*Extra(Esther,Marnette,Lou,Kiarra)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Alkalde(Jed)
*Lalaking Madilaw(Jeg)
*Nol Juan(Mherc)
*Eskribano(Alfred)
*Maria Clara(Mika)-------------------------------------------
Alkalde:
"Nais niyo po bang kayo na ang maglagay ng tubo sa pundasyon?"Don Crisostomo Ibarra:
"Hayaan na lamang natin ang eskribano sa kaniyang tungkulin."*Bumaba ang eskribano at inilagay ang tubo*
Alkalde:
"Mga mamamayan ng San Diego!
Isang karangalang pangunahan ang pagdiriwang na ito.Isang paaralan ang itatayo at ang paaralang ito ang magiging pundasyon ng lipunan.Ang paaralan ang naglalaman ng kinabukasan ng isang bayan. Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng isang bayan at sasabihin ko ang uri ng bayang iyan.Purihin natin ang kga pari, ang pamahalaang España.Mabuhay ang España!Mabuhay ang hari!"All:
"Mabuhay!"*Bumaba ang alkalde upang magpalitada*
Alkalde:
"Hindi po ba kayo magpapalitada?"*Napilitang bumaba at magpalitada si Don Crisostomo Ibarra. Bigla na lamang humalagpos ang lubid at nawasak*
*Natabunan sa ibaba si Don Crisostomo Ibarra*
Don Crisostomo Ibarra:
"Tulungan niyo po akong iahon ang bangkay ng sawimpalad."*Tinulungan ng mga tao si Don Crisostomo Ibarra na makalabas.Kinuha rin nila ang bangkay ng lalaking madilaw*
Alkalde:
"Dakpin si Nol Juan, siya ang may kasalanan!"Don Crisostimo Ibarra:
"Hindi po tayo nakatitiyak kung sino ang tunay na may sala."
