Belle's Pov
"Bakla, Bakla, Bak-(kiss)” Ano tong nangyayari? hindi ako aware. Sobrang bilis ng pangyayari. Anlakas ng tibok ng puso ko. nakapikit ako. unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pagkamulat ko, nakita ko mukha niya. sobrang lapit
Ano bang nangyayari?
pagtingin ko sa baba, lumaki agad yung mata ko.
K-kasi magkadikit yung l-labi namin...
Lumaki din yung mata niya. Bilis-bilis ko naman siyang itinulak ng malakas na ikinatumba niya. Tumayo siya ng mabilis at...
"Sorry belle hindi ko sina---" hindi ko pinatapos ang sinabi niya kasi sinampal ko siya.
Tumalikod na ako and I started crying. Tumakbo ako ng mabilis habang umiiyak.
"Belle! I'm sorry!" He shouted but I continued running. How could him.
Alam kong mali ako kasi inasar ko siya 'Sob Sob'. But It doesn't mean that he will just kiss me just to take revenge.
Andito na ako sa labas ng school at sumakay ako ng jeep kasi Gabi na din, usually kasi nilalakad ko lang. Pinipigilan kong umiyak kasi my mga tao dito sa jeep. pupunasan ko ng panyo kung may papatak na luha. Ambilis pa rin ng tibok ng puso ko.
Bumaba na ako at bilis na naglakad sa boarding house. Dumiretso na ako agad sa kwarto namin at nakita ko si Iya pero nilampasan ko siya.
"Belle, bat ka umiiyak?!" huhu bat kailangan niya pang isigaw? T_T
dumiretso ako ng kama ko at humiga. Nilagyan ko ng Unan yung mukha ko. Umupo siya sa kama ko.
"Ui bat ka umiiyak?" mahinahon niyang sabi pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko p rin pag iyak ko.
Napansin kong tumayo na siya, alam niya na, na hindi pa ko magku-kwento sakanya.
Napagod na ako sa kakaiyak at naubos na yung luha ko kaya umupo na ako. mga 30mins. din yun. Agad namang lumapit si Iya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ok ka na ba?" I nod.
"Ano ba ang nangyari?" hindi ako sumagot.
"Sige kung di ka pa ready kahit wag mo muna sabihin." umalis na siya pero hinawakan ko kamay niya at pinaupo.
Nagsimula na akong magkwento. sinabi ko lahat simula nung nasa library kami hanggang sa hinalikan niya ako.
"ANO?! HINAL---" hindi niya natuloy ang sinabi niya dahil tinakpan ko bibig niya. Grabe talaga itong babaeng to.
"Ano ka ba. kailangan mo talagang ilakas. Ilakas mo na naghalikan kamin ni Barron?" I rolled my eyes.
"sorry bes pero hinalikan ka niya talaga?"
"Hindi, multo yung hinalikan niya" sarkastiko kong sabi.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala na hinalikan ka niya."
"kaya nga, inasar ko siya at alam kong mali ako pero hindi naman sapat yun para halikan ako diba?" She nodded.
"ah bes, ano namang naramdaman mo nung hinalikan ka niya, bumilis ba tibok ng puso mo?"
"Oo" sabi ko.
"wow baka kayo talaga para sa isa't isa"
"hoy kilabutan ka nga sa sinasabi mo. mabilis lang tibok ng puso ko kami na agad para sa isa't isa. eh pagkatapos ko naman tumakbo, mabilis rin naman tibok ng puso ko nun ah, so yung takbo para kami sa isa't isa? Ikaw ba naman halikan ka na hindi naman kayo, siyempre lalakas ang tibok mo sa pagkabigla." depensa ko.
"whoooooww.. binibiro lang kita andami mo namang sinabi." Iya na may nakakalokong ngiti.
"hoy hindi ako defensive"
"wala naman akong sinabi ah." hindi pa rin nawawala yung nakakalokong ngiti niya.
"tsss."
"pero bes hindi mo ba napapansin parang yung nangyayari sainyo parang ganyan yung nangrayari sa wattpad. Una magkaaway kayo tapos hinalikan ka niya tapos sa huli sila yung nagkatuluyan. Dapat alam mo yan kasi adik ka sa kakabasa." inisip ko. Oo nga no?
"Sige Bes pagod ka na., matulog na tayo." pumunta na siya ng kama niya pero hindi pa nakuntento. kasi kumanta pa siya...
" So get out, get out, get out of my head
And fall into my arms instead
I don't, I don't, don't know what it is
But I need that one thing"
Uggggggghhh! grabe lalo niyang pinagulo yung mga iniisip ko.
Pero hindi, hindi to pwede. Malabong mangyari sinasabi ni bes. Ang alam ko sa wattpad lang nangyayari yun kaya Impossible yun.
kailangan kong makasiguro, simula ngayon hindi ko na siya papansinin.
pero isa pang dahilan kung bakit ko siya kailangang iwasan kasi...
Yung halik niya kanina parang ganoon kabilis ang tibok ng puso ko noong hinahalikan ako ni Aaron noon...
Please Vote and comment :-)
Hindi lang po sila ang love team dito.
alex and vincent
Iya and ken(not sure)
BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Teen FictionPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...