Scene 20

8.4K 21 0
                                        

*Babae 1(Zindy)
*Babae 2(Kiarra)
*Babae 3(Erica)
*Don Filipo(Ako)
*Kapitan Martin(Onin)
*Kapitan Basilio(Jeg)
*Kapitana Maria(Marnette)
*Hermana Rufa(Mariella)
*Kapitana Tinay(Tina)

-------------------------------------------

Babae 1:
"Nabalitaan niyo ba ang ginawa ni Ibarra?"

Babae 2:
"Oo at nagbabayad lamang siya ng utang!"

Babae 1:
"Tingnan ninyo ang nangyari sa simbahan kaninang umaga habang nagsesermon si Padre Damaso."

Babae 3:
"Ay oo nga nakita ko iyon! Isang mestiso ang lumabas ng simbahan at nakita ito ng kurang malaki.Tinanong ito at nangatwiran na hindi niya maintindihan ang sermon sa wikang tagalog hanggang sa nagsuntukan sila."

Babae 1:
"Hindi ipinipilit ang relihiyon kaninumaan. Nakakapagtaka ang ginawa ng paring Pransiskano."

Babae 2:
"Kung naging matimpi lamang si Ginoong Crisostomo, sana'y hindi umabot sa ganoon ang pangyayari."

Don Filipo:
"Ang sabihin niyo ay kung si Padre Damaso sana ang nagkaroon kahil kalahati man lamang ng pagtitimpi ni Crisostomo. Ang nangyari'y siya pa ang nag-asal bata sa kanilang dalawa."

Kapitan Martin:
"Walang naglalakas ng loob na awatin sila maliban lamang sa anak ni Kapitan Tiago.Walang makapigil kay Crisostomo Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad."

Kapitan Basilio:
"Iyan ba ang paniniwala mo?

Don Filipo:
"Naniniwala akong hindi pababayaan ng bayan si Crisostomo!"

Kapitan Basilio:
"Anong magagawa ng taong bayan?Laging may katwiran ang mga prayle. Nagkakaisa sila samantalang ang mga mamamayan ay watak-watak.

Don Filipo:
"Palagi na lamang silang nasa katuwiran sapagkat nagpapaubaya tayo."

Kapitana Maria:
"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Kung nahubuhay ang kaniyang butihing ina, ano na lamang ang kaniyang sasabihin? Ako'y may anak ding lalaki na mainitin ang ulo at kung darating ang panahong gagawin niya ang ginawa ni Crisostomo, ako' mamatay sa sama ng loob. Ano ang mararamdam mo kung sakaling marining niyong hinamak ang namatay ninyong asawa ngunit walang ginawa ang anak ninyong si Antonio?"

Hermana Rufa:
"Pwes, hindi ko siya bebendisyunan!"

Kapitan Tinay:
"Hindi ko kaya iyong gawin sa aking anak, hindi ko maipagkakait ang aking bendisyon. Pero kung ako ang tatanungin,hindi ko pa alam ang aking gagawin."

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now