Belle’s Pov
“Bes! Pansinin mo na kasi ako..” Si Iya na halos paluha na.
Niloloko ko kasi siya kasi nga diba inasar niya ako na may ginagawa kami ni Barron duon sa tambayan namin. Hindi naman big deal sa akin yun kaya lang naisipan ko pa siyang pagtripan. Haha
Tuloy-tuloy lang ako s pangi-isnob sa kanya.
“Sorry na nga eh. Waaah!!!!” umiyak talaga siya? Hindi belle, naririnig mo na nga siya diba? Andito kami sa corridor, nakatingin sa amin ang mga istudyante. Anong gagawin ko? Magpanggap kaya akong hindi ko siya kilala? Mamaya isipin pa nilang sinaktan ko siya. Sa huli, syempre linapitan ko siya.
“Ui bes tama na. Batii na tayo. Nakakahiya ka, nakatingin sa atin mga istudyante.”
“talaga?!” ang ingay niya talaga -_-
“Oo halika na.” hinila ko na siya.
“Bes sorry talaga.”
“Oo na nga.”
Uwian na namin. Nakaalis na si Alex kaya kaming dalawa lang. kasabay ko si Iya pag-uwi minsan kasama namin si Ken.
“bat nga kasi nakaganoon kayo kanina ni Barron?” I glared at her.
“hehe” nag peace sign siya.
“Bes, may isusuot ka na ba sa debut ni Alex?” meron na nga ba? Puro hiram kasi sinusuot ko pag umaattend ako ng debut. Problema to.
“ewan ko bes. Ikaw ba?”
“Meron na. humingi ako kay mama. May kasama ng kupit. Haha” haha baliw talaga itong babaeng ito.
“tanongin ko pa si mama kung may extra siya.” sabi ko
“yung gift?” shet problema pa ito.
“pag-ipunan ko na lng.” Mayaman kasi si alex. Hindi lang basta-basta isusuot ko sa debut niya kasi mayayaman ang mga andoon. Pati na rin gift niya.
Sumakay na kami ng jeep at umuwi na.
Kinabukasan
Magkakasama kaming tatlo. Tamang kwentuhan lang. Hanggang lumapit sa amin si Barron.
“Belle, pwede ka bang makausap?” tinignan ko siya tapos tinignan ko sila si Iya at alex na nakangiting ewan. Tinulak-tulak nila ako kahit hindi pa ako nakakasagot. Wala tuloy akong nagawa.
Mejo lumayo kami sakanila.
“Ano yun, Barron?”
“Magso-sorry sana ako sa nangyari kahapon.” Kinamot niya yung likod ng ulo niya. Ay oo nga no? hindi ko naisip yung nangyari sa amin pagkauwi namin sa boarding kahapon.
Nag-isip muna ako.
“Ok pero sa isang kondisyon.”
“ano naman?”
“Libre mo lunch at miryenda ko ngayon.”
“Ok. Yun lang pala eh.” Yun lang? grabe iba talaga mayaman.
Bumalik na kami sakanila Iya at Alex na dumuduet na kumanta.
“And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
Cause everytime I look at you”
Hay nako...
“tsss.. mga baliw.” I just rolled my eyes to them.
Biglang nagring phone ko. I fished my phone at my pocket.
‘mama calling’ tinanong ko kasi kung my pera para bumili ako ng isusuot ko para sa debut ni Alex.
“Hello ma.” Mejo lumayo ako sakanila.
‘Anak, pasensya na wala tayong pera ngayon kasi yung kapatid mo kailangan na daw bayaran yung tuition niya sa school. Tapos kailangan ko pang pag ipunan yung tuition mo. Pasensya na anak.’
‘Ma, ok lang hihiram na lang ako.’
‘Pasensya na anak. Sige kailangan kong bumalik sa trabaho. Bye anak, love you.’
‘Love you too, ma. Bye.’ Inend call ko na.
Bumalik na ako sakanila.
“sino yun, bes?”
“si mama bes. Wala siyang daw siyang pera ngayon.”
“Anong gagawin mo sa pera?” tanong ni Alex.
“pambili ko sana ng isusuot ko sa debut mo.” Nahihiya kong sabi.
“anong palano mo?” tanong ni Iya.
“hihiram na lang.”
“Wag mo ng problemahin yun.” Singit ni Barron.
Napatingin kaming tatlo sakanya.
Don’t tell me.....
Please Vote and comment
Sorry napatagal ang UD. Kakatapos lang ng exam.
Pasensya na.
sa tuesday na lang ulit UD. busy kasi ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17340617-288-k208953.jpg)
BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Roman pour AdolescentsPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...