Belle’s Pov
Tumayo na kami at Mag umpisang maglakad papuntang motor ni Barron. Hindi ko akalain na Iiyak ako sa harap niya at mag o-open up ako sakanya.
Habang Naglalakad kami ay may napansin ako, huminto ako para tignan kung sino yun. Tinitigan kong mabuti at tama nga ako, si Ken, boyfriend ni Iya ay may ibang kaholding hands.
“Belle may problema ba?”
”Ah wala. Parang familiar na tao lang akong nakita. Halika na.” tapos pinagpatuloy namin yung paglalakad. Pero huminto kami ulit kasi may nakita kaming matanda na natumba.
Kaya linapitan naming agad.
“La, Ok lang po ba kayo?” sabi ko. Tapos inalalayan namin ni barron na tumayo si lola.
“Ay ayos lang ako apo.”
“La, may kasama po ba kayo?” Barron
“Meron Yung Apo ko, Kanina ko pa siya hinahanap kasi kanina lang jan lang siya naglalaro.”
“Sige La, hanapin na lang namin siya para sainyo.” Ako
“Oo nga po La, baka matumba kayo ulit. I-describe niyo na lang po sa amin itsura ng apo niyo.”Barron, I-dinescribe ni Lola sa amin at nag-umpisa ng maghanap.
Ang daming bata dito, pano kaya naming mahahanap yun.
“Belle yun siya oh.” Oo nga, ganyan yung pagkakadescribe ni lola kaya linapitan namin.
“Ading’ ikaw ba yung apo ni lola Ester?” Nagpakilala sa amin si lola sa kanina.
“OPO!...” ang cute.
“kanina ka pa niya hinahanap. Halika na.” kaya sumama na sa amin yung bata. Hawak ko kanang kamay niya tapos si barron naman sa kaliwa.
“ate, kuya, pwede ko po ba kayo maging mommy at Daddy?”
“wala ka bang magulang?” ako
“Opo simula nung bata ako si lola na lang nag-alaga sa akin
“ah bata—“ hindi natuloy sasabihin ni Barron kasi binigyan ko siya ng look ng pagbigyan-mo-na-bata-lang-yan. Nagkamot na lang ng ulo si Barron. Nakakaawa naman kasi siya kung pati yun hindi namin pagbigyan.
“Oo naman pwede mo kaming mommy at daddy. Ano nga pala pangalan mo?” Barron.
“Sandy po.”
“Wow ang cute naman ny pangalan mo.” Naglakad na kami papunta kay lola Ester. Ang saya niya lang tignan kahit kunwarian lang na mommy’t daddy niya kami ay Masaya na siya. Kawawa naman siya.
“Lola!...” lumapit siya kay lola Ester at niyakkap niya.
“lola, May bago akong magulang, sila po!” tapo tinuro kami.
“ay lola, ni-request niya lang kaya umOo na po kami.” Ako
“ai salamat mga apo. kasi simula pa nung bata siya gusting-gusto niya magkaroon ng magulang, na-iingit siya sa mga kalaro niya kasi may magulang sila. Madalas magsumbong din ito kasi tinutukso siya na walang magulang.” Bigla tuloy kaming naawa.
“Lola pwede ko bang makalaro si mommy at daddy?”
“ai apo hindi pwe---“
“Ai lola ok lang po, wala naman po kaming gagawin.” Sabi ni Barron, wow bumabawi siya.
“Oo nga po La ok lang basta mapasaya naming si Sandy.” Nag-isip si lola.
“Osige, pasensya na mga apo ah. Makulit talaga apo ko.”
“Yehey!!!” sandy
Kaya ayon naglaro kaming tatlo ng habulan habang si lola pinapanood kami. Ang kulit niya ngang bata. Tapos parang pamilya talaga kaming tignan tapos si Barron game na game siya at para din siyang bata. Haha. Napagod na kami at nagpabili si sandy ng Ice cream kaya bumili na din kami at para kay lola. Pagkatapos niyaya kami ni sandy maglakad sa buong park kasi na-iingit daw siya pag may nakita siya na katulad niya na may kasamang magulang kaya pinagbigyan namin. Makikita mo talaga sakanya na sabik na sabik siya na magkaroon ng magulang. Naglalakad habang nakaupo si sandy sa shoulder ni Barron. Hanggang naikot nanamin ang buong park at binalikan si lola Ester.
“Mga apo salamat ah, sigurado akong tatagal kayo at magiging maswerte anak niyo kasi sweet ang mga magulang niya.” Biglang nagtinginan kami at lumaki mata naming.
“Ah La hindi po kami, friends lang po kami.” Ako
“Oo nga po La.”
Kinuha ni Lola yung kamay namin.
“Upang pasasalamat sa pagpapasaya ng apo ko, bibigyan ko kayo ng libreng hula.”
“Manghuhula po kayo?” ako
“kakasabi nga lang diba?” I just rolled my eyes to him.
“Parehas ang nahuhula ko sa inyo, sa nakikita ko kailangan niyong sundin ang puso niyo, kalimutan ang nakaraan at magfous na lang sa kasalukuyan. Kayo! Kayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa. Pero kailanagan niyong matapang sa pagmama----“ di na natuloy ang sasabihin ni lola kasi kinuha ko na kamay ko at sumunod si Barron.
“Ah La dumidilim na po. Kailangan na po naming umalis. Bye Sandy!” tapos niyakap ko siya at sumunod naman si Barron.
“Bye Mommy at Daddy.”
“ByeSandy! Sige po lola Ester.” Barron. Nagpaalang na din ako.
Grabe andaming sinassabi ni lola Ester, kami daw nakatadahana. Haha Give me a break!
Hindi rin ako naniniwala sa mga manghuhula. Tapos ang advance naman, kailangan daw naming maging matapang.
“I don’t believe Fortune tellers.” Nagsalita si bbarron na katabi ko. So parehas kami ng iniisip.
“Yeah, me neither. Pero ambait ni lola Ester, siguro yun yung source of income niya sa pagpapalaki niya kay sandy.” He Nodded.
Umuwi na kami at andito na kami sa tapat ng dorm.
Iniabot ko sakanya yung helmet.
“Sige salamat Barron ah.”
“Welcome, ah Belle you can just call me Ron instead of Barron.” Hindi pwede kasi yun yung tawag ko kay Aaron, yung ex ko.
“Ummh, Barron na lang itawag ko sayo, I’m used to it na eh. Hehe”
“ikaw bahala.Sige Bye.” Nagsmile na lang ako.
Paloob na ako ng Dorm at kailangan ko ireport kay Iya kung ano yung nakita ko sa Park..
Please Vote and Comment.
Baka sa Saturday or Tuesday ang next Update J
BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Novela JuvenilPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...