at tersoro lamang ang naghatid sa akin."

Binatang may Mapulang buhok:
"May kinalaman po ba ang inyong sinasabi sa pag-aangkat ng tabako?"

Padre Damaso:
"Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama."

Binatang may Mapulang buhok:
"May katotohanan po ba ang paniniwalang ang mga Pilipino ay mangmang na nagiging sanhi ng mabagal na pag-unlad ng bayan?"

Padre Damaso:
"Tanungin ninyo si Ginoong Laruja kung may higit pa sa kamang-mangan ng mga Indio."

Binatang may Mapulang buhok:
"Ginoo, alalahanin nating tayo'y nasa bahay ng isang Indio."

Padre Damaso:
"Si Kapitan Tiago ay hindi kabilang sa mga itinuring na Indio. Mag-iiba ang iyong palagay kung makatikim kayo ng tinola'y..."

Binatang may Mapulang buhok:
"Ang tinola po ba'y parang prutas na loto na maaaring maging sanhi ng pagiging makalimutin ng tao?"

Padre Damaso:
"Anong loterya? Ang tinola'y ginisang manok na nilahukan ng upo.Kailan po ba kaya dumating rito?"

Binatang may Mapulang buhok:
"Aapat na araw pa lamang po at sarili kong gastos ang pagpunta dito."

Padre Damaso:
"Naparito ka para sa walang kwentang layunin."

Padre Sibyla:
"Hindi po ba kayo nasisiyahan sa dalawampung taon niyong paninirahan sa San Diego?"

Padre Damaso:
"Hindi!"

Padre Sibyla:
"Paano nangyari iyon? Ako na may iilang buwang tumira ng Camiling ay labis na lungkot sa aking pag-alis doon. Ngunit iniisip ko na lamang na sa paglipat sa akin ng aking pinuno sa ibang lugar ay para sa aking kabutihan."

Padre Damaso:
(napasuntok sa mesa)
"May relihiyon ba o wala? May kalayaan ba ang mga pari? Napasama na ang bayan at kaya maraming kapahamakang nangyari ay dahil sa pangungunsinti ng mga opisyal sa mga erehe ng kalaban ng Diyos."

Tinyente Guevarra:
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Padre Damaso:
"Sinasabi ko nang malinaw ang ibig kong sabihin. Na kapag nagpahukay ang isang kura ng bangkay ng erehe sa libingan para ipatapon, hindi siya dapat pakialaman o parusahan maging ang hari."

Tinyente Guevarra:
"Padre, ang Heneral ay Vice Real Patrono!"

Padre Damaso:
"Anong Vice Real? Anong Patrono? Kung nangyari ito noon, kinalad-kad na siya sa hagdanan gaya ng kay Gobernador Bustamante na walang  turing sapagkat iyun ang kapanahunan ng tunay na pananampalataya."

Tinyente Guevarra:
"Tumigil kayo, bukas na bukas rin ay makakarating ang inyong mga sinabi sa heneral."

Padre Damaso:
"Aba'y umalis na kayo ngayon din kahit gamitin niyo pa ang aking karwahe"

Padre Sibyla:
"Huwag niyo nang pagtalunan ang mga bagay na walang dahilan. Iba ang sinasabi  ni Padre Damaso bilang pari sa kaniyang sinasabi bilang tao"

Tinyente Guevarra:
"Kayo na ang bahalang magsuri ng pangyayari, Padre Sibyla. Totoong wala si Padre Damaso sa San Diego noong mangyaring payagan ng kaniyang "coadjutor" na mapalibing sa libingan ang isang marangal na lalaki. Maaaring totoong siya'y hindi nangumpisal, ngunit ang pagbintangan na siya'y nagpakamatay ay walang katotohanan. At hindi batayan upang ipahukay ang kaniyang bangkay at ipatapon sa ilog. May pananalig ang taong ito at may bugtong na anak na pinag-aaral sa Europa kaya't hindi lubos  na mapapaniwalaan ang bintang na pagpapakamatay. Nakaabot ito sa kaalaman ng kapitan Heneral at sa lalo't madali'y ipinalipat si Padre Damaso sa may maunlad na bayan"
(umalis)

Padre Sibyla:
"Dinaramdam kong maungkat ang isang maselang bagay ngunit kung mas nakabuti ang iyong pagkakalipat."

Padre Damaso:
"Anong nakabuti? May mga bagay na nawaglit at nawala sa paglilipat tulad nito."

Ginoong Laruja:
"Ano ang masasabi ninyo sa may-ari ng bahay?"

Binatang may Mapulang buhok:
"Hindi pa ako napapakilala sa kaniya."

Padre Damaso:
"Hindi na kailangang magpakilala dito dahil si Santiago ay mabuting tao."

*pasok: Kapitan Tiago at Ibarra*

Kapitan Tiago:
(humalik sa kamay nina Padre Sibyla at Padre Damaso)
"Siya nga pala si Don Crisostomo Ibarra, ang anak ng namatay kong kaibigan. Kakarating lang niya mula sa Europa."

Padre Sibyla:
*nagulat*

Padre Damaso:
*nagulat*

Padre Sibyla:
(tinanggal ang salamin at tiningnan si Ibarra)

Don Crosostomo Ibarra: 
"Ikinagagalak kong makilala ang kura ng aming bayan, ang matalik na kaibigan ng aking ama."

*makikipagkamay sana si Ibarra kaso di pinansin ni Padre Damaso*

Don Crosostomo Ibarra:     "Ipagpatawad niyo po ang pagkakamali ko."

Padre Damaso:
"Hindi ka nagkakamali binata, ngunit hindi ako kailanman naging matalik na kaibigan ng iyong ama."

Tinyente Guevarra:
(nilapitan si Ibarra)
"Tunay nga ba kayong anak ni Don Rafael Ibarra?"

Don Crisostomo Ibarra: 
(Yumuko kay Tiyente Guevarra)

Tinyente Guevarra:
"Maligayang pagbabalik, Ginoo. Sana'y higit kayong mapalad sa iyong ama. Nakilala ko ang iyong ama at masasabi kong napakabuti niyang tao. Maraming nangangailangang tao na ang natulungan niya."

Don Crisostomo Ibarra:
"Marami pong salamat sa mga papuri niyo sa aking ama."

Tinyente Guevarra:
(tumalikod kay Ibarra)

Kapitan Tinong:
(lumapit kay Ibarra)
"Ginoong Ibarra, nais kong ipakilala ang sarili ko sa inyo. Ako si Kapitan tinong, taga-tondo, kaibigan ni Kapitan Tiago at ng inyong ama. Kung inyong mamarapatin ay nais ko kayong imbitahin sa pananghalian bukas."

Don Crisostomo Ibarra: 
"Ikinagagalak ko kayong makilala, ginoo. Maraming salamat at ipagpatawad niyong hindi ko magawang tunguhin ang inyong imbitasyon sapagkat  uuwi ako sa San Diego bukas."

Kapitan Tinong:
"Siguro naman po ay hindi niyo ako bibiguin sa ibang pagkakataon."

Utusan 1:
(lumapit kina Don Ibarra at Kapitan Tinong)
"Nakahanda na po ang pagkain."

  

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now