Belle's Pov
Anong gagawin ko!!! T_T
"Belle pakiabot naman please." lumabas ako sa halaman na pinagtataguan ko. Pesteng halaman, pahamak. kinuha ko yung towel sa gilid ko na nakapatong sa upuan. Tinignan ko siya, nakangoto siya na parang nakakaloko. Pagtri-tripan pa ata ako nito. Lumakad ako sakanya, ang hot niya. Bakit biglang uminit? hindi to pwede! kailangan kong magconcentrate papunta sakanya, titignan ko lang yung ulo niya. Nagsimula na akong maglakad pero na a-attempt akong tignan yung katawan niya pero syempre concentrated pa rin para hindi niya sabihin na affected ako sa katawan niya.
Andito na ako sa harap niya. Iniabot ko sakanya yung towel.
"Thanks belle." siya. Tulala pa rin ako kasi ang gwapo niya lalo na pag nasisikatan ng araw.
"Ummmh. belle?" siya habang kinakaway niya yung kamay niya sa tapat ng mukha ko. Nakakaloko ngiti niya.
Bumalik na ako sa senses ko.
"May kailangan ka pa ba? sige alis na ako." nakakainis siya. Pinagtripan niya lang ako. Papatalikod na ako ng hinawakan niya ako sa braso.
"Pwede ba tayong mag usap mamaya?" Ano ba ang sasabihin ko? hihingi na kaya ito ng tawad? papatawain ko na kaya siya? humarap na ako sakanya. Bahala na.
"Sige pag may time." tapos kumaripas na ako ng takbo.
Babalik na ako ng office ni tito para tapusin yung mga naiwan kong gawain.
Dahil binilisan ko ang trabaho ko eh mejo natapos ko ng maaga yung pinagawa sa akin. Saktong 4pm ako natapos. kailangan kong magmadali para paglabas ko nitong room eh hindi nila ko makita, paghapon kasi kadalasan tulog mga tao.
"Tito tapos na po yung pinapagawa niyo."
"sige pahatid na kita kay sa anak ko since magclassmate naman kayo diba?"
"Hindi!!--I mean, ehem- hindi na po tito kaya ko naman po mag isa tapos baka makadistorbo po ako kay Barron." grabe nakakahiya nasigawan ko pa si tito buti bigla kong nakontrol.
"Sigurado ka?"
"Opo tito."
"Sige salamat sa time mo belle ha. Ingat ka pauwi."
"Anytime tito. Thanks po, Good bye po" nag smile na lang si tito sa akin.
Papalabas nako ng office ni tito. Tinignan ko muna kong may tao sa paligid.
OK, Clear.
Unti-unti akong lumabas. Dahan-dahan akong naglakad para walang makarinig sa foot steps ko.
Biglang may bumukas ng pintuan sa bandang likod ko. Ako biglang tumakbo tapos kung minamalas ka nga naman natapilok ako. May nagsalita...
"Ate Belle anong ginagawa mo?" si Myles. tumayo ako at tumingin sakanya
"ummh. may hinahanap ako." palusot ko.
"nahanap mo na ba?"
"ah oo. sige aalis na ako."
"akala ko ba magbonding muna tayo? diba sabi ko kanina I want to catch up with you." sinasabi niya ng malungkot.
"kasi baka magabihan ako. Maraming tambay sa kanto namin baka kasi mapahamak ako."
"ah ganoon ba" siya na malungkot.
Biglang may bumukas na pintuan sa likod namin, si Barron. Ito na nga ba sinasabi ko eh.
"May problema ba tayo?" Barron.
"ah wala naman. Sige alis na ako." papaalis na ako ng nagsalita si Myles.
"Wait ate. si kuya na ang maghahatid sayo para makauwi ka lang ng maayos pagkatapos ng bonding natin."
"huh? ako?"
"Oo. diba kuya?" sinisiko siko niya pa si Barron.
"Ah oo."
"ah hindi na nakakahiya naman sa kuya mo."
"Kuya hindi naman diba?" Myles.
"Oo belle ok lang talaga."
"Oh ate belle ok lang daw talaga. Magbonding na tayo please!" Nakapuppy eyes siya at pout pa. Ang cute niya sino bang hindi makakatanggi dito. Basta bahala na.
"S-sige na nga." Wala na akong choice. Niyakap niya ako tapos bumtiaw agad.
"Thank you ate! halika na!" hinila niya na ako papuntang kwarto niya at iniwan si Barron na nakatayo.
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh tapos siya pa yung maghahatid sa akin mamaya.
HELP!!!
BINABASA MO ANG
WattpadGirl meets WattpadBoy?!
Teen FictionPareho silang Single ng pumasok sila ng College dahil sa niloko sila ng kanya kanya nilang karelasyon bago magtapos ng High School. Nang dahil sa wattpad eh mejo nakakalimot sila kasi maybe they believe that reading is the way for them to escape fro...